Sunday, July 21, 2013

Shared by Carla

Call me Carla. I’m 23 when I met this man, bata pa ko kung tutuusin. Dahil sa gusto kong mag-explore napunta ako sa isang trabahong malayo sa kurso ko. At first, nabibigla ako sa mga attitudes and personalities ng mga katrabaho ko. Nahirapan ako makipagsabayan sa kanila. That time he was there, he never left me. Siya ang naging mentor ko, adviser and naging tagapagligtas ko na rin sa tuwing nagkakamali/nagkakaproblema ako. I fell in love with him immediately. Hindi naman talaga sya mahirap magustuhan dahil halos lahat ng gusto ng babae ay nasa kanya. Pwera sa isang bagay.. He’s married.

After six months, nakuha ko yung posisyon na gusto ko. I have proved na kaya kong makipagsabayan sa kanila. And that time din, mas lalong lumalim yung feelings na meron ako. At dahil na rin sa everyday magka-text kami mas lumalim pa. Hanggang sa umabot kami sa punto na naisuko ko ang lahat. Sya ang una. Nung panahon na yun hindi ko maramdamang mali, pakiramdam ko tama dahil sa pagmamahal na nararamdaman ko. At kahit na hindi kami official na kami, ginagawa naming yung mga bagay na meron ang isang normal na relasyon. Hanggang dumating ako sa pagkakataon na pakiramdam ko dapat maging maliwanag ang lahat, inamin nyang mahal nya ako. At mula nun, tinanggap ko lahat-lahat. Kasama na ang ideyang, opisyal na kabit na ako. Homewrecker ika nga.

Araw-araw pinipilit naming maging masaya. Kinakalimutan ang katotohanan na mali ang lahat. Hindi ko rin maitatanggi na mula nang naging opisyal kami, naging madalas ang pagtatalo namin. Pero nagkakabati rin. Hanggang dumating sa puntong bigla syang nagbago. Lahat ng sweetness naglaho. Pakiramdam ko hindi na sya masaya pag magkasama kami. I confronted him, nauwi lang sa pagtatalo. Hinayaan ko sya sa pag-aakalang kelangan nya lang ng space. Wala ng sweet texts, madalas pag magkasama kami nagte-text sya, sa trabaho mas madalas may ka-ym sya. Hinayaan ko lang sa pag-aakalang way nya yun para maging ok sya. Hanggang isang araw, na-wrong sent sya. Saying I love you. Alam kong hindi para sa akin yun, dahil trabaho ang pinag-uusapan namin. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, nakagawa ako ng mga bagay na ikinagalit nya. Pumunta ako sa lugar na madalas naming puntahan. Hinintay para sa mga paliwanag nya. Pero di sya dumating. I waited 9 hrs. Awang-awa ako sa sarili ko nun.

Pero hindi pa rin natapos yung relasyon na meron kami. Ganun ko sya kamahal. Pinatawad at tinanggap ko pa rin sya. Pero alam ko sa sarili kong malapit na kaming matapos. Dumating sa puntong namatay ang tatay nya. Hindi ko sya iniwan. Hindi man nya ako kasama, pinaramdam kong nasa tabi lang nya ako. Tinulungan makabangon, maging masaya sa darkest days nya.
Then it came to a point na nagpasa na ako ng resignation ko, pinigilan nya ako. Kasabay ng pagpigil ng management. Tinanggap ko yung offer kahit na may malaking pag-aalangan ako. Hindi ako nagkamali.

Isang araw, binuksan ko yung ym nya. Nabasa ko lahat. Conversation nya at ng mas batang ka-officemate ko. Babaeng alam ang lahat tungkol sa amin. Pakiramdam ko nagunaw yung mundo ko. Kinompronta ko sya. Hanggang pag-uwi. Ngunit imbes na awayin sya, nagmakaawa akong tigilan na nya. Na ako na lang, at dahil mas kaya ko syang mahalin higit sa pagmamahal na kayang ibigay nung babae. Nung gabi na yun, napatunayan ko na di lang ako bobo, ang tanga ko pa! haha.. Sinumbat nya sa akin na kahit kelan hindi nya ako minahal. Na nag-iilusyon lang ako. Sobrang sakit. Nung gabi na yun, gusto ko ng mawala sa sobrang sakit. Pero hindi ako iniwan ng mga taong nagmamahal sa akin. Nung gabi ding iyun, nagdesisyon akong tigilan na. Gumawa ako ng paraan na maka-move on kahit na alam kong mahirap dahil kasama ko sya sa trabaho. Nagpaalam ako ng ilang araw na pagkawala sa trabaho, nagpunta sa mga lugar na mahahanap ko ulit ang sarili ko. Nagtagumpay ako. Pagbalik ko, I’m feeling better. Hindi ko na rin sya ginawang pansinin para hindi na rin mas maging mahirap sa akin.

