I met a guy from social link way back 2007 then hanggang sa nagkita kami nagtuloy tuloy yung communication namin at nung August 2008 naging bf ko na sya. Ayos naman yung takbo ng relationship namin hanggang dumating yung May 2010 nalaman ko I was pregnant. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya dahil mismo ako hindi pa handa sa responsibility. Pareho pa kaming nag-aaral nun. 3 months na yung baby sa tyan ko before ko nasabi sa kanya. Although alam ko na ang sasabihin nya na hindi pa sya handa syempre nasaktan pa rin ako. Kaya instead na ako yung iintindihin nya ako yun mas umintindi sa nararamdaman nya.
My family wants us to marry as soon as possible para iwas sa kahihiyan ng pamilya syempre. Nagusap na yun family nya and family ko tungkol sa magiging plano. Magkatapat kami sa upuan that time. Una syang tinanong kung anung gusto namin mangyari. Ang sagot nya kung ano daw ang gusto ko yun na daw ang plano. Kaya ako ang tinanong. Yun totoo I really want to marry him. I love him so much. Pero hindi ko inuna yun sarili ko. Tiningnan ko sya, tiningnan ko yung mga mata nya. Ang nakikita ko lang sa kanya although hindi nya sinasabi, hindi pa sya handa sa married life. Kaya ako na mismo ang nagsabing hindi kami magpapakasal. Ang sakit nun para sakin. Nag-iimagine na ako ng isang masayang pamilya pero hindi nangyari. Syempre nagalit ang pamilya ko sa narinig nila.
Ako lang daw ang babaeng nabuntis na tumanggi pa sa kasal. Sa loob-loob ko kung alam lang nila. Pero tinago ko yun dahil hoping pa rin ako na mababago yung lahat, ayaw ko naman na sumama ang tingin nila sa tatay ng anak ko. Bihira na kami magkausap simula nun hindi sya dumadalaw. Nanganak ako hindi sya nagpakita, ang ginawa lang nya nagsorry lang dahil daw wala sya sa tabi ko at ng baby namin. Hindi naman daw nagbabago yung love nya para sakin. Dahil nga I still love him nakipag communicate pa rin ako sa kanya, kaya lang sikreto lang.
May nababalitaan akong gf nya pag nalalaman nila ang tungkol sakin at sa anak namin naghihiwalay din sila. Hanggang sa hindi na ako nasasaktan sa mga nababalitaan ko. Ang gusto ko lang paniwalaan yun pangako nya na binitawan. Nahihiya daw sya sa family ko wala daw syang mukhang maiharap kaya kahit gustong gusto nya kami makita, natatakot daw sya. Ako naman inintindi ko sya. Nagdecide ako na magpunta dito sa abroad para magtrabaho. Yun lang yun alam kong paraan para naman ako yun sumuporta sa anak namin ng sa ganun wala na syang dahilan para mahiya. Pero ilang buwan lang ako dito nadiscover ko na meron syang ibang fb account na in a relationship ang status nya with another girl. Ang sakit sakit. Lalo na nung inisa-isa ko yung mga pictures nila together. Yung mga dates nila, yung mga gift nya sa girl. Naisip ko kahit isang candy di nya man lang nabigyan yung anak ko tapos willing sya magspend ng money sa babae nya?
Hindi ko sya dinidemand magbigay para sa anak namin dahil nag-aaral pa sya. Nagsasacrifice ako na malayo sa anak ko para masave yung family namin pero heto pala sya nag-eenjoy sa buhay ng pagiging binata. I was planning na kuhanin sya para dito na sya magwork kasama ng baby namin. Pero tanggap ko na ngayon. Lahat lahat ng yon pangarap lang na hindi na matutupad. One friend told me na dapat mag-enjoy na lang ako para kalimutan ang lahat. Yun nga yun ginawa ko. Nagsisisi lang ako kasi bakit ngayon ko lang ginawa edi sana kung noon ko pa ginawa hindi na sana ako nasaktan at naloko ng maraming beses.
(Yung ginagawa mong pageenjoy naniniwala talaga ako na yan ang the best medicine ever!)
(Yung ginagawa mong pageenjoy naniniwala talaga ako na yan ang the best medicine ever!)
It's good to hear na nag-e enjoy ka na sa life mo now girl! Keep it up! Someday ma-meet mo rin ang right guy 4 u. :-)
ReplyDeleteWow..minsan kasi sa.sobrang pagmamahal mo sa isang tao nakakalimutan mo yung sarili mong kaligayahan
ReplyDeletetama lang ang desisyon mo na di mo sya pinakasalan di wala kang sakit sa ulo ngayun,kung kasal kau mas mahirap kumawala sa kanya,mauuwi din sa hiwalayan dahil di rin sya handa.
ReplyDeletepano b mg share d2?
ReplyDelete