Monday, July 29, 2013

Shared by Joel

24 years old po ako, 23 naman po ang wife ko at may isang anak, kasal po kami, isa po akong ofw, mahal na mahal ko po ang asawa at anak ko, sila yung buhay ko, napakasaya namin nung hindi pa ako nakakaalis, hanggang sa nagkaroon ako ng pagkakataon na makapag-apply sa company na pinagtatrabahuan ng biyenan kong lalaki. Mabait ang mga biyenan ko at ganun din ang mga magulang ko sa kanya. Natuloy yung alis ko papunta dito, akala ko hindi ko makakaya na malayo sa kanila, pero kapag pala nakikita mong masaya ang pamilya mo at naiibigay mo lahat ng pangangailangan nila, matitiis mo rin yung lahat ng pangungulila mo sa kanila basta para sa kanila.

Lagi kaming nag-uusap sa cellphone at laptop, meron ding time na kahit pagod kami pareho sa trabaho nakukuha pa rin naming mag-usap bago matulog. Hanggang sa dumating yung time na nararamdaman kong nanlalamig siya, sa tuwing tumatawag ako, nagmamadali syang kausapin ako at sasabihin niya na "o sige na sayang ang load mo, ingat ka dyan labyu". Dumaan yung mga araw na bihira na kaming magkausap, lumilipas yung isang linggo na hindi na siya nagmemessage sa akin, lagi akong nagmemessage sa kanya, lagi ko din siyang tinatawagan kung anong problema, lagi niya lang sinasabi na pagod siya sa trabaho niya, receptionist siya sa isang hotel sa amin hanggang sa hindi ko na matiis yung ginagawa niyang pangbabalewala sa akin, nakapagsalita ako sa kanya ng masasakit na salita, aminado ako doon, pero kaya ko lang naman nasabi yon dahil sobrang napakasakit po kasi talaga kapag nababalewala ako lalo na't nasa malayong lugar pa ako.

Palaging balisa yung pag-iisip ko nung mga pnahon na yon, hindi mawala sa isip ko na baka meron na syang iba kaya ganun siya sa akin. Alam kong mali yung nagawa ko sa kanya lalo na nung sabihin kong makikipaghiwalay na ako, dahil sa sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko, gabi-gabi akong nagmemessage sa kanya, ni hindi niya sinasagot yung mga tawag ko, ni hindi ko na rin alam na natanggap niya na yung sahod namin, nababalitaan ko nalang na nakuha na nila dahil kasama ko sa company ang biyenan ko. Dumating yung araw ng paguwi ko, December last year, akala ko maaayos yung relasyon namin, pero lalong nasira, malaki yung ipinagbago niya, yung pakikitungo niya sa akin, sa tingin ko nagawa ko na din ang lahat para lang ipakita ko sa kanya na ayokong masira ang pamilya namin, lagi ko siyang iniiyakan, mas masakit pa nun, ni hawakan ko lang yung kamay niya, ayaw niya  ni hindi man lang siya nagleave sa work niya para sana magkaroon kami ng pagkakataong mapag-usapan yung problema namin.

Ipinaalam namin sa magulang namin ang problema, tinanong nila kung anong problema, napakasimple lang ng sagot ng asawa ko. "Hindi ko na po siya mahal." Alam kong kaya niya nasabi yon dahil na rin siguro sa mga nasabi ko nung panahong nasa abroad ako, pero para sa akin naman, hindi naman siguro yon basehan para maging ganito siya sa akin. Napakasakit para sa akin nung marinig ko yun mula sa kanya, siyempre pati sa magulang ko, pinili ko na rin na bumalik na lang ulit dito sa Saudi para na rin makapag move on, pero sa tuwing nakikita ko yung mga photos niya sa fb, nasasaktan ako (hindi po kami friend sa fb, madalas ko lang siyang tingnan dahil kahit galit ako sa kanya, nangingibabaw pa rin yung pagmamahal ko sa kanya) Mag 8 months na ulit ako dito pero yung sakit ganun pa rin.