Pero bumalik sya sa dati. He tried to pursue me again. Pero nagpakatatag ako. Sinimulan ko na rin sya kausapin dahil na rin sa hindi maiiwasan dahil sa trabaho namin. Hanggang isang araw, napaka-unusual lang lahat. Lumabas ako para mananghalian na hindi ko ginagawa. Pagpasok ko palang sa fastfood nakita ko na sila. Pagpasok pa lang lahat ng sakit bumalik. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Nilapitan ko sila, nagpaka-sarcastic, kinuhanan ng picture. Then, I went to the girl and slapped her face then walked out. Hindi ko alam kung pano ko nakabalik sa opisina nun. Ang alam ko lang sobrang sakit. Yung babae, alam nya lahat. She even told me na wala raw yun. Na hindi sya nagrereply, hindi nya sinasagot yung mga tawag at mas lalong hindi sila lumalabas. Pero napatunayan ko… na sinungaling sya.

Lahat ng sakit bumalik. Sakit na di ko inakalang mararamdaman at mararanasan ko. Pagbalik nila ng office sinubukan nya akong kausapin. He grabbed and pushed me. Hilam na ako sa luha. Pagod na rin ako kaya di ko na magawang kausapin pa sya ng matino. I blamed him, sinumbat ko lahat. Pero hindi pa rin maiaalis nun yung katotohanang wala na.

After that day, sa sobrang sakit ng pinagdadaanan ko I even talked to a psychologist. Tinulungan nya akong tumayo ulit. Naging malaking tulong. Sinubukan ko na rin na sabihin sa iba. Yung mga takot na they will judge me, nawala. Dahil mas naintindihan at minahal pa nila ako. Ngayon, kasama ko pa rin sila sa trabaho. Madalas ko rin nakikita, kahit iniiwasan ko na, yung mga bagay na ginagawa naming dati. Pero hindi na sa akin kundi sa bago na. Pero hindi ko na hinahayaang masaktan pa ako. Tinanggap ko na nagkamali ako! Pinatawad ko na rin ang sarili ko.

Ngayon, araw-araw pinapatunayan ko sa sarili kong I don’t deserve him. That I don’t deserve that kind of love story. Masaya na rin ako. Dahil mas nakita ko how blessed I am sa ibang bagay. Mas gumaganda ang career ko. Nagagawa ko na yung mga bagay na di ko nagagawa dahil sya ang focus ko. Yes, aaminin ko kelangan kong lumayo para totally maka-move on. Don’t worry nakaplano na ang lahat.  Hindi na rin ako naghihintay na may dumating. I know he’ll surely come at the right place and at the right time. Malaking tulong ang pagdadasal, pagkapit sa Kanya. Kasi sa lahat ng pagkakataong nasasaktan ako nandun sya. Late ko na narealize na kaya pala ako nasasaktan dahil gusto na nya akong bumitaw. Na kaya marami akong nakikita at nalalaman dahil gusto nyang makitang mali ang taong minahal ko.

****
I know wala na akong pakialam tungkol dito, pero natatawa na lang din ako dahil nakikita ko ngayon na yung babae naman ang nagiging praning. Nag-aaway sila dahil sa akin. Although wala naman akong ginagawa kundi ipakitang ok na ko. Nami-misinterpret nya yung actions ko. Akala nya dahil nagagawa ko ng makipag-usap, dahil magkasama kami nung lalake sa opisina, akala nya tuloy pa rin yung relasyon namin. Nakakatawa na lang.. hahahaha.. Ang sarap sabihin na kahit kelan hindi magiging masaya ang relasyong nabuo sa panloloko.

Photo courtesy: Google

19 comments:

  1. Good day. I totally disagree with what you did in the first place. You knew the fact that the guy was married but still, you did continue your immorality with him. Pardon me for the words I am going to use on this one. But I just hate KABIT's. You are so young, you're probably pretty as well and well educated based on your story. Men will always be men. It's natural for them to like other girls, fancy them, as English people call it. Whether they are single or married. It's up to the girls to think interpret that kind of "liking" in a different or shall I say malicious way. And if you show that you like it, men will try to pursue and see if they can get through. You bloody open your legs and didn't even think about what's gonna happen, what's in store for your elicit relationship in the future, as long as your damn happy. You didn't even think about the wife of that married man? That she might get hurt, that you are also a woman. You probably have sisters, nieces....You didn't even think what would they feel if that kind of situation would happen to them? I don't really care what you've gone through after splitting up with him cause he suddenly became aloof with you etc, because, it was your choice. You chose that path, to get hurt, to be a part of a relationship that you knew from the very beginning, is not legal, not allowed. Whether the married man is having problems with his wife or not. Men will always try, it's up to the women to give in or stand their ground.

