Photo courtesy: MMK |
Nanlambot ako, hindi ko lubos akalain na masasabi niya yun sa akin samantalang siya ang una sa akin, parang nawalan ako ng buto at di na makatayo, iniyak ko na lang hanggang makatulog ako, ayaw kong malaman ng pamilya ko ang kalagayan ko kaya nagdesisyon ako na lumayo at magtrabaho para buhayin ang magiging anak ko, ayaw man nila na umalis ako dahil baka mapano daw ako umalis pa rin ako dahil alam kong magagalit sila kapag nalaman nila ang kalagayan ko, nagtrabaho ako bilang call center agent, limang buwan na ang bata sa sinapupunan ko, mahirap man kinakaya ko pero malupit yata ang tadhana dahil hindi nakayanan ng katawan ko ang pagod at pag-iisip nawala sa akin ang tanging pumapawi ng lungkot ko, nagunaw ang mundo ko dahil sa pagkawala ng batang walang muwang at tinanggihan ng kanyang amang di man lang niya nasilayan, ilang araw akong tulala, halos mabaliw na ako, kinausap ko ang Diyos kung bakit binawi niya ang kaligayahan ko sa tuwing gumagalaw ang anak ko sa sinapupunan ko, hindi ko man lang nayakap at nahawakan ang anak ko, ang sakit sa kalooban ngunit pinili kong bumangon, inayos ko ang buhay at sarili ko, umuwi ako at dun na rin ako nagtrabaho, nakita ko minsan ang taong nagdulot ng sakit sa buhay ko halos ayoko siyang tingnan, namumuhi ako dahil wala siyang kwentang tao, pinabayaan nya ako at ng magiging anak sana namin.
Pinaraya ko na lang ang bahaging iyun ng buhay ko, ang sakit ay nandoon pa rin pero kinakaya ko, hanggang sa dumating ang regalo ng Diyos sa akin, isang taong tinanggap ang lahat sa akin, ang nakaraan ko at pagkatao ko, ito ang taong masasabi kong di ako pinabayaan kahit nasa malayo siya, takot ako magmahal muli ngunit sumubok pa rin ako at di ako nagkamali, pinakasalan niya ako at binigyan ng bagong buhay, kahit gaano man kahirap ang pinagdaanan ko sa buhay alam ko Diyos lang ang nakakaalam ng tama at mali sa atin, nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ang hirap at sakit na naranasan ko noon ay pinalitan niya ng pagmamahal at ligaya ngayon. Masaya na ako sa buhay ko ngayon kasama ang aking asawa dahil nakuha niya ako dito sa bansang Europa kasama ng kanyang pamilya, at sana in God's perfect time ang pamilya ko naman ang aking makuha upang maipadama sa kanila ang buhay na pinapangarap ko para sa kanila, dahil sila man ay di ako pinabayaan kahit di ko sinabi ang aking naging kalagayan noon, ang pagmamahal nila sa akin ang isang naging dahilan ko din para tumayo ulit at lumaban sa buhay.
i was very inspired sa story mo po. gods has a reason for everything kaya nangyayari po sayo yan. masaya po ako na nakuha mo ang buhay na masaya sa piling ng mahal mo. :) godbless po.
ReplyDeleteits nice that you were able to recover from your past, not only that you became stronger.
ReplyDeleteone thing only, why do people doesn't inform their family with what is happening to them? yes family members will get mad, why? its becasue we did something not nice that is why. if you have done something wrong in your life, it is your family to trust first. they will get mad but still will support you all the way.
Mbuti tlga c god bnbgay nia ang nra2pt..
ReplyDelete