Last month, nagmessage siya sakin, natuwa ako dahil nagmessage siya, akala ko simula na ng pag kakaayos namin, nagreply agad ako, napalitan ng pananabik at saya yung galit na nararamdaman ko para sa kanya, sinabi ko lahat ang mga plano ko para sa kanila, na muli sana kaming magkaayos kahit na nagkaroon kami ng problema, sana maayos pa rin namin pero mali pala yung ini-expect ko, magpapadagdag lang pala siya ng sustento sa anak ko lalo akong nagalit kasi lahat ng sinahod ko nung unang taon ko dito, lahat nasa kanya na, wala akong kinuha, inisip ko nalang na para sa anak ko yon, at madali lang naman kitain ulit yun. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko, mahal na mahal ko yung pamilya ko, hanggang ngayon umaasa pa rin ako na balang araw maayos ulit yung pamilya ko pero parang sa tingin ko masaya na siya ngayon. Salamat po dahil kahit papaano, nailabas ko yung sakit na nararamdaman ko sa pamamagitan nito.

30 comments:

  1. Grabe naman yang ex-wife mu!? Hindi nya ba narealize ganu kahirap mawalay sa isang pamilya!? Para lang maibigay mu ang pangangailangan ng isang pamilya.... Para lang maging Good Provider ka sakanila HINDI man nya yun APPRICIATE at SAKRIPISYO naginawa mu... kaloka.... Bilib ako sayo tsong kasi bihira na ang lalaki na gusto buo at masaya ang pamilya like my husband :D kaya ipagdasal mu lage na sana matauhan sya... Sa ngayun isipin mu nalang yung baby mu tas fucos sa work.... Si Lord na bahala sakanya... God Bless :)

    ReplyDelete
  2. hello.. po. parang ganun ang nagyari sa akin.. na ika ako sa storya mo.. kasi nung umuwi ang hubby ko galing japan..ayaw nya makipag sex sa akin..e sobra ko syang na miis for 2 years and 10 months sya sa japan.. ma nangyari naman sa amin pero kailangan mo xa pilitan.. yung firstday sa pguwi nya walang nagyari until kinabukasan..wala nmn akung nakikita na may ibang babae nalaman ko lng na nag punta sya sa club nung sa japan xa at nanood xa ng porno..ang sakit sobra ngaun nasa saudi nmn sya magalit xa pg mag message ako...bakit ganun? gusto ko kasi mag message sya palagi.. kahit isa.. minsan lng kasi xa magtawag hindi nmn ako nanlalaki..iisa lng kami ng compound kasama pamilya nya..sobrang sakit hindi ko na naramdaman na mahal ako ng assawa ko..may anak kami dalawa..at kasal kami..hingi ako nang advice? salamat and Godbless

    ReplyDelete
    Replies
    1. Maam if you cannot fulfill your duties as a eife kasi malayo ang asawa just make sure na ginagampanan mo mabuti ang pagiging nanay mo. Mas mahalin mo mga anak mo kesa asawa mo. Dugo laman at hirap sa pag ire ang mga anak mo.

      Delete
    2. Sorry to say pero bading po asawa nyo...

      Delete
  3. continuatin--yung unang gabe pala walang nangyari sa amin hanggan na umgahan na mali ako pag ka type...naging faithful wife ako..sobrang sakit... akala ko ma feel ako nang hubby..hanggang ngaun kasama parin kami tinitiis ko kasi may dalawa kaming anak... sobrang sakit kasi n pa ka faithfull ko..tiniiis ko nalang..na iyak ako sa story mo sobra..pag ganito po ba mahal pa ba ako ng hubby ko?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bading po asawa nyo, if he cant fullfilled his obligation ground po for annulment.

