Sunday, July 28, 2013

Shared by Miss K

December 11, 2009
Isa sa mga araw na pinakamasaya sa akin. Naging kami na ng matagal ko ng crush. Walang ligawan na nangyari. Basta naging kami na lang. January 12, 2010 namatay ang ex nya at dahil doon naging mahirap ang first 5 months namin bilang mag boyfriend at girlfriend. Sobrang lungkot nya nung namatay ang ex nya. Umuuwi sya ng madaling araw lasing na lasing. Nung nakikita ko na ganon ang sitwasyon nya, sobra rin ako nasasaktan. Ginawa ko lahat para kahit papaano mabawasan ng konti yung sakit na nararamdaman nya. Pero wala lang yun sa kanya. Inintindi ko na lang sya.
July 2010
Sinubukan ng pagkakataon ang relasyon namin. Naghiwalay kami dahil sa isang bagay. Hindi ko daw maibigay yung gusto nya. Ang ginawa nya, doon sa mga ibang babae nya hinanap yung gusto nya. 3 beses sya gumamit ng ibang babae masatisfy lang sya. Nung nalaman ko yun, ang sakit. Sobra. Kaya nagdecide ako na hiwalayan sya. Sabi ko sa sarili ko, yun lang ba kailangan nya para magwork ang relasyon namin? So, I confronted him, sinampal at sinabi ko sa pagmumukha nya na HIWALAY NA TAYO! Siguro nga hindi pa namin kilala ang isa't-isa kaya madali akong bumitaw nung una.
Pero di rin nagtagal, nagkabalikan ulit kami. Sinuyo nya ako, nagpromise na hindi na nya ako sasaktan ulit. Sa madaling salita, naging masaya na naman ako. Kaya lang may nagbago na nung naging kami ulit. Nahirapan na ako pagkatiwalaan sya pero pinilit ko pa ring intindihin sya. Nung nagkaroon na sya ng work, nagkaroon sya ng mga bagong kaibigan. Meron syang isang kaibigan na girl, na lagi namin pinag-aawayan. Inamin nya sa akin na crush nya yung girl. Pero hindi naman daw masyado. Kaya lang sa tuwing magtatanong ako kung kamusta ang work nya, kung kashift nya ba yung crush nya, nagagalit sya. Bakit ko daw sya pinapakialaman. Pinagtaasan pa ako ng boses. Bakit daw ako nagtatanong pa tungkol sa mga ganon. Isang beses pa daw na maghinala ako, hihiwalayan nya ako.
Hindi na ako masyado nagtatanong sa kanya. Natakot na ako magbigay ng opinion. Natakot na ako na kapag may ginawa ako na kahit anong di nya magugustuhan, hihiwalayan na nya ako. Naging parang uto-uto ako sa relasyon namin. Na dapat kung ano lang gusto nya, yun ang gagawin ko para hindi nya ako iwan. Aminado ako sa relasyon namin, mahal na mahal na mahal ko sya. Pero sya, hindi ganon. Hindi nya magawa yung bagay na dapat sya ang gagawa tulad nung pag monthsary namin, ako ang nagsusurprise sa kanya, ako ang gumagawa ng effort para maging masaya ang monthsary namin. Sa relasyon namin, ako lang ang lumalaban kahit mga magulang ko tutol sa amin.
Inintindi ko sya, pinaglaban sa mga magulang at kapatid ko. Sinabi ko sa kanila na mahal ko yung tao. Pagpasok ng 2012, naramdaman kong tagilid na talaga ang relasyon namin. Pero hindi ko iniisip na maghihiwalay na kami.

