I
was 19 years old when I got pregnant by the father of my daughter. Let's call
him Ryan, nung una ok pa naman hanggang sa nagsama kami sa bahay namin. My
family was living abroad by that time and naiwan lang yung sister ko who is college
student that time and our yaya so kami lang nasa bahay. Dun ko lalong
nakilala si Ryan. Tamad, walang pagsisikap, barumbado, literal na hari na talagang
pagsisilbihan mo. Away bati kami dahil sa patuloy nyang pambababae pero ang
hindi ko talaga inaasahan yung pananakit nya. Buntis pa lang ako tinatamaan
na nya ako. Madaling mag-init ang ulo at walang pasensya. Konting mali, my
masabi ka lang ng hindi maganda nakapanakit na agad. dahil sa kagustuhan kong
magkaroon ng buong pamilya ang anak ko, nagtiis ako. Naging denial ako sa
pananakit nya. Bawat sapak, sipa at sampal nya sakin after naman kasi nun
sinusuyo nya ako kaya naging denial ako, sabi ko magbabago pa sya o kaya baka
nabubugnot na or dala ng pressure dahil sa malaking responsibilidad.
Hanggang
sa makapanganak ako ganun pa din, walang pagbabago. Hanggang dumating ang
panahon na makakabalik ako ng saudi para this time magkatrabaho naman. Salamat
sa pamilya ko ng sinuportahan akong makabalik ng Saudi. Kinailangan pa namin
magpakasal upang makapag-apply ng visa para sa anak namen pagsunod ni Ryan sa
Saudi. Nabuo ang pamilya ko sa bansang silangan. Akala ko magiging ok na ang
lahat at magbabago na ang asawa ko. Sabi ko bagong buhay, pareho na kaming may
trabaho at buo pa rin ang pamilya. Akala ko ok na, hindi pala, lalong lumala
ang pananakit ni Ryan sakin. This time sa harap na ng anak ko na nagkakaisip
na at nandito pa ang buong angkan ko. Pinilit ko pa rin itago baka sakaling
magbago kako kaso dumating na yung point sa sobrang bugbog sa akin nagising
ang anak ko tumayo at niyakap ako habang umiiyak. Kinuha sya ni Ryan agad sa akin,
sa takot ko akala ko sasaktan nya anak ko, kumuha ako ng pamalo sa kanya
habang sinasabing ibaba nya ang bata. Laking gulat ko nung hinarang nya sa
sarili nya yung anak ko nung akmang hahambalusin ko sya ng gitara. Laking
gulat ko at takot. Dun ako natauhan. Hindi tao ang pinakasalanan ko kundi
halimaw. Demonyo.
Nanlaban
na ako, sa sobrang grabe ng away ng gabing yun, kinabukasan hindi ko
na naitago
sa opisina ang sarili ko. Putok ang labi, may pasa sa baba ng mata,
may mga
galos at kalmot sa mukha, maga ang pisngi, pasa sa katawan at sprained
ang
binti pati ang ulo ko na puno ng bukol at masakit dahil sa sabunot at
kaladkad. Inuntog pa ang ulo ko ng makailang ulit sa sahig. Buti na
lang at
uso ang carpet dito kungdi baka namatay na ako. Hindi na kinaya ng
make up
ang mga pasa ko e. Mahirap nang itago hanggang sa nakarating sa
magulang ko. Nagkaroon ng komprontahan, nagdeny pa ang asawa ko. Hindi
raw sya ang may gawa at wala raw syang alam.