      Delete
  4. napakabuti mong asawa at ama :) pray kalang kay lord trials lang yan pra lalo kayong tumibay ipagpray mo din xa n sana matauhan xa at maisip nia ang tama pra sa pamilya nio..mabuti kang tao kaya malalagpasan mo lahat yan sana lahat ng ama/asawa katulad mo :)

    ReplyDelete
  5. nakakarelate naman ako dun sa story mo bro.i had a girlfriend now.teacher sya sa public.alam naman nating nakakapagod ang magturo sa public.gngwa ko din ang lahat para sa kanya pero sya.she never remind me of my worth..galit pa xa minsan.sana naman ndi aq magkamali sa pagpili sa kanya. .ayokong magkamali

    ReplyDelete
  6. napakabuti mong ama..ako ginawa ko rin yan sa hubby ko naga message everyday pina pafeel ko talaga na sobra ko xang love naga church ako halos every sunday, nag share na nga ako ng mga verse.. halos same tau n g storya para nag iba talaga asawa ko simula nkapagabroad xa.. kailangan ko pa xa pilitin para mkipag sex sa akin.. sakit talaga sobra.. bkit nagawa nya yan sa akin.. hindi ko na ma feel na love nya ako.. ofw din xa sa saudi.. pag online sya sa fb ako online din aayaw mag message..kainis talaga.. iniiiyak ko nlng kasi maddawang kaming anak...sabi ko nga sa hubby bat kamn magalit pag mag message ako sau..ito n nga way ng communication namin.. khit nag aaway kami.. pinap[aramdam ko parin na mahal ko xa.. na miss ko xa pero parang hindi ko nakita na mahal nya ako..simulan nung nakaabroad xa..mas swerte ang asawa mokasi ikaw ang nag memessage sa kanya.. ginawa ko narin ang pa sexy effetc.. rebond..lahat ginawa ko para maibalik ang dati..wala parin.. sabi nya love nya daw ako pero kailangan ko pilitin para may mangyari swerte nayang may once a week..pag nanagalit ba e msg c hubby ano sa palay nyo? gi unfriend narin ako sa mga kasama nya sa saudi? palagi syang naiinis? kahit nagtatanong ako kung ano ginagawa nya.. hindi nmn ako nanlalaki kasi iisa lng kami ng compound sa family nya..any advice guys..ako nga pala si aleth..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hmmp...same cla ng asawaq gnyn n gnyn pro d xa ngglit aq p ang ngglit sknya ung gngwa m gnwa q n rn peo la ngbgo dn 1 tym ngtxt aw sb q" pgod nq gnwa q n lht peo gnun prn prang la kn pkialam skn o s anak ntn kng kya m mbuhay ng wla kmi cge gwin m gsto m la nq pkialm kbg my iba kn mgpkasawa k.."..peo d prn xa ng txt or call wla dn..so gnwa q d nq ngprmdm sknya hinyaan q n xa si nung tumwg xa sb nia bt dw d nq ngpprmdm sb q la lng busy aq ee kht d nmn hnyaan q nlng tlg xa kht my iba xa aq prn pla nsa icp nia nlmn q kc n my iba xa dun..so i let him go..ng iba nrn pkktungo q sknya..bt naausz prn nmin ung gusot..

      -f i wre u yaan m muna xa wag k muna mgprmdm kng bnbgyn k nmn ng pera pra alloeance nio ok n un jan m mkkta kbg my pki p sau hubby m pg d kn ngprmdm sknya

      Delete
  7. I had a partner...my husbnd workin bfor in brunei..we met der i get pregnnt den i dcded t o go hom in phil bt he stay in brunei den nung nndto aq phils naiwan xa s brunei sumtyms we chat and am d 1first hu texted him sumtyms he call..den few months aftr evrythings change no txt sumtyms no call sumtyms once a week..