May 18, 2012
Nakipaghiwalay sya. Ayoko ng ikwento pa ang detalye kung bakit. Pakiramdam ko pag kinukwento ko, parang kahapon lang nangyari. Ang alam ko lang, nagawa kong saktan ang sarili ko dahil ayoko syang mawala sa buhay ko. Pero wala lang sa kanya yun. Sa kabila ng pagmamakaawa na wag nya ako iwan, hindi nya ako inintindi. Hinayaan nya lang na dalhin ako sa hospital pero hindi sya sumama. And I don't know kung ano ang iniisip nya para hindi ako intindihin. Tapos na. Nangyari na yung bagay na yun. Handa na ulit ako bumangon para buo-in ang sarili ko. Matatag na ko ulit, pinatawad na ako ng family ko sa nagawa ko. Magsisimula na ulit ako lumaban sa buhay. Kaya lang may isang bagay akong napansin sa sarili ko. Hindi ko lang iniintindi kasi baka pagod lang ako. Napansin kong, 2 weeks na akong delayed. Hindi ako dinadatnan. Malakas ang kutob ko. Pero pinagsawalang bahala ko lang yun.
June 13, 2012
Lakas loob ako nag-Pregnancy Test. Nung araw lang na yun ako nakaramdam ng takot. Takot na hindi ko pa nararamdaman sa buhay ko. Naghintay ako ng result, pagtingin ko, dalawang linya. Isang malinaw, isang hindi gaano pero visible. Pero ramdam kong buntis nga ako nung araw na yun. Hindi ko pa pinaniwalaan, inulit ko the next day, at yun nga confirmed. I AM PREGNANT. Naguluhan ako. Hindi ko alam paano sasabihin sa parents ko lalo pa nasa ibang bansa sila. Pagkatapos ko makumpirma na buntis ako, sinabi ko agad sa ex ko. Sinabi kong dalawang beses ako nag PT and the result was the same and I immediately told him na magiging daddy na sya. Pero hindi sya naniwala. Hindi daw sa kanya yung baby. Nagulat ako, nagalit. Anong karapatan nya para sabihin na hindi sya ang ama? So after that, nag-makaawa na naman ako na bigyan nya ulit ng chance mabuo ang relasyon namin. Pero wala pa rin. Hinayaan nya lang ako.
January 30, 2013
Courtesy of Miss K
I gave birth a day after my daddy's birthday. The baby was healthy and very very pretty. Sabi ko sa sarili ko, kung ayaw sa atin ng daddy mo, wag na natin pilitin. Tama na yung pagmamakaawa ko. I've had enough. Oras na para yung anak ko at sarili ko naman ang isipin ko. Doon kami sa mga tao na tanggap kami like my parents and my closest friends. And now, my little princess is turning 6 months this July. I am very happy na sya ang naging anak ko. And I promised to her na kahit anong mangyari, I will be her mom and dad and I will give her everything na hindi ko naranasan nung bata pa ako. The father was claiming, na sya nga daw ang tatay, tanggap na nya at gusto na nya mabuo ang family namin.
Ngayon, masaya na ako sa sitwasyon ko. Kung bibigyan ulit ako ni Lord ng chance bigyan ng may magmamahal sa akin, gusto ko tanggap nya na may anak ako. Kung hindi, ibig sabihin hindi sya ang tamang guy para sa amin ng baby ko. I am not searching now, kung may darating, bakit hindi diba? Hindi naman porket Single Mom ka, hindi na pwedeng mahalin. We still do deserve to be loved. Super hero nga tayo diba and ganun din to all Single Dads out there. I'm a proud survivor of my past and a proud Single Mom.

12 comments:

  1. pakiayos na lang date ng story ni Miss K. mali yata yung year. May 2013 , Buntis pa lang sya ng June 2013 tapos nanganak sya ng January 2013.

    ReplyDelete
  2. naguluhan dn ako bigla ngbilang pa ako :(

    ReplyDelete
  3. Pano po mgshare ms.jane.?..halos katulad kmi ni ms.k ang difference lng kasal kmi..to ms.k dont worry npagdaaanan ko din ung trials mo sa buhay I thank God kc d Niya tau pinabayaan sa mga araw na down na down tau.

    ReplyDelete
  4. the father was claiming at gsto mabuo un relasyon,nd b pedeng bgyan ng last chnce c guy, bka nmn ntouch ang puso n guy

    ReplyDelete
  5. oo wag n lng balikan un guy, bka anakan nya p ulit ng mrmi s miss k tapos un guy, wala dn nmn kwenta ,oo gnyn nlng. gnda ng story n to ha

    ReplyDelete
  6. just enjoy life, everybody deserve to be happy..being a single mom is hard but its worth all da hard works everytime ur child calls u, hug n kisses u..

    ReplyDelete
  7. Teh, kapag binalikan mo pa ang ama ng anak mo, isang PAK na lumalagapak ang nararapat sayo. Mas ok kayo ni baby kung kayong dalawa lang. Aanakan ka lang nang aanakan nyan. May history na ng pambababae yan tapos ilan beses mo pa pinagbigyan, aba e napakalaking gaga mo na talaga kapag naulit pa uli. Good luck sa inyo ni baby mo!

    ReplyDelete
  8. isang malaking pagkakamali na balikan mo pa yung taong yun pag katapos ng ginawa nya sayo at sa baby mo.

    ReplyDelete
  9. aaahhhh... Sana ganyan din ang mama ko. Nag-asawa nga sya tas nung nag-abroad na sya wala rin. Pangit na relationship nila. Kawawa naman yung 2 half siblings ko.

    ReplyDelete
  10. Am a single dad, sabi ko sa sarili ko di ko mamahalin taong di tanggap anak at nakaraan ko. Dami namin pinagdaanan pati mood swings ko inintindi nya(epekto ng nakaraan ko). To make the matters worse, nasa long distance relationship pa kami (saudi me) and yet we survive. After two years of dating, we finally got married May 28 2013. If you really love each other walang imposible. Pray lang and ipaglaban ang dapat. Di ko mot me baggage ka di k na pweding mahalin. Hintay ka lang ng right time. Importante din yung huwag kalimutan magtiwala ulit, basta maramdaman mo yung "magic" yun na at the same time kapag mahal anak mo huwag mo na pakawalan.

    ReplyDelete
  11. single mom din ako. ang gusto ko lang din ay may lalake pa sanang tatanggap sakin at sa anak ko. binigay naman ni god yong prayer ko mahal na mahal ako bf ko ngayon masasabi ko talagang seryoso sya pero ang problema nung nalaman na ng mother nya yong totoo di nya talaga matanggap, galit na galit. naisip ko tuloy di lng pa pala dapat yong lalake lng ang tumanggap pati din pala yong parents ng partner mo. ang sakit kasi lalo na kung pinariringgan ka ng mother nya. pero im hoping na matatanggap nya rin balang araw na may anak ako mahal ko rin yong anak nya.

    ReplyDelete

What is on your mind now? Share your advice/comment with LOVE. :)

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.