Tuesday, July 23, 2013

Shared by Miss RN

I also want to share my story. I'm also a single parent. I just delivered my son last May 28. Maybe some can't relate, some will be amaze, some will get irritated.

May 28
4:30pm
Naramdaman kong parang may biglang pumutok, when I look down may tubig na sa floor. Hindi ako nagpanic, I immediately message my friend (one of the few who knew I am pregnant) and told her what is happening. She told me to go to the nearest maternity clinic kasi daw pumutok na ung patubigan ko. Still hindi muna ako nagreact. Pabalik-balik ako sa comfort room. I texted one of my closest friend to visit me at house asap (my purpose is para sya makasama kong pumunta sa clinic na malapit sa kanila).

6:10pm
Dumating yung bestfriend ko, dali-dali kaming umalis ng bahay (dahil ayokong mahalata sa bahay kung anong nangyayari sa akin dahil hindi nila alam na buntis ako ). Yun nga, when we're on our way I told my closest friend about my situation (hindi din nya alam) and she panicked. Ako, kalma lang dahil iniisip ko yung baby sa sinapupunan ko dahil 31 weeks (7 months and 2 weeks) sya. Dali-dali nya akong dinala sa pinakamalapit na maternity clinic. Pagdating don dali-dali akong ni ultrasound at don ko din nalaman na baby boy anak ko.

8:15pm
7cm na akong naka open. Hindi ako tinanggap sa maternity clinic na yun dahil daw wala akong relative o pamilya na kasama, just my two friends. And, baka daw ma incubate ang bata at wala daw silang incubator don. Pinapatransfer kami sa isang ospital. Dali-dali din kaming umalis don.

9:30pm
Dumating kami sa ospital, after a few minutes na nakaupo tumayo ako dahil titimbangin daw ako at don bigla kong naramdaman nag-open na ako, masakit.. ang sakit sa balakang. Pinahiga ako ng doktor at ni-examine ako, sinabing naka-open na ako at ready for delivery. Dali-dali akong pinasok sa delivery room. I received a text from my mom, pinapauwi ako, sabi ko bukas na dahil marami pa kaming gagawin ng friend ko. And ni-off ko na cp ko. Katext ko din at that time ang tatay ng baby ko.

10:35pm
I normally delivered my baby boy- a less than 6 pounds, so cute, so tiny, ang sarap sa pakiramdam makita mo ang baby mo. I received a text from my mom (that message is for my friend) sabi ipa-on ko daw phone ko dahil aatakehin daw sya sa nalaman nya. Yun pala pinuntahan sya ng isa kong friend at sinabing manganganak na ako at nasa ospital. Yun ung time na nalaman ng mom ko about my situation. I worried so much, takot na takot sa gagawin sa akin ng mom ko, ng dad ko, ng 6 brothers ko. Pinasok na ako sa room ko at doon iyak ako ng iyak. Saan ka ba nakakita ng bagong panganak na problemado masyado?

Past 11pm
Dumating mom ko, hindi siya umakyat sa room ko. Sa baba lang siya at kinausap isang friend ko. Hindi nya matanggap yung nangyari sa akin, bakit hindi ko daw sinabing nasa ganong sitwasyon ako. Umuwi na lang siyang hindi ako nakikita at ang baby ko.

May 29
Lunch time dumating ang tatay ng baby ko, he paid for the hospital bills at hindi din nagtagal umalis din. Bandang hapon nang dumating uli mom ko, takot na takot pa rin ako baka kung anong gawin sa akin. I beg one of my friend not to leave me alone with my mom. Pagpasok pa lang ng mom ko sa room, umiyak na ako, di ko siya kayang titigan, di ko kayang makita ang ekspresyon sa mukha nya. After an hour, umuwi friend ko at naiwan mom ko. We talked, she's crying and I too also. Hindi pa din nya tinitingnan baby ko. Umuwi sa bahay mom ko na walang imik. At that time, karamay ko lang eh ang baby ko. Sabi ko sa sarili ko nakaya kong dalhin sya ng more than 7 months, makakaya ko din lahat para sa kanya.

May 30
10AM
My mom arrived, dala ang damit na pamalit ko. Sinabing alam na daw ng dad ko ang nangyari. Again, umiyak na naman ako. Pinauwi ako ng mom ko ng bandang ala una, maiiwan baby ko sa ospital kasama mom ko. Pagbaba ko naghihintay dad ko, hindi ako makasakay sa takot, kung hindi pa ako tinawag ng dad ko, hindi ako makakasakay. Kinausap ako ng dad ko, ramdan na ramdam ko yung sakit, disappointment sa boses niya. Wala akong magawa kundi umiyak ng umiyak. Dumating ako ng bahay na hindi pinapahalata kung anong nangyari at nangyayari sa akin. Naiwan ang bata sa ospital dahil hindi pa sya pwedeng iuwi sa bahay dahil magtatanong ang mga kapatid ko.

Pinaalagaan muna ng parents ko sa family friend namin ang baby ko ng 1 week. Sa loob ng mga araw na yun wala akong ginawa kundi umiyak at mangulila sa anak ko. After a week inuwi sa bahay ng parents ko ang baby ko, ang sinabi anak sya ng pinsan namin (ang sakit na sabihin sa mga kapatid mo na anak ng iba ang sarili mong anak). Tinitiis ko para lang makasama ko baby ko. Ngayon, mag 1 month na sya and I am happy being with him. He is such a blessing.

Yung tatay pala nya walang kwenta dahil hindi na nagpaparamdam. Ang I found out hindi pala sila hiwalay ng asawa nya. Si God na bahala sa kanya.

2 comments:

  1. being a mother is he most wonderful feeling in the world...makita mo lang anak mo masaya na araw mo...and swear to God you will do anything just to make sure na hindi sila masasaktan...motherhood is the best experience any woman would dream of...and i'm proud to be a single mom...and someday, my kids will tell me that they are blessed because i am their mom...just like me, i'm so blessed that they are God's gift to me...so ikaw ms. RN take care of your son...siya ang kayamanan mo galing kay Lord.

    ReplyDelete
  2. almost same tayo ng story pero alam lng ng parents ko. premature din baby ko 7 months sya nung ipinanganak ko via cs kasi di ako nag labor close pa daw cervix ko. 6 yrs old na sya ngayon nawala lahat ng galit ng parents ko habang lumalaki anak ko. at ayon yung walang kwenta nyang tatay iniwan lng kami habang buntis pa ako.

    ReplyDelete

What is on your mind now? Share your advice/comment with LOVE. :)

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.