Friday, October 18, 2013

Shared by Miss Mira

One of my friend advised me to search your name, sabi nya hanapin ko daw name mo sa facebook makakarelate daw ako sa mga stories dun and she even told me na baka dyan ko pa daw mahanap Mr. Right ko sabi ko, ngek medyo malabo yata yun. Actually, di ko sya pinansin at natawa lang ako sa sinabi. Ma-emosyon kasi akong tao kaya minsan iniiwasan ko magbasa ng mga story na may kinalaman sa pag ibig hehehe, bumibigat dibdib ko lalo...

Until one day, para akong nakaramdam ng self pity at nakaramdam ng bigat sa dibdib ng di ko talaga alam ang exact reason, bigla na lang akong naiyak. Hindi pa naman siguro ako nababaliw nun noh? Para ma shift ko sa iba yung nararamdaman ko I decided to search your name and then I started to follow you.

Parang bigla kong naisip na mag share din ng kwento ko. Ang sobrang masalimuot kong kwento. Sabi nga ng mga kaibigan ko pang Maala ala mo daw kaya ang buhay ko... bakit di ko daw ipadala since birth hanggang married life ko.

Anyway, here's my story. medyo natagalan bago ako natauhan...sabi nila masyado daw akong mabait sa ginawa ng asawa ko sa akin. Pero kahit naman kasing anong gawin ko, nangyari na eh, alangan naman lalo pa akong magpa kabitter.

I met my Ex husband ( not yet legal na EX) when I was in 4th year college. Actually he is the brother of my college friend, my BFF. Hindi naman love at first sight ang nangyari sa amin, nadevelop na lang ang feelings ko kasi nga close ako sa family nya dahil na rin kapatid sya ng BFF ko at di ko na din pinatagal ang panliligaw nya. After my graduation, he decided to work abroad kaya naging LDR kami for almost a year. After a year, bumalik sya ng Pinas at yun nga nagpropose po sya na magpakasal na kami. Hindi muna ako pumayag magpakasal kasi that time kakalipat ko lang sa new company at medyo to the highest level ang stress at demand sa work ko. At may mga kinakatakutan pa ako sa salitang kasal. Parang di ko pa yata kaya, dami kong tanong sa sarili ko. Tsaka matagal din kaming naging LDR kaya sabi ko need ko muna syang makilala ng husto talaga. But after a while, we've just decided na mag livein na lang muna, and it lasted for a year before we decided to get married.

A short background muna about my life... I belong to a broken family and never felt to belong... I mean di ko talaga alam kung ano ang pakiramdam ng may masayang pamilya. Ang mama at papa ko, may kanya-kanya na silang pamilya pareho. Lumaki ako sa lola ko, at nakitira at nakisama sa hindi kamag anak para makapag aral, kaya sobrang pinagbuti ko ang pag-aaral ko, consistent honor student ako, kung sinu sino hinihila ko para lang may magkabit ng medal sa bawat parangal na ginagawad sa akin. Mabait naman yung nagpaaral sa akin pero syempre need kong makisama at tumulong sa mga gawaing bahay ( teary eyes... those were the days...) Nung mag college ako, nagmigrate na sa America yung nagpapaaral sa akin. Kaya sabi ng lola ko, pumunta ka sa mama mo para makapag aral ka ng college. Wala akong choice kundi pumunta ng Maynila at iwanan ang lola ko, kailangang kong makatapos kasi dami akong pangarap. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Pagdating sa Maynila, I never felt that I belong, I live my own. Pero ok lang basta aral lang akong mabuti. Pero kailangan ko pa ding makisama at tumulong sa mga gawaing bahay. May times pa na pinalayas ako ng step father ko, kung kani kaninong friend ako nakatira at nagworking student ako para lang makapag aral.