Ang
sagot ng mommy ko, ano? Ginulpi nya sarili nya? At the end of the day,
yun ang simula ng paghihiwalay namin dalawa. Umalis sya. Lumayas. Sa
kabila ng yun, pinili kong mamuhay manatili sa sarili kong bahay,
manahimik at manirahan kasama lamang ng anak ko. Gusto kong manahimik at
ayaw ko pag-usapan ang aking nakaraan. Sa sobrang grabe ng trauma at
depression ko humantong sa nagkaroon ako ng mental disorder na salamat
sa Panginoon at sa tulong ng mga gamot at pati na rin ng anak ko ay
nalagpasan ko naman. Nalulong ako sa trabaho ng mga panahon na yun. ang
focus ko is trabaho at ang anak ko para maitaguyod ko sya mag-isa. Hindi
nga pala nagresign ang asawa ko. Nanatili pa rin sa company nya. Sa
kabila ng chismis at bali-balita nanatili akong tahimik, bahala na ang
Diyos. Natanggap na rin ng lahat ng tao sa paligid namin na hiwalay na
kaming mag-asawa. Maraming nanghinayang, yun yung walang alam ng totoong
storya. Lumipas ang panahon na puro trabaho at anak ko lang ang
inaatupag ko hanggang sa unti-unti na akong nakakabangon. Nag-excel din
ako sa trabaho ko. Ang sipag ko daw, papasok ako ng 8am at madalas uuwi
ng 8pm, hindi nila alam na pinapagod ko ang sarili ko para sa oras ng
pagtulog at mahimbing akong makakapagpahinga.
Sa
lahat ng yan meron palang taong pinagmamasdan lahat ng kilos ko, si
Naif. Isa sa mga Sauding supervisor namin. Matagal ko na syang kaibigan,
asawa ko pa ang asawa ko katrabaho ko na sya. Alam din siguro nya ang
nangyari sa aking buhay. Nuong una, hindi ko binigyang pansin ang
pagsuporta nya sa akin pagdating sa trabaho, ang pagdalaw -dalaw nya sa
kwarto ko sa opisina at kwentuhan ng konti. Saudi kasi sya at never
akong nagka-interest sa hindi natin kalahi at lalo na't saudi sya.
Hanggang sa napansin ko na lang nahuhulog na ang loob ko sa kanya at
tuluyan na talaga syang nanligaw. Nung una hindi ako sigurado dahil
katutubo sya sa bansang ito baka kako gusto lang ng experience. Pero
kilala ko sya nuon pa man at nakita ko kung papaano sya makitungo sa
ibang babae dahil sa tiwala ko sa kanya sinagot ko sya. Ako na yata ang
pinakamasayang babae sa mundo simula nung naging kami. Hatid sundo,
everyday is special day, kabaliktaran ng buhay ko sa asawa ko. Para
akong reyna na ubod ng ganda at kataas-taasan. Inalagay ako ni Naif sa
pedestal. Binigay nya sa akin yung respeto na dapat para sa akin. At
last, naramdaman kong may nagmahal sakin ng totoo pagkatapos ng mahabang
panahon. Napakasarap pa lang magmahal ng Arabo. Tinanong ko sya "Bakit
ako? Sa lahat ng babae sa paligid mo bakit ako? Bakit hindi nurse or
bakit hindi ang kalahi mo? Hindi ako birhen na maipagmamalaki mo at
hindi lang yun hiwalay ako sa asawa at may anak pa." Ang sagot nya
sakin, hindi mahalaga sakin kung anong nakaraan mo, nakita ko kung gaano
ka kabuting tao, hindi lang maganda ang iyong mukha, napakaganda rin ng
puso mo at hinahangaan ko ang pagsisikap mong makabangon.
Photo credit: Media webs |
First
time after ng matagal na panahon may nagpahalaga sakin. Nirespeto ako
at minahal ng buo. Akala ko nuon wala na ako karapatan magmahal ulit
dahil may anak na ako at hiwalay pa baka wala na kakong sumeryoso sakin.
Salamat sa Diyos at may isang taong pinatunayan sakin na hindi lahat ng
lalake ay sex lang habol. Sad to say, kung sino pa ang kalahi natin
dito sa saudi yun pa ang sira ulo. Pinili namin ni Naif na itago ang
relasyon namin sa kumpanya para sa ikabubuti namin dalawa. Maraming
pagsubok, nandyan yung naglaban kami sa custody ng anak ko dito sa
saudi, humantong kami sa korte at naipanalo ko naman pero isang araw
sinugod ako ng ex ko sa opisina ko. Pilit nya akong kinaladkad upang
magusap daw kami. Narinig ni Naif ang pagtatalo namin ng ex ko, ayaw na
sana nyang makielam pero narinig nya akong umiyak at kasunod nun
hatak-hatak na akong palabas ng asawa ko. Wala syang kaalam-alam na
sisitahin pala sya ni Naif na ako'y bitawan dahil nasasaktan ako or kung
hindi tatawag daw sya ng police. Haram dito sa saudi ang ganung gawain
sa babae. Nagkabangayan sila at nagkahamunan ng pagkalalaki. In the end,
tiklop ang ex ko. Sabihan ka ba naman ng saudi na, "bansa ko ito at
ikaw ang mali, kayang kaya kong gawin ano man ang ginagawa mo kay heba!"
