Photo courtesy: Christianity201 |
I am a single mom for 18 long years bago ko nakilala ang aking husband ngayon. I had two daughters from two different fathers. Oh di ba ang ganda? My kids are both my precious gems (yan ang tawag ko sa kanila). The situation of being a single mom, acting as a dad and a mom at the same was not an easy job. Double time palagi. I had boyfriends in between pero hindi nagwowork kasi dahil na rin sa hindi rin naman ako pinaglalaban ng guy. Sa simpleng dahilan na di ako maganda at iisang bagay lang ang gusto sa akin ng guy.
Napagod ako nun, kasi search ako ng search ng "right guy" eh di naman talaga existing yun sabi ng mga friends ko kasi iba ang sitwasyon talaga kapag single mom at magka-iba pa ang mga ama ng mga bata. Naiisip ko na din "oo nga wala na sigurong seseryoso sa akin kasi di naman ako kagandahan at tingin ko wala ring magugustuhan sa akin ang lalaki dahil alam naman nating lahat na ang gusto ng lalaki ay magaganda, sexy, at yung may maipagmamalaki na magandang carreer. Nagkataon na nagtatrabaho ako bilang family caregiver na stay in at halos nakalimutan ko na talaga ang lumabas o magkaroon man lang ng rest day. Iniisip ko kasi nuon abala lang ang mga guy sa buhay ko, might as well ayusin ko ang trabaho at magpatuloy na lamang na maging isang single mom.
Pero mas madalas pala na ang mga plano natin kapag hindi natupad inaakala natin madalas na tapos na tayo sa planning na un. But God has His plan for all of us.......It was the end of 2011, kumbaga December 31 at mag new year na. I suddenly looked up to the sky. Syempre madilim nun at nagpuputukan...I talked to God and I said "Bakit minsan madamot ka sa akin? Mabait naman ako di ba? Bakit di mo ako binibigyan ng makakasama sa buhay. Yun lang naman ang hangad ko sa iyo kasi longing ako sa makakasama sa buhay" I cried and then I stopped crying...Sabi ko kay God "Sorry ha, di naman ako nagrereklamo, sige kung nakatadhana na akong mag-isa habang buhay okay lang basta wag mo ako pababayaan ha?" I feel the presence of God at that moment. Malamig na hangin at ramdam ko na niyakap ako ni God. Iisa lang palagi ko dasal nun bukod sa makatapos ng pag-aaral ang mga anak ko ay ang makahanap ng makakasama sa buhay na totoong mamahalin ako kahit na sino pa ako.
Nakilala ko yung tamang lalaki sa panahon na hindi ko na inasahan, sa panahon na inakala ko wala na akong makakasama sa buhay. Ipinakilala siya ng friend ko na galing ng Dubai. Nagkataon na annuled siya sa first marriage niya for 8 years eh knowing ang mga sundalo strikes anywhere yan at walang seryosong babae kasi nga di ba palipat-lipat sila ng lugar. Nang nakilala niya ako at first hindi nya kinuha number ko, kumbaga nagpakipot muna siya at after 1 week saka palang niya hiningi ang number ko. We exchanged numbers at araw-araw kami nag-uusap at kuwentuhan.
Umalis sya ulit nun kasi nakadestino siya ng Bikol. Nagkita siguro kami after a month na. Then our next meeting was he gave me a ring. Nagulat ako at sobrang bilis. Sabi nya, matatanda na daw kami para sa mahabang ligawan. Madali ko syang nakagaanan ng loob kasi napakabait nyang tao at yung pagmamahal niya is nararamdaman ko talaga bilang babae. Actually nung nag-usap kami about our situation, sinabi niya agad na ayaw niya ng lokohan at mauuna ang sex sa aming dalawa dahil talo ang babae. Malaki daw respeto niya sa akin. Hindi ko yan inasahan kasi lalaki yan eh at sundalo. Knowing their nature, naku alam mo na di ba? Babaero sila at di dapat magtiwala. And so,he offered his name agad agad.Sbi nya pagbalik niya pakakasal kami. Alam mo ung feeling na di ka makahindi kasi nakita ko sa mga mata nya na seryoso siya at ramdam ko na mahal nya ako talaga? Ganun ang effect sa akin ng husband ko.
