Wednesday, October 23, 2013

Shared by Miss JC

Naalala ko, last time na nagsend ako ng message sayo, na mention ko na wala akong problema talaga, at gusto ko lang mag thank you kasi sobrang natutuwa ako kung paano ka mag extend ng tulong sa mga followers mo, mapa personal man na problema o love life man nila.

Anyway po, kaya po ako napa sulat ulit, gusto ko lang po ishare yung odd and weird pero unique relationship namin ng boyfriend ko. I'm 23, and he's 25 po, at more than 3 years na po kami, pero putol-putol lang (as dubbed by my mom). Kasi, naghiwalay na kami minsan, pero ikino-consider pa rin namin yung 7 months na yun as part ng 3 years namin.

We actually started as friends. Sabi nga minsan sa Church, "friendship is the foundation of all relationships". Kaya aside sa pinaniniwalaan ko yun, pinanghahawakan ko rin iyon sa relasyon namin. Marami po ang nagsasabi, sobrang kakaiba daw yung relasyon namin. Aside sa fact na, madalas ang argumento at away-bati namin, first bf/gf din namin ang isa't-isa. At pareho din kaming virgin. Marami siguro ang magtataas ng kilay at magsasabi ng "ows???", "weh?", "di nga?!", "mukha mo!", 'sinungaling!", "Lokohin mo sarili mo". O kaya, paano ko naman nalaman?! Marahil, kung mag rereact na naman ang bf ko, sasabihin na naman niya ang paborito niyang linyang; "Anong akala mo sa akin? Di na ako virgin? Excuse me, nakakawala man ng pagkalalaki pakinggan, virgin pa ako no!" -and I admit, kinikilig ako pag nakikita ko sa kanya kung paano niya pahalagahan ang purity at marriage. Yun kasi yung simplest way niya para iparamdam niya sa akin kung gaano niya ako nirerespeto.

Pero Ms Jane, pasensya na, introduction pa lang yun. Ang isha-share ko po kasi talaga, ay yung madalas naming (actually ako lang talaga) paghahamon sa isa't isa ng pakikipaghiwalay.
Kung iiscore-an lang naman kaming dalawa, ako na ang panalo, champion pa! Pero, sa dinami-dami ng beses na naghamon ako, wala dun ang nagkatotoo. Pero siya, 2 beses lang siya naghamon, tinotoo niya. First yung naghiwalay kami, second, recently lang. Ang nakakainis, nag-away kami dahil sa design niya na sinabihan kong pangit - opo alam ko, mali po ako. Kasi natapakan ko yung ego niya, tsaka most of the time na-a-under ko siya. Nung sinabi niya na napapagod na siya sa relasyon namin, YUNG TOTOO? Sabi ko, "EDI SIGE! AKO RIN PAGOD NA!" Sabi ko kung dun siya masaya, EDI GO!

Pero sa text lang yun. Ang tapang ko noh? Pagka-enter ko ng send button, humagulgol ako sa iyak. Alam mo yung iyak ni Ryzza sa dingding? Exaggerated masyado yun, hindi naman po masyadong ganun. Wala namang kamay sa taas ng ulo, pero ganun na rin, kuhang kuha. Parang tanga lang po ba ako? Sumagot siya na hindi pa naman daw siya ready. Ang sa kanya lang, napapagod na daw siya kasi lagi kaming nag-aaway. Baka daw gusto ko ng space o cool off. Sabi ko, e dun din papunta yun!
After a while, nagtext ako ulit, medyo pinipigilan ko siya pero not in an obvious way. Nilalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaibigan kong nasa abroad. Ayokong magshare sa mga kaibigan ko dito, kasi dumating ako sa point na mas pinili ko si bf kesa sa kanila. In short, hindi pa po official na wala na kami.
Ma-pride ako noh? Tanga na ma-pride pa.