sa laki ni Naif at sa galit nya umalis na lang si Ryan. After that
never na nya akong ginulo. Akala ko ok tuloy tuloy na ang saya namin ng
bago kong pagibig. hindi pa pala.
Simula
nung sinimulan namin ang relasyon namin, meron akong concern na
isinangtabi na lang muna namin dalawa yun yung pano kapag dumating ang
panahon na pilitin na syang mag-asawa ng magulang nya? Pano na ako? Pano
na kami? Hindi kayang tanggapin ng magulang nya na ako pinay, hiwalay
sa asawa at may anak ay makakasal sa kanilang anak na binata. Sa kabila
ng yun tinuloy pa rin namin ang relasyon namin sa kabila ng pagtutol
nila sa relasyon namin, sikreto nga lang. Pero di bale na, ang mahalaga
alam ko tunay nya akong mahal. Napakaswerte ko yun ang pakiramdam ko.
Hanggang sa dumating ang araw na naramdaman ko na lang my bumabagabag na
kay Naif. Tinanong ko sya kung ano yun ang sabi nya sa akin pinipilit
na daw syang magpakasal ng magulang nya dahil sabik ng magka-apo. Meron
na daw babaeng nag-aantay sa kanya. Naiyak ako nun. Nag-iyakan kami at
nagmakaawa ako sa kanyang wag nya ako iiwan. Ang sakit Sis Jane.
Perpekto na, he's my one true love. Hindi ko inaasahang magmamahal ako
ng isang lahi nya. Tinatanong ko sarili ko nun, ano ba ito? Tikim lang?
Tapos babawiiin ulit? Perpekto na e. Kasal na lang ang kulang.
Magkasundo sa lahat ng bagay, support each other pati nga financial
status alam ng isa't isa e. Magkatampuhan man hindi naman nagtatagal.
Nagmamahalan kami ng totoo higit pa sa pagmamahal ko sa asawa ko.
Nakatagpo ako ng soulmate ko sa puso ko si Naif yun.
Pero
bakit ganun? Unti-unti kaming nagtatalo dahil naging praning ako sa
bawat araw na umuuwi sya sa bahay nila nandun yung takot ko na baka my
surprise engagement party na pala na hindi na makatanggi pa si Naif at
mapasubo na lang sya. Kung anu-ano na naiimagine ko. Takot. Anxiety.
Sakit tuwing naiisip ko ang bagay na yun. Ayokong papiliin si Naif ako o
ang mga magulang nya dahil alam ko ang aral sa Quran, walang
kapatawaran ang pagtalikod sa magulang. Dumating din sa punto na inalok
nya akong maging pangalawang asawa at syempre tumanggi ako! Kung ang
saudi magpapakasal sa non saudi regardless kung arab or asian pa yan,
kinekelangan pang mag-apply sa hari at kelangan ma-aproba ng hari, yan
ang malupit na batas dito sa bansang ito at karaniwan, kapag ang lalake
nag-asawa na ng babaeng pinili ng magulang, may karapatan na silang
mamili o magdecide kung mag-aasawa ba sila ulit.
Hindi ako pumayag na maging pangalawang asawa. Hindi naman yun ang kinagisnan nating mga pinoy. Ang sabi ko sa kanya "Bakit ako ang 2nd, ako ang mahal mo hindi sya, kaya dapat ako muna ang pakasalan mo. Ang 2nd wife daw ang importante kasi hindi na daw mag-aasawa ng pangalawa kung mahal ang una. May katwiran nga naman pero hindi ko pa rin kaya pero hindi ako bumitaw. Kapit lang ng mahigpit yun nga lang unti-unti na palang rumurupok yung pinanghahawakan ko. Tuluyan nang nawalan ng lakas ng loob si Naif. Ayaw raw nya akong masaktan pagdating ng panahon na mag-aasawa sya. Tanggap na raw nya ang kapalaran nya na isang araw kelangan nyang magpakasal sa kalahi nya. Alam mo kung ano matindi? Sabi ni Naif, walang kwenta kung sya ang mamimili kahit saudi din hindi pa rin papayag ang pamilya nya dahil ang gusto ang nanay lang ang mamimili para sa kanya. ganyan kalupit at katindi.