After 3 weeks bumalik siya from Bikol, sabi nya nakabakasyon sya ng 1 month at papakasal daw kmi at siya na mismo mag aasikaso para mabilis ang lahat. Wala akong ginawa basta sya na lahat nag asikaso.Until one day he told me, get ready on December 08, nagpakasal kami sa fort bonifacio. Simpleng kasal lang at mga close na kaibigan lang ang naging bisita namin that day.
Would you believe na ang isang gaya ko na 39 yrs old at may dalawa nang anak sa magkakaibang ama ay nakakita pa ng Mr. Right at ito ang goodnews---no premarital sex habang di pa kami kasal. Ganun nya ako nirespeto at pinahalagahan bilang babae. At yun ay sapat na maging dahilan para pasalamatan ko si God na binigay nya sa akin ang lalaking alam ko na minahal ako ng todo.
He was a good man, responsible man na naging ama ng mga anak ko. Actually ang hiningi ko nun makakasama lang eh pero extra bonus ang lahat kasi that man offered me his name. Hindi ko na yan inasahan, hopeless na ako nun. Pero kapag si God pala ang gumawa ng plans sa buhay natin swak na swak pala sya, at perfect ang timing Niya talaga. Right now, I am happily married to the man na eksaktong hiniling ko sa Diyos. And now I can say, I am the luckiest wife dahil kahit 2 ang naging anak ko sa magkakaibang tatay, binigyan naman nya ako ng asawang napakabait, responsable at mapagmahal na asawa.
Sa lahat ng mga single mom na makakabasa nito, wag kayo mawalan ng pag-asa. Madalas kasi na dumadating ang saktong lalaki sa buhay natin sa mga panahon na hindi na natin inaasahan na may dadating pa. Atsaka nakakapagod naman talaga ang maghintay na di mo alam kung kailan dadating si Mr.Right para syo. Kaya sige lang girls, continue on dreaming and praying to God na may dadating din sa tamang panahon.
Waahhh! *teary-eyed* I'm a single mom as well and It made me cry tuwing nababasa ko story ni ate D, it gives me hope, nakaka-inspired kasi talaga. Ang galing talaga ni God! :) When God knows you're ready for the responsibility of commitment, he'll reveal the person under the right circumstances. You just have to wait patiently. Keep on dreaming, keep on believing, keep on praying, be the right person, be ready, you'll see God will give you a life story far better than you could ever dream of. God bless you always ate D. ^_^
ReplyDeleteyour so bless po na biniyayaan ka ni god ng magiging katuwang mo po habang buhay. na hindi ka napapagod na paulit ulit na magmahal at masaktan. ngayon naniniwala na po ako na talagang may taong nakalaan para sa atin. :)
ReplyDeleteI am happy for you..I am a single mom din fr 7 years na and their father doesn't give them a single penny,ok lng nakaya ko at kaya k nmn silang itaguyod,buti supportive ang parents ko,at sana,someday bigyan din ako ni God ng makakasama ko hnng pagtanda ko....
ReplyDeleteTama magaling tlga c god bnbgay nia ang ryt guy 4 u ako kxe gnyan dn mrming beses nsaktan s mga past bf gang s nagswa n ako mghanap ng ryt guy..naicp ko nga nun bka 4ever n ko mgi2ng single pero ngkamali ako bngay rn n god ung ryt guy 4 me ngaun mgaswa n kmi at npkabait ng husbnd ko..thanks god tlga... ^_^
ReplyDeleteAng ganda po ng story nyo, di ko lam pero kinikilig ako..hihi..
ReplyDelete