Sunday, August 18, 2013
Shared by Miss Pia
I met a guy thru a social networking site a year ago. Yeah, for someone claiming to be cautious when it comes to men, sa cyberworld ko pa talaga nakatagpo ang naging 2nd bf ko. Yes, 2nd bf at 35!
Let's call him JB. Pinoy, working in aviation and based in the US now. We started conversing thru chat, Feb last year. We had so many interests alike kaya medyo agad kaming nagkagaanan ng loob. Sa madaling salita, naging mag-on kami kahit di pa man kami nagkikita personally. But yeah, we do get to see and talk to each other almost everyday thru chat, phone and video calls. Then umuwi sya dito sa Pinas May last year, at nagkita kami. Ako ang lumuwas ng Manila para magkita kami. Actually, it was against all the will of my friends na nakakaalam. Kasi nga, ako daw itong babae, dapat daw sya ang papuntahin ko dito sa amin. But I persisted. Anyway, sanay naman ako sa Manila. At hindi alam ni JB na may bahay din kami sa Manila. Ang alam lang nya, makikitira lang ako sa mga friends ko pagluwas ko. So no big deal for me. I can handle myself well enough. So yun na nga, nagkita kami. And as expected, naging magaan para sa aming dalawa ang lahat-lahat. Palagay namin ang tagal na naming magkakilala. We both felt the connection. We talked about almost everything. Yes everything pati past relationships... except for one Ex of him na di nya masyadong nadetalye sa akin. When I asked him kung nagkaroon sya ng gf sa US, sabi nya "Oo". But did not elaborate more on this, unlike dun sa mga naikuwento nyang ex's nya. Ako naman, hindi na nag-usisa pa. It's a thing of the past, and I don't think I have the right to go any further than what he's willing to share.
Everything was going smooth for the both of us kahit na nakabalik na sya ng US. Until may nadiscover ako sa fb nya. He's got 2 fb accounts. Yung isa, friends kami, yung isa hindi. Sa umpisa, it's no big deal for me kasi ako din naman, dalawa rin ang fb account ko. I even confronted him about it. Pero sabi nya, it was his sister who's maintaining the account. Until August last year, na-add nya yung isang fb account ko out of carelessness siguro. He didn't recognized that it was me kasi palayaw ko lang ginamit ko doon. No pics. No updates. No nothing. At doon ko nakita lahat ng photos nya with his Ex. Para akong binuhusan ng malamig na tubig that time. My whole body was shaking literally. I emailed him right away, sending him back the photos that I saw, asking for an explanation.
Nakikipaghiwalay na sana ako sa kanya but he pleaded. He assured me na wala na talaga sila. And immediately hide the albums where I got the photos from. Yeah, he just hid it. And since mahal ko pa nga sya, nagawa ko naman syang patawarin agad. But I must admit, hindi na nawala ang pagdududa ko sa kanya. I started doing my investigation. At hindi nga ako nagkamali sa hinala ko. September same year, nalaman ko na he's living in the same flat with his Ex along with two other Pinoy families. I confronted him again, ayaw pa nga niyang umamin. Pinipilit pa nya akong sabihin kung sino ang nagkukuwento sa akin ng mga ganung bagay. Eh wala naman akong masagot, alangan namang ilaglag ko ang sarili ko, at sabihin kong it was out of my pure intuition and instincts. Umabot na sa nagsisigawan na kami over the phone kasi walang may gustong umamin. Until sya na mismo ang sumuko. Pasigaw na umamin ng "Oo!" Sa ginawa nyang pag-amin, napatawad ko sya. Hindi ako bumitaw. Kasi in fairness to him naman, he always make up for the losses. He kept on assuring me na halos hindi na daw sila nagkikita at nag-uusap.
Pero sadyang binibiro talaga ako ng tadhana, kung kelan pa sya nagbitaw ng mga ganung salita, makikita ko na lang sa mga fb photos ng flatmates nila na magkakasama silang namamasyal along with the Ex. Ayaw ko man lagyan ng malisya, pero hindi ko na talaga magawang mabuo ang tiwala ko sa kanya. So I decided to finally break-up with him. Ayoko na talaga kasi over-consumed na ako sa pagdududa ko sa kanya. Yung hinihingi ko sa kanya na umalis sya sa flat na yun, hindi naman nya kayang ibigay kasi nga hindi naman sya ganun kayaman para bumukod mag-isa. Ayaw ko na sana talaga.
Hanggang October last year, nagkaroon ng problema sa family ko. Nagkasakit yung mother ko. He didn't have a clue, what I was going through with my family when he called me again. Sa kagustuhan kong mabawasan ang bigat na nararamdaman ko, may problema na nga kami sa family, pati ba naman sya poproblemahin ko pa, minabuti kong tanggapin ulit yung pakikipagbati nya. So far, all throughout those hard time in our family, hindi naman sya nakadagdag ng problema sa akin. Or siguro, masyado lang mabigat ang dala-dalahin ko para alalahanin ko pa sya. January this year, I lost my Mother due to cancer. I suffered from depression. There are times, sinisisi ko ang sarili ko noon na baka hindi ko natutukan ang health ng Mother ko kasi I was so consumed with my problems with JB.
April this year, umuwi sya ng Pinas ulit. According to him, it was unplanned. He was here for a month. We both wanted to see each other (I would like to believe na gusto rin nga nya talagang magkita kami) pero he wasn't willing to travel all the way to my place. Gusto nya, ako ulit ang pumunta ng Manila, when for a fact alam nya and I made myself clear to him kahit nung hindi pa sya nakakauwi na hindi ako makakaalis at di ko kayang iwanan that time ang father ko. Yes, dalawa na lang kami sa buhay ng father ko. At hindi ko sya kayang iwanan dahil alam kong he's still wallowing over the loss of my Mom. Sa madaling salita, hindi talaga kami nagkita nitong pag-uwi nya. Grabe ang sakit na naramdaman ko nun. Akala ko yun na talaga ang katapusan namin ni JB. Akala ko makakaya ko na siyang hiwalayan finally. Pero hindi eh, nagawa ko pa rin syang unawain at patawarin. Pero yung trust ko sa kanya, hindi ko na talaga magawang ibalik. Mas lalo akong nadepress