Unti-unti
nararamdaman ko bumibitaw na si Naif. Tinanong ko sya, ang sagot nya sa
akin mas mabuti pa daw na wag na namin ituloy yung relasyon namin para
sa ikabubuti at para hindi ako lalo masaktan. Ang sakit, hindi ako
pumayag. Lumaban ako kasi alam ko mahal nya ako. Ang sabi ko sabihin mo
in my face yung salitang hiwalay na tayo saka kita pakakawalan pero
hindi nya kaya. It means mahal nya ako di ba? Araw-araw ko syang
kinakausap dinadasalan na isang araw magiging ok ang lahat. Sinusubukan
kong patibayin ang loob nya at wag sumuko pero wala talaga e. Kahit araw
araw kaming umiiyak pareho, wala na. Unti-unti hindi na nya masyadong
sinasagot ang text at tawag ko. Ayaw na nya makipagkita sakin kahit
nagmamakaawa ako. Nataon pa na lumipat na sya ng kumpanya kung saan
manager na ang bago nyang position. Ang sakit sobra. Nagdesisyon akong
lumayo. I deactivated my fb and changed my number. Gusto ko makalimot,
nawalan ako ng pag-asa. In the 2nd time around, heto na naman ako,
lugmok na lugmok mas lugmok pa kesa sa una. Talagang dinamdam ko yung
paghihiwalay namin. Napilitan akong lumipat sa magulang ko dahil
bumagsak ang katawan ko. Ok ako sa buong araw pero pagdating ng gabi
kung kelan nag-iisa ako nandyan yung humahagulgol, sumisigaw ako sa
sakit ng nararamdaman ko. Walang katumbas na sakit para akong namatayan
ng mahal sa buhay na alam ko kahit kelan hindi na babalik. Nawalan ako
ng ganang mabuhay. kung hindi dahil sa anak ko hindi na muli ako
ngingiti hanggang sa nagpadestino ako sa ibang lugar sa kabilang city.
Ilang buwan nang nakakalipas pero sariwa parin. Kung ano ang iyak ko
nung mga unang araw ganun pa rin ang iyak ko tuwing naaalala ko. Wasak
na wasak ang puso ko.
Dumaan ang higit kalahating taon. Sabi ko, ok na ako, kaya ko na syang harapin ulit. Mas matatag na heto na yung pinakahihintay kong sandali. Tinawagan ko sya hindi nya alam ang numero ko kaya tinanong nya kung sino ako. Hindi ko binanggit ang pangalan ko bagkus tinawag ko sya sa tawagan namin. Napa-ha pa nga sya sa pagkabigla kaya inulit ko. Sa wakas, nabosesan din nya ako. Magiliw nyang binanggit ang pangalan ko at kinamusta. Nabigla rin ako. Nagkamustahan kami sabi nya miss na miss na nya ako at ang tagal kong nawal na alalang-alala sya sa akin ni hindi daw nya alam san ako hahanapin ang tangi lang daw nyang nagawa is abangan ako sa tapat ng bahay ko. Nagulat ako, naiyak ako ulit bigla ko naramdaman yung sakit ng pag-iwan nya sakin at the same time yung saya dahil nag-kausap kami. nagpaliwanagan kaming dalawa, nagsabi ng pagkasabik sa isa't isa. tinanong ko sya kung naikasal na ba sya or na engage na ba nuon kasi tuwing tinatanong ko kung naengage sya ng hindi ko alam hindi nya ako sinasagot. Hindi na raw importante yun, kaya ganun kasakit sa akin dahil tumatak sa isip ko na naengage sya at nakasal pero this time nung tinanong ko sya direcho ang sagot nya na hindi. Never.
Ang haba beshie
ReplyDelete