    December nanganak aq..dumaan ang araw lgi kmi ngaaway pgnguusp s chat s twg s txt..den MAY 2013 my grl n tumwg skn tnanong aq alm nia ung name q tpos tnnong nia ulit aq kng kaanu anu q rw ung husbnd q sb q asawaq and my anak kmi s una d nia cnsb kng cnu xa kng kaanu anu xa ng asawaq cnb lng nia n llau nlng dw xa kht msjt pra snya abg ggwin nia gnwa p nia aqng tanga..gnwa q pngttulkn q p ung asawaq sknya sb q "kng kau e d kau" wag nio lng aq gwng tanga..den npatulon n ung call i texted my husband minura q xa sb q "mgpkasasa k s bbae m mgpkligya k d k lng nmn ang ngiisang llki s mundo" den i let him go den 1 nyt ngonline aq fb nkaol xa ngaway nnmn kmi sb nia"wla n dw aq pki sknya kya dw pnbbyaan q nlng xa ng gnun" e nun n my pki aq sknya e gngago nia q den we nvr chat or talked agen..kht tumwg xa s nanay nia(dto kc q nktira sknlaat nlmn dn ng nanay nia ang ngyri pnglitn xa)d q xa knkausp ng maausz den nung march ngusp kmi ng prng norml lng nglbsan ng sma ng loob den nauwi nnmn s away tpos my mga arw n nguusp n prng norml lbg dn tpos away nnmn tpos isang ngusp kmi mcncnan humingi xa twad skn hnd dw nia kya mwla kmi ng anak nmin pguwi dw nia aauszin nmin dw ung gusot n ngwa nia bbwi dw xa s pgkkulng nia so ngng evryday n ung chat nmin ngng msya n ulit kmi peo mnsn d rn miwasan n ngaaway hnggng s nkauwi n nga xa mgksma n kmi ngaun at kasal nrn po kmi evrytym n my mngyyri smin bnbulong nia lgi skn n mhl n mhl nia aq..aq ang buhay nia kmi ng anak q


    PS. Wag msydo mgng hbol s asawa ipkta n kya nio mbuhay n wla cla ipkta m n mlkas k wag m ipkta n mhna k wag m ipkta n kaawa awa k iprmdm m sknya n ikaw ang karapat dpt..iprmdm m n ikaw ang hhnp hnpin kht iba ang ksma blng araw cla ang mgmmkaawa n
    mhlin ulit cla

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice 1 girl! ;-)
      atleast iba nman ito. Happy ending!
      "a strong woman!"
      lagi na lngkc nagpapakamartyr ang mga babae eh!

      Delete
  8. For kua..kng ung wifey m my iba mlkas lng ang loob nia kc my iba n xa peo kbg wla xa iba mg istick yn sau..wag m pdlhn ng mlki kc my possibility n gmitin k nlng nia..pdla k lng pra s anak m uprmdm m s wifey m n d m nrn xa nid..mrmi iba jn ms hgt p ung deserving ung worth it fir u db...un lng kua

    ReplyDelete
  9. @anonymous july 29 at 9:51pm, so may tendency pala pag ang hubb ko pag wala ng pakialam sa akin walang text or tawag or msg minsan may isa sabi nya pagod daw xa...ngaun hindi muna ako mag message hintayin ko na pansinin nya ako ulit..ganun ba? try ko nga yan kung effective

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes try m po..kng effective mhl k nia at my pki xa sau pg gnwa m yn maiicp nia n my asawa pla xa..bsta ngwa m nuon ung obligasyon m sknya example ung inaalagaan m xa inaackso nuon maallahanin..he well realize evrything

      Delete
  10. Sigurado ka ba na nasabihan mo lang ng masasakit na salita si wife? Baka naman may dahilan sya para balewalain ka? Third party? Pero base naman sa kwento mo, mukha naman good boy ka. BASE SA KWENTO MO HA. Out of sight, out of mind. Bata pa asawa mo, receptionist pa. May itsura yun sigurado. Tapos andyan ka sa malayo. Naku kuya, alam mo na ang kasunod nyan. Kaya try to save your money para sa anak mo. Magpadala ka man, wag mo lahatin. Yung tama lang para sa gastusin sa anak nyo tsaka mga bills sa bahay. Tutal, may trabaho naman sya. Good luck sayo. Sana dumami lahi mo.