Dumating kami sa point na nag-uusap pa rin thru text, as friends, kalmado, pero ramdam na may gap sa amin. (Huwag kayong atat, 3rd day lang ito after nung huling usapan namin). Tinanong niya ako kung alam na ba ng parents ko. Tsaka kung galit ba sa kanya ang mga kapatid ko. Ako naman po, naisipang mag ala "trial and error", ang sagot ko, "alin, na hindi na tayo?". Kasi diba di pa official na wala na kami dahil di pa daw siya ready, sabay nagtanong siya ng ganoon, kaya po yun ang sagot ko.
Sabay ang sagot niya, "Oo... Gusto ko ngang magkita tayo para magusap." For closure ba ito?! Grabe.
Nakakaiyak po pala mag trial and error! Akala ko nakakasakit lang ng utak yun pag ina-apply sa math! Masakit din pala yun sa puso pag sa pag ibig inapply!

Ayun, humagulgol na naman ako. Di ko na po natiis yung emosyon ko. Sumabog po yung galit ko. Sabi ko, nandun na rin lang kami, isusumbat ko na sa kanya lahat. Hanggang sa sinabi ko, ang sama sama niya! Gusto ko siyang patayin! Napakasama niya! Kasi nung ako yung nakipaghiwalay, di siya pumayag. Tapos ngayon, FOR THE SECOND TIME AROUND, siya na naman ang nagwagi! Siya na naman ang nakipaghiwalay. Talunan na naman ako. Sabay sabi niya, wag na daw muna kami magkita (natakot ang lolo mo?!?). Pagka kalmado na daw ako. Dun na lang.

Pinakalma ko yung sarili ko. Tinext ko si mama na hiwalay na kami tsaka na makikipagkita ako sa kanya. Ang sagot ni mama, dahil ba sa design niya na sinabihan kong pangit? Kasi yun nga ang huling pinag-awayan namin. Sinabi ko po kay mama yung dahilan. Pag-uwi daw ni mama, mag-uusap kaming dalawa. Nag-ayos ako, habang kachat ko yung kaibigan ko, sinabihan niya akong huwag magdadala ng anything na matulis o nakakasakit na bagay. Baka kasi mabalitaan na lang niya nakakulong na ako. Ang sarap ng pakiramdam pag may kaibigan kang medyo baliw. Napapangiti ka ng wala sa oras, at napapagaan talaga ang loob mo.

Nagkita kami. Nasa malayo pa lang siya, nakita ko sa mukha niya na depressed siya. Nasabi ko na lang sa sarili ko; "Grabe, ito ba yung iniiyakan ko? Wow ha, ang pangit naman nito! Bakit ba ako nagkagusto sa pangit na ito in the first place?!" Hindi naman ako kagandahan, pero siguro another way din yun sa akin para maboost yung confidence level ko. Sobrang atat na ng kamay ko na dumapo sa makakapal na pisngi niya. Pero buti na lang napigilan ko. Wala kaming imikan nung una. Kaka pamedical lang daw niya. Inisip ko kung may sakit ba siya kaya siya nakikipaghiwalay o may offer na trabaho sa kanya, kaya nagpamedical siya. Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan niya. Pinilit kong maging composed at kalmado. At magsalita ng mahinahon. Ang tahimik niya. Hanggang sa sinabihan niya ako na hindi niya daw ineexpect na magiging kalmado ako. Ni-remind ko siya na galit ako at gustong-gusto ko siya patayin kasi paasa siya, tinanong pa niya ako dati kung gusto ko ring magpakasal sa kanya. Na hihintayin niya daw ako kung kelan ako ready. Sabay pagod na. Grabe. Nung sinagot-sagot ko siya, tinaas ko at iwinagayway ko ang bandera ng mga babaeng niloko ng mga sinungaling, manloloko, G at T na lalaki sa mundo!