    ReplyDelete
    Replies
    1. you're right in everything you said but i guess Carla had done what is right after all the mistake she committed.. you are right, she deserve all the pain she got as an outcome of her kagagahan and katangahan and panloloko...but we have no right to criticize and judge her the way we want dahil we are just human...and we also are not perfect..we also commit mistakes that hurt other people, maybe not as worst like what Carla did but only God has the right to judge us...what is important is that she got up from where she fall and learned from it..

      Delete
  2. Nagkamali sya at natanggap na nya pagkakamali nya. She shouldn't be blamed anymore. Wag na nating ibalik ang past sa kanya kasi nagmove forward na sya... Congrats Carla! You're now a strong woman!

    ReplyDelete
  3. maling mali po ate carla. pero ganun po talaga ngmahal ka lang naman, atleast po sa huli kaw na rin mismo ang bumitiw sa kanya.

    ReplyDelete
  4. I do not want to tolerate u for being a mistress, but what uv done was already done.. Sana wag ka na ulit pumasok sa ganyang sitwasyon.. U deserve someone better.. Every girls deserve someone that is LOVING, CARING, TRUSTWORTHY and SINGLE.. Kung ibababa ng mga babae ang pamantayan na yan, at tatanggapin nalang nila kahit sinong may asawa ang pumatol sa kanila, mapupuno na kabeching ang mundo..kaya itaas natin ang standard natin sa mga lalake.. Kahit sa APAT na qualification manlang na yan...

    ReplyDelete
  5. Use this as a learning experience. Sana natuto ka na ngang talaga at wag ng bumalik sa same situation. Sabi nga nila, what matters most is ung pagbangon mo at wag na wag ka ng madapa ulit the same way.

    ReplyDelete
  6. Remember the adage "If he can cheat with you, he can cheat on you." Anyways, the important thing is you have learned something from that experience. Stay strong & continue moving on :)

    ReplyDelete
  7. Karma it is! You see when you entered your relationship with your ex, and the moment your younger officemate started datung the guy.. ...What you felt when you learned about their relationship is the way any women would feel. Buti nga ikaw nakasandal ka, eh ikaw nasampal ka ba nung asawa? Golden rule applied! You should never be happy with the miseries of another. I hope karma is done with you. Yung sinasabi mo na darating para sa'yo sana hindi ka gawan ng ganyan. Good luck. I thought you learned something from your mistakes pero you became worst.

    ReplyDelete
  8. Nakasandal = naka sampal. Hirap talaga mobile.. May autocorrect kasi.

    ReplyDelete
  9. its folyn-i agree with miss arra briones people make mistake,for carla now that you share your story people will look @ you as a MONSTER! i honestly i dnt like mistress too. but i admire you because of what you did leaving him and moving forward.keep on praying

    ReplyDelete
  10. Madaling sabihin na mali ang magmahal ng may asawa kapag hindi ikaw ang nasa sitwasyon.. walang babaeng nangarap maging kabit...Iba't iba mag isip ang tao. Bilang isang individual na nag aaral ng Psychology masasabi kong people have different approach sa ganito ka-sensitibong issue...Carla good for you na nakayanan mong tapusin ang Pagkakamali mo....your post inspires me much.....Mahal ko sya, more and more each day.....nalulunod na ako....minsan naiisip ko sana mabagok nalang ako taz makalimutan ko na sya......pra matapos na itong maling PAGMAMAHAL na hindi ko naman pinili......

    ReplyDelete
  11. I totally agree with you, leoven. Golden rule! Karma is a bitch, just like you. E di naramdaman mo ang naramdaman ng asawa ng kinabitan mo? Yung isang anonymous naman dyan, siguro kabit ka rin kaya nakakarelate ka? Mga salot kayo na dapat tinatalupan ng buhay at nilalagyan ng asin pagkatapos ay ipakain sa pating. Mga homewrecker, not all good men are taken. Mag antay lang kayo ng para sa inyo. Kung walang dumating, ibig sabihin lang, ayaw kayong paramihin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku naman kung makapagsalita naman tayo para naman tayong hindi nakakagawa nang kasalanan...pasalamat nga kayo kasi hindi kayo ang nalagay sa sitwasyon ni Carla...firstly, you don't have the right to say those words...hindi ka DIYOS para manghusga nang kapwa mo...at lalong lalo na wala kang right na magsalita nang ganyan doon sa tao kasi hindi mo naman siya kilala eh...nabasa nyo ba sa BIBLE yong sinabi ni Jesus sa mga taong gustong bumato nang bato kay Mary Magdalene? or baka walang nakaalala nun sa inyo dito..Ang sabi ni Jesus doon sa mga taong gustong bumato kay Magdalena ay "KUNG SINO MAN ANG WALANG KASALANAN SA INYONG LAHAT NA NANDITO AY SIYANG UNANG PUMUKOL NG BATO SA BABAENG YAN"...may bumato ba? WALA...dahil silang lahat ay makasalanan din..kaya stop acting as if Carla was the worst bitch on Earth because she was once a mistress...hindi kasalanang maging kabit...ang kasalanan ay yong ipagpatuloy na malublob ka sa putik dahil di mo na realize na mali ang ginagawa mo...sana naman hindi ganun kakitid ang utak nyo para lang manghusga nang tao...kung ang mga katulad ni Carla ay hindi dapat dumami, ang mga taong mapanghusga ay di dapat tularan..kaya sana naman preno-preno nang kunti sa mga pinopost natin...dapat lang talaga na nag ANONYMOUS ka dahil di maipagyayabang yong mga salitang lumalabas sa bibig mo...nakakasulasok kung basihin at isipin yong gusto mong gawin sa tao...para ka namang nakadampot nang isang isda at ipakain sa pating...tao po yan...binigyan ng BUKAY ng DIYOS...at may purpose din siya sa MUNDO katulad MO.