    ReplyDelete
  11. Ohhh...myyyyy..hirap talgang maging ofw.. (sigh)

    ReplyDelete
  12. Ohhh...myyyyy..hirap talgang maging ofw.. (sigh)

    ReplyDelete
  13. hndi alam ng wife mo kng gano sya kswerte sau move on ka na isipin mo na lang mga anak mo pakita mo na kaya mo kht wala sya..masakit sobra alam ko yan pero wlang d ngagamot ang panahon..godbless good things will come god is good

    ReplyDelete
  14. Ouch naman nyan! Manhid ba naman?
    Set time to talk yung kayo lang dalawa.
    Lahat nadadaan sa mabuting usapan.
    That's painful pero...kelangan harapin yan ng buong tapang
    para sa pamilya, para rin sayo... para makuha mo yung mga
    sagot sa tanong mo.

    Prayers can move mountain. ipray mo lang asawa mo kay God
    para mataohan siya ulit.

    ReplyDelete
  15. tnx sa lahat ng mga advices nio..nkaginhawa po ako..npakahirap mlagay sa gn2ng sitwasyon pero ang tanging inilalagay ko nlng sa isip ko eh lahat ng bagay na ngyayari ngayon eh may dahilan..hnggang ngaun mahal na mahal ko parin ang asawa ko..pro hnggang dun nlng cguro to,ntatakot na rin kc akong masaktan at umasa ulit kgaya ng mga gnwa ko nung magbakasyon ako sa pinas..wlang gabing hndi ako umiiyak,minsan kpag npag uusapan nmin ng mgulang ko ang ngyari hndi ko mpigilang umiyak ng husto,nkatahimik lang cla,nkikinig skin,cla ung npag lalabasan ko ng sama ng loob ko...npakasakit tlga pero alam kong unti unti mttnggap din puso at isip ko ung mga ngyari...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayt kua..go go go..d xa dserving 4u nuh..dmi iba jn peo sna hnpin m ung kya kng intndhn s lht ng bgay..

      Delete
  16. Pare if ur wife say she doesn't luv I it's because shel loves some one else. Ayaw pahawak coz meron ng may hawak. Prepare to discover soon na meron syang bf. start moving on. Been there done that. Prepare money for annulment.

    ReplyDelete
  17. Buhay Saudi nga naman....

    ReplyDelete
  18. RESPECT! Sorry sir yan lang kaya ko ibigay sayo

    ReplyDelete
  19. ang hirap makahanap ng lalaking kagaya mo sa panahon ngayon kuya. kung iisipan napakaswerte ng asawa at anak mo sayo. sana po kung hindi man kayo mag kaayos na dalawa sa susunod pang mga araw, buwan at taon na lilipas sana makahanap ka ng babaeng mag mamahal sayo ng totoo na kahit malayo ka pa hindi ka pag papalit sa iba. pero hindi ko din nmn po inaalis sayo na mawalan ka ng pag asang mgkabalikan pa kayo. :) god bless po kuya.

    ReplyDelete
  20. hay naku napaka tanga ng ex wife mo.. un lang mssbi q.. pano b mg sulat d2? ishashare q lng ung akin..

    ReplyDelete
  21. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  22. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  23. Try mo paramdam sa kanya ginagawa nya pero huwag mong kalimutan anak mo, nangyari n sa akin yan. Pero nilakasan ko luob ko, ngayon i'm blessed with my second wife. Nga2 si ex ngayun, kung di lang sya nagloko di sana sya nasa lugar ng wife ko ngayun. Meron talagang taong di marunong magpaalaga sa paghihirap mo. In time makakahanap ka din, sorry to say me ibang babae na binabaliwala ka dahil busy na sa iba.

    ReplyDelete

What is on your mind now? Share your advice/comment with LOVE. :)

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.