In short, sobra akong nag struggle sa buhay, sa buhay na walang pamilya na nagmamahal sa akin. I really tried hard na kayanin ang buhay mag isa, ng walang pamilya na nakapaligid sa akin. Lalo kong naramdaman ang mag isa nung mamatay ang lola ko. Kasi sya ang inspirasyon ko eh. Nag aral akong mabuti, naghanap ng magandang trabaho kasi gusto kong makaramdam ng ginhawa, kasi sya ang buhay ko eh. At sa awa naman ng Diyos, nakapasok ako sa magandang company pero nakakalungkot lang kasi di na yun nakita ng Inang ko. Naku kung narrate ko ang buhay ko, baka bumaha ng luha sa sobrang dami kong pinagdaanan bago ako nakarating sa kung san man ako ngayon.

So, I'm really longing for love... for a family...! Kaya nga di ako nagpakasal agad kasi I want to make sure muna na sya na ba talaga kasi ayaw kong matulad ako sa parents ko. Sabi ko, pag nag asawa ako sisiguraduhin ko na di ako magiging broken family. At pag nagkaanak ako, hindi nya mararanasan ang naging buhay ko. Ang lahat ng hirap at pasakit na pinagdaanan ko. But sad to say, kahit anak wala ako. Sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko at naramdam ko naman na ganun din sya sa akin. Sa kanya ko naramdaman na kumpleto ako. Na deserve kong mahalin at magkarun ng pamilya. Kaya nung maging kami ng asawa ko, sya ang naging sentro ng buhay ko, ang pamilya ko. Naramdaman ko na di ko kayang mawala sya sa buhay ko kaya after a year na live in kami, we have decided na magpakasal na. I can say na our married life was so perfect. Umikot ang mundo namin sa isa't isa. " Sabi nga ng mga malapit sa amin, " MAY SARILI KAMING MUNDO". Kasi masaya kami kahit kaming dalawa lang. Masaya ang buhay namin mag asawa syempre may kaunting misunderstandings din but mostly, pity quarrels lang.

Almost 2 years kaming nagkasama bilang mag asawa nang dumanas kami ng financial crisis pero sa totoo lang wala naman kaming dapat sisihin kundi kami lang din. Pareho kaming may trabaho. Sa isang malaki at kilalang company dyan sa pinas ako dati nagtatrabaho with good salary and benefits. Kaya wala kaming problema sa pera, kasi may trabaho din naman sya though mejo mas ok talaga ang work at kita ko, never naman naging issue sa amin yun. Dahil nga masasabi ko na ok ang buhay namin... Hanggang sa nawalan sya ng trabaho sa pinas. More than half a year din syang naging tambay, nag try naman talaga syang maghanap ng work pero nahirapan sya kasi under graduate din sya. Sobrang nahihiya na daw sya sa akin. Wala naman kaso sa akin but he still insisted to work abroad. Until, nakahanap syang work sa KSA, dami naman syang kamag anak dun kaya hindi ako nag worry.

Nasanay ako sa buhay na sya ang kasama ko, sa kanya umikot ang mundo ko kaya para akong mababaliw na malayo sya sa akin. Kaya nagdecide kami na sumunod ako sa KSA kaya nakiusap sya sa boss nia na baguhin ng family status ang visa nya para makakuha sya ng visa for me. Until one day, nakausap ko ang kaibigan ko na working sa UAE. Ask nya ako if want ko mag visit visa dun. Kinausap ko asawa ko sabi ko magvisit visa na muna ako sa UAE, kung aling visa ang mauna. So in short, I sacrificed my work in the Philippines para lang magkasama kami agad. Nagvisit visa ako sa UAE, ang usapan namin kung makakuha ako ng magandang work sya ang lilipat sa UAE pero kung mauna ang visa ko sa KSA, susundan ko sya dun. Ginawa ko yun para magkasama kami, sacrifice to leave my job for him. Kahit mahirap, basta magkasama kami. Sabi ko nga dito na lang kami sa pinas, ayaw nya naman. Try daw namin kung kaya ba namin ang buhay abroad dalawa.

Nung dito na ako sa UAE, 2 months, wala akong work, grabeh din ang naranasan ko dito. One month ako sa Oman para sa exit, isa ako dun sa mga taong stranded dati sa Oman at nahihirapang makabalik sa UAE. Nagsisisi ako that time, pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Naalala ko pa, pag may mga dumarating na reporter, need kong magtago baka mahagip ako ng camera at makita ako sa dating work ko... nakakahiya di ba? I'm on my second exit in Oman when I received a call from him, it's our 3rd Wedding anniversary kaya binati nya ako. Sobrang saya ko kasi binati nya ako exactly 12:00am. Naiyak ako kasi mix emotions na eh. Yung pagkamiss ko sa kanya, yung takot ko na di na kami makabalik sa UAE kasi wala pang visa at pauwiin na kami sa Pinas. Yung financially broke ka na din pero ayaw kong paalam sa asawa ko lahat ng takot na nararamdaman ko. Pero ang sobrang nagpaiyak talaga sa akin... after our conversation he used different endearment na hindi naman yun ang tawagan namin. Naloka ako, I asked him anong sabi nya, sabi nya wala lang daw yun, nagkamali daw... may ganun? For how many years yun ang tawagan nyo since magboyfriend pa lang kami tapos magkakamali. From then, sobra ang kabog ng dibdib ko, naghinala na ako kasi napapansin ko din na di na kami masyado nakakapagchat pero di ko masyado binigyan pansin that time kasi sabi ko dahil na din sa pag exit ko.

Imagine yung pakiramdam na mababaliw ka na kasi 2 months ka nang walang work, nasa exit ako for another one month na walang kasiguraduhan sa visa ko, wala na akong pera. Nahihiya akong magsabi sa mama ko... alam mo yung ang dami dami mo nang iniisip tapos dagdag mo yung kutob ko sa asawa ko. Minsan kahit malaki na problema mo sa financial, mas nadadaig ng emotion ang sakit na nararamdaman ko. Kaya nung makabalik ako sa UAE. I did my own investigation. Alam mo na tayong mga babae, pag kinutuban iba eh, madalas totoo talaga. At masama talaga ang kutob ko.

That was year 2008, friendster pa lang ang uso nun. May nagview sa profile namin ng asawa ko, picture ng asawa ko may kaakap na ibang babae. I was so shock, nanginig buong katawan ko. I called him, hindi na sya nagdeny. Umamin na nga sya at humingi ng sorry. Makikipaghiwalay daw sya sa babae kaya nag makaawa na patawarin ko sya. Nagmessage sa akin yung babae, nagsorry di nya daw alam na ok pa kami ng asawa ko kasi sabi daw ng asawa ko, wala na daw kami. Kaya daw sinadya nyang ipakita profile nila para malaman daw nya ang totoo. Kaya sabi now alam nya na ang totoo, dapat alam nya na din kung ano ang dapat gawin. Ms. Jane, babae lang ako na nagmamahal ng sobra. Kaya pinatawad ko ang asawa ko. In short naging ok uli kami kasi naniwala ako sa kanya na mahal na mahal nya ako at hihiwalayan nya yung babae. So tinanggal na namin yung options na ako ang pupunta ng KSA kundi sya na ang susunod sa akin dito. So lahat ginawa ko. Lumipat ako ng room yung pede ang mag asawa. Kahit wala pa sya, doble na ang bayad ko, hinihintay ko na lang yung amo ko para magawan ng visa ang asawa ko under our company's name kasi nakiusap ako. Pero parang nakakaramdam uli ako ng kakaiba. Nagtry uli akong maginvestigate. Tinulungan din ako ng BFF ko ( sister nya) pinahiram nya sa akin FS nya para makita ko mga post nung babae kasi naguguluhan din daw sya sa nangyayari pati mga pamilya nya ako pa ang tinatanong, dahil nga close ako sa family nya. Kung anu ano ang nakapost dun sa profile ng babae, mga pictures nila, mga sweet moments. Para akong mamamatay habang tinitingnan ko ang profile nung babae. At ang sobrang nakapagtrigger ng galit ko nung may mabasa akong post na, finally magiging Mrs. A na din daw sya. At may date pa ng announcement na kasal nila. By the way, ang husband ko converted to Muslim. At nagpaconvert din ang babae para sila makasal.

Tinanong ko asawa ko paano nangyari yun? Kung totoo ba? Paano yung mga plano namin? Sorry na naman sya, ang bilis daw kasi ng pangyayari. Kailangan daw nilang magpakasal kasi may nakakita daw sa kanila na pulis na magkasama. Ni reason out nila, pinag uusapan daw nila ang kasal nila. Kundi makukulong daw silang dalawa at madedeport. Parang gumuho ang mundo ko, para akong mababaliw. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Wala akong makausap. Wala akong mapagsabihan ng lahat lahat ng sama ng loob ko. Pero nagpakatatag ako kasi nasa ibang bansa ako. Alam mo yung mga panahon na awang awa ako sa sarili ko. Ako pa ang lumalabas na other woman na daw. Kasi muslim na daw sila, tinatakot pa ako ng babae na ipapahuli daw ako sa mga muslim brother nila dito sa UAE once na manggulo pa daw ako. And daming ginawa sa akin ng babae, ni-hack nya account namin sa FS, inerase nya lahat pati mga albums namin. Nagpanggap sya na sya ang asawa ko sa YM habang nagchachat kami, kung anu ano ang mga pinagsasabi nya. Pati mga kaibigan nya tinakot ako, my God kung babalikan ko lang lahat ng ginawa nila sa akin, masasabi ko na tanga pala talaga ako pagdating sa pag ibig. Ni hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Iyak ako ng iyak, hanggang sa work ko. Madalas akong mahuli ng boss ko na umiiyak. Nagtry naman akong magmove on, pero nahirapan talaga ako.

After a year, I heard na magbabakasyon daw sila ng Pinas. Hindi pa din ako nawalan ng pag-asa na maayos kami ng asawa ko Ms. Jane, gumawa ako ng paraan. Nagpaalam ako sa amo ko, sabi ko magreresign na ako, uwi na lang ako sa Pinas kasi sobra talaga akong affected sa nangyari sa life ko. Hindi naman naapektuhan ang work ko talaga kasi nagagawa ko pa din naman ng maayos ang work ko. Pero may time nahuhuli pa din ako ng boss ko na umiiyak at tulala. walang araw at gabi na umiiyak ako. Pati mga room mates ko gumagawa ng paraan para maaliw ako pero di talaga ako makapag move on. Pinayagan ako ng amo ko, binigyan nya ako ng FREE ticket sabi nya pag ok na daw ako bumalik ako. Ni-try kong magkita at magkausap kami ng asawa ko pero sya ang umiiwas. Hindi sya nagpakita sa akin, walang kasing sakit yung alam mong andyan lang sya, ang lapit lapit nyo sa isat isa pero di mo maabot.

Syanga pala, walang nakakaalam sa pamilya ko sa nangyari sa amin ng asawa ko kundi mama ko lang. Ayaw ko kasing masira sya sa family at relatives ko dahil maganda ang pagkakakilala nila sa asawa ko at ayaw kong masira yun. Naging close kami ng mama ko mula nung mag asawa ako at lalo kaming naging close nung malaman nya yung nangyari sa amin ng asawa ko. Kasi that time, wala akong ibang alam na mapagsabihan kundi mama ko. Sabi ng mama ko, uwi muna ako ng probinsya. Lahat ng kamag anak ko hinahanap nila asawa ko. Hanggang sa nagulat ako sinabi na ng mama ko dun sa auntie ko na close ko, galit na galit sila sa ginawa nya. Dumating pa sa point na gusto nilang ipa-hold sa immigration para di na sya makabalik sa KSA kasi may kakilala kami na taong pwedeng lapitan sa immig para ip hold sila. Pero ako na yung nakiusap sabi ko hayaan na lang. After more than a month ko pag stay sa Pinas, nagdecide akong bumalik sa UAE. Sabi ko ayusin ko buhay ko, try kong kalimutan na lang at magmove.

After 3 years, nagkaroon uli kami ng communication. Actually, wala man kaming communication sa isa't isa. Hindi naman ako nawalan ng balita about him kasi until now, close pa din ako sa family nya, hindi naman naapektuhan yun at umaasa pa din silang maging kami bandang huli.
But for that 3 years, I won't deny the fact that I had multiple dates. Madaming sumubok pero nahirapan akong kumbinsihin yung sarili ko na single na ako at pwede na akong makipag relasyon. Pero sabi kasi ng friend ko, kung lalaki daw ang dahilan yun din daw ang solusyon. Hanggang sa may naging kaibigan ako na talaga naman napakatyaga at napakabait, pero di naman nya dineny na gusto nya ako. Alam nya lahat ng story ko after almost a year natutunan ko naman syang mahalin kasi sobrang bait nya. He supported me in all aspects of my life until he proposed for marriage and he requested na try ko daw mag-aral ng muslim baka daw magustuhan ko. Hindi naman nya ako pinilit, I refused his offer kasi ayaw kong maconvert sa muslim dahil lang gusto kong magpakasal, gusto ko pag nagpaconvert ako yun ay dahil sa kagustuhan ko. At narealize ko parang hindi pa pala talaga ako naka move on sa asawa ko. Kaya nakipaghiwalay ako, naintindihan naman niya and we're still good friends up to now.

At yun nga, nagkaroon kami uli ng communication ng asawa ko. He again asked for forgiveness at  tanggapin ko daw uli sya. Gagawa daw sya ng paraan na maayos kami. Hihiwalayan nya daw yung isa. Mahal ko pa din pala sya. Dahil asawa ko pa din sya, tinanggap ko uli sya. Sabi ko, sige magsisimula uli kami. Kakalimutan namin ang lahat, pero makipaghiwalay sya ng maayos sa babae. Kausapin nya ng maayos at wag yung basta nya na lang iwanan. Kahit masakit, tinanggap ko na dalawa kami sa buhay nya. Kahit sila yung magkasama dun, umasa ako maayos uli kami at babalik kami sa dati.

Siguro nakaramdam din ng kakaiba yung babae, inaway-away uli ako ng babae. Kung anu ano ang masasakit na salita na sinabi nya pero tinanggap ko, di ako nagpaapekto, di ko sya pinatulan parang lumalabas na ako ang kerida. Ang sakit-sakit pero wala akong magawa kasi ginusto ko yun. Lahat ng kaibigan ko, sinabihan akong tanga, nagalit sa akin, ayaw na nilang bumalik ako sa kanya. Maski yung BFF ko sabi magmove on na daw ako, humanap na daw ako ng iba, wag ko na daw balikan kuya nya, pero wala eh, mahal ko sya. At nangingibabaw yung takot ko baka wala nang tumanggap sa akin uli. Natatakot ako na mamuhay mag-isa. Ang dami kong takot kaya siguro tinanggap ko uli ang asawa ko.