      Delete
    2. To sj,
      Mali ang mang husga.. agree ako sayo.
      Pero sa sinabi mo na "hindi kasalanang maging kabit.. ang kasalanan ay yong ipagpatuloy na malublob ka sa putik dahil di mo na realize na mali ang ginagawa mo.." i totally disagree with you! I am sorry to say this, pero una palang maling mali na s'ya, knowing na MARRIED ang guy and she pursue her feelings for him...di ba sa pagiging kabit ang punta nun? Tumigil lang sya dahil may bago na 'yung guy. Pero do you think na titigil s'ya kung hindi naging COLD si guy? I am not judging her, pero I based my comment on her story.
      To the Author:
      Huwag tayong maging selfish, isipin natin 'yung mga taong masasaktan sa mga ginagawa nating kabalbalan. Women, if you treat yourself a queen, you will attract a king. You are not worthy to be a mistress. Good for you dahil nakaalis ka na sa kadiliman na kinalagyan mo. God bless you!

      Delete
  12. Hi Carla, First of all mali ka na sa ginawa mo, u know the guy is already married then still you went in your own despair. But still I want to be transparent, not all your fault. Kasalanan din ng guy yun, he made you fell inlove with him. Mali mo lang din, u succumb to the temptation. Hope you learned your lesson through that experience. Thank you for sharing your story, may this be a lesson for all of us. :)

    ReplyDelete
  13. If the past experiences made you a stronger person now, all I can say is, keep it up and goodluck to you! Now that you are free from him, dont ever let him fool you again.

    And to the that married guy who is still cheating on his wife, "good riddance!"

    ReplyDelete
  14. We all make mistakes. Use this as a learning experience. Alam mo na yung pakiramdam na binetray ka ng partner mo, alam mo na ang pakiramdam na niloko ka ng minamahal mo, ganyan ang pakiramdam ng wife nung nagdecide ka na patulan ang husband nya. Alam ko nagmahal ka lang, pero mali ang pinili mong tao..Pero hindi pa huli ang lahat para magbago. Wag ka na lang umulit. Kapag may ginawa kang mali, wag mo ng panatilihin pang mali. Gawin mo ng tama sa susunod. Take care of yourself ms. Carla, know your worth. Increase your worth, you deserve someone better, yung masasabe mong iyo lang, yung wala kang kahati o hindi ka nakikihati. Be better. Stay strong and continue moving on. God has better plans for you. :)

    ReplyDelete
  15. Im one of those who really hate "kabit"! hindi katwiran yung nagmamahal ka lang..minsan kelangan mo din mag-isip muna..nasasabi ko to coz naranasan ko din yang mga tuksong yan even if im married..common sa office yanf mga guy n nkikipagflirt.pro .kung buo ang isip at loob mo na to be on the right path..hindi ka matutukso..i do believe in karma..isip isip muna pag may time!

    ReplyDelete
  16. Hindi tlaga pwede maging successful ang mga kontrabida!

    Ang love hindi yan parang pigsa na biglang tumutubo, may development period yan. Kaya habang ang maling love pausbong pa lang, ung time na pwede ka pang umatras at umiwas, umayaw ka na. Hindi ako naniniwala sa mga kabit na nagmahal lang sila, kalandian yan, kakatihan. Merong tayong isip db, dapat ianalize muna ang magiging sitwasyon bago sumabak sa isang relasyon na puro lang kasalanan ang ibubunga.

    I maybe too judgemental, pero nasubukan ko din na ligawan at regaluhan ng mga lalakeng may sabit na, pero pinili kong magpakatino kasi alam ko may masasagasaan akong karapatan ng kapwa ko.

    To you Ms. Carla, congratulations, nakabangon ka na sa hukay na ginawa mo.

    ReplyDelete

What is on your mind now? Share your advice/comment with LOVE. :)

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.