Natahimik siya, sabay tanong kung pagkatapos ba ng pag-uusap namin, magkaibigan pa rin kami, magkikita pa ba kami, pwede pa ba kaming mag-usap? At ang sagot ko, isang malaking HINDI! Paano kako ako makakapag move on? At pagkatapos ng ginawa niya, ang lakas ng loob niya at ang kapal ng mukha niyang mag expect ng ganon! Tinanong pa niya, kung kahit sa facebook man lang, baka pwede kaming maging friends. Sabi ko hindi. Ibablock ko pa siya at icoconsider na spam!
(Nakakaramdam ako ng standing ovation sa mga kababaihang niloko ng mga lalaki).
Pero bandang huli. Sinabi ko na yung lolo at lola ko, more than 50 years na sila. At tabi pa rin sila matulog. At pag natutulog sila, nakadantay yung kamay ng lolo ko sa bewang ng lola ko. Hindi rin perfect ang relationship nila. Mas grabe sila mag-away. Maliit o malaking away, meron sila. Quotang quota nga sila sa away araw araw. May murahan at maaanghang na salita pa. Pero at the end of the day, tatawanan na lang nila yung mga sinabi nila at pinag-awayan nila. Kasi they're used with it. They just accepted the fact na parte na talaga yun ng daily routine nila at walang naiiwang grudges sa bawat isa. Walang wala yun sa mga pinagdaanan nila all through those 50 plus years na magkasama sila. It doesn't matter kung gaano kayo katagal. what matters most, is ready kayong dalawa na harapin yung mga pagsubok sa buhay niyo ng magkasama, na kahit nagtatalo nag aargumento, ang tanging mindset niyong dalawa ay maging magkasama kayo hanggang sa kahuli-hulihan.

Lastly, sinabi ko sa kanya na kaya ako nakipagkita sa kanya, kasi kahit na alam kong wala ng kapaga-pag asa para isave yung relationship namin, nagbaon pa rin ako ng kaunting faith, na sana uuwi ako na okay kami ulit. (Ang mga nagsipalakpakan na nag standing ovation kanina, binabato na ako ng bulok na kamatis). Speaking of spam, sabi ko gutom na ako. Gusto ko na umuwi. Kasi tapos na rin naman yung usapan namin. Nasabi ko na yung dapat kong sabihin. Tinanong niya kung pwede daw kaming sabay kumain. Nakayuko ako at tumango lang. Deep inside, nagdurugo ang puso ko. Sa kabila ng mga sinabi ko, grabe, walang biro, naiiyak ako. Yung feeling na "ayan na, ayan na". Konting kurap na lang mawawala na kami sa buhay ng bawat isa.

Tumayo ako tapos ako yung naunang maglakad. Tahimik lang siya. Habang naglalakad, tinanong ko siya pero nangingilid yung mga luha ko. Sabi ko, edi ibabalik ko lahat ng binigay niya sa akin, kesa naman ibenta o itapon ko. Lumalapit siya sa akin. Parang may magnet na naghahatak sa kanya papunta sa akin habang naglalakad kami, pero todo iwas ako. Naiiyak na ako. Nung sinabi kong, "Di ba usapan natin, pag maghihiwalay tayo, dun sa Uncle Cheffy sa MOA, kasi maganda ang ambiance dun tska malakas ang hangin." Sabay tawa ako sarcastically.
Bigla niyang kinuha yung dala ko, tapos hinawakan yung kamay ko. Nagingilid yung luha niya, tinanong niya ako kung pwedeng magback out. Ayaw na daw niya ituloy. Gusto niyang maging katulad din kami ng lolo at lola ko.

Emerghed.(<<---ano ibig sabihin nyan -Jane)

Credit: Doblelol.com
Naiiyak ako nun, pero nag-aalanganan ako. Pero honestly, kinikilig din ako.
Tinanong ko siya kung sigurado ba siya? Kasi wala ng bawian yun. Nakakahiya man, pasimple niya lang akong hinug, yung mabilis lang. Di na rin niya binitawan yung kamay ko.
Nung kumakain kami tinitingnan niya lang ako. Sabi niya, maswerte daw siya sa akin, habang ako, malas daw sa kanya. Sabi ko, BUTI ALAM Mo! Sabay bawi. Sinabi niya sa akin na kaya siya nagpamedical, may job offer daw siya sa Clark. Kaya baka every Sunday na lang daw kami magkita.
Dun ko na realize na baka kaya siya ganon. Paranoid o natatakot sa LDR. Ayun. Tapos hinatid niya ako pauwi. Tinatawanan kami ni mama, kasi okay na kami. Pero alam mo Ms. Jane, after nun, mas naging okay kami, tska mas nararamdaman ko kung gaano niya ako ka love.

Sa mga may pinagdadaanan ngayon sa relasyon, isipin niyo na lang yung lolo at lola ko. At samahan niyo ng prayer. Daig pa ng prayer ang kisspirin at yakapsul.

No comments:

Post a Comment

What is on your mind now? Share your advice/comment with LOVE. :)

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.