Last year, may usapan kami na magkikita kami sa Pinas, mag-uusap at aayusin ang lahat. Ayun, naniwala na naman ako. Umasa at naghintay. Pati pamilya nya sobrang saya kasi nalaman nila na ok na kami uli. Pero walang nangyari. Naghintay ako sa wala, panibagong sakit pero di ako nagpahalata sa pamilya nya na nasaktan ako sa nangyari,  hindi sya umuwi para magkausap kami. Nagsorry na naman sya kasi di daw sya makauwi. Di daw sya pinayagan magbakasyon. Ang tagal namin pinagplanuhan yun tapos sorry lang?
Pero sinulit ko na lang yun bakasyon ko. Di na lang ako nagpaapekto. Pagbalik ko dito sa UAE, pinangako ko sa sarili ko na wala na talaga. Ayun, nakipaghiwalay na talaga ako sa asawa ko, kasi patuloy ko lang sasaktan ang sarili ko. Sabi nga ng mama ko, bata pa ako enjoy ko na lang buhay ko. Darating din ang araw na magiging masaya ako at makikita ko ang lalaking karapat dapat para sa akin.

The last thing I heard, buntis na daw yung babae. Yun yung hiningi kong sign kay Lord para tuluyan kong alisin ang kahit kaunting pag-asa na kami pa din bandang huli, pero ito na binigay na ni Lord yung sign. Grabe ang sakit, pero kailangan ko na talagang tanggapin. It's been 5 years na sobra na akong nagpakatanga at umasa sa wala so I think I deserve to be happy also. It's really time to move on and forget the past and planning for annulment.

I know someday, somehow I will overcome the heartache and will forget the reason why I cried and of course the person who caused the pain. So I will try my best to let go of the past and set myself free of hatred. And one thing I should and will never let go is HOPE... hope that I will get through all of these. After all, what matters most is not the first but the final chapter of our life. I'm still hoping that good things will transpire in my life even everything doesn't turn out exactly the way I had anticipated.
Photo credit: Lifeandself.com

10 comments:

  1. naiyak ako sa story mo.....im sorry pro nssaktan ako sa nangyari sa buhay mo.sana makilala kita.God bless

    ReplyDelete
  2. Ganda ng story... Sad... Pero, what I admired is ung determination na makakabangon after all those things... Keep it up girl! Just believe that there's always a rainbow after the rain... ;-)

    ReplyDelete
  3. very sad... bakit kung sino pa totoo nagmamahal sya pa nasasaktan at niloloko... dont worry makakatagpo ka rin ng tunay na magmamahal sa iyo. just move on... enjoy mo muna un singleness mo para wala k muna iisipin iba kundi sarili mo lang. God bless you.

    ReplyDelete
  4. sana po mkilala kta.. dito din ako s UAE ngaun..

    ReplyDelete
  5. e2 po # ko 0509347933 dont worry di po ako msamang tao tsaka di po ako bastos hehehhe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks... will keep noted on that! Maybe one of this day, will try to contact you. We can be friends po why not di ba? Thanks & God Bless!

      Delete
  6. Thanks everyone for appreciating my story. Yes, I've been cheated, I've been hurt so much and it comes to the point that I'm not bothered about finding anyone, as i'd find it impossible to trust any guy again after everything that's happened. I've become so bitter, I just want to shut down and shut off, to give in and give up, resentful and depressed. I closed down to protect myself.

    After years of disappointment, heart breaks and unhappy ending, I realized I need to move forward and in spite of my fear I tried to move forward. Sabi nga nila... DON'T LET THE FEAR WIN. Instead, LET LOVE WIN.

    I know someday, I will meet the person, the right person will show up. Everything will happen on God’s perfect time. He is God and He knows the best for His children. All we need to do is to put our trust in Him.

    Thanks again and God Bless us all!

    ReplyDelete
  7. I am proud of you ate ko! Sana naman yan na ang pinaka last na panlalambot ng puso mo for him na kahit magkita pa kau personally sana wala ng sakit! Thumbs up dearest! (Roxie)

    ReplyDelete
  8. Naiyak ako... pagpatuloy mo yan pagiging strong...god bless

    ReplyDelete
  9. Whoever shall call upon the name of the Lord will be saved!

    ReplyDelete

What is on your mind now? Share your advice/comment with LOVE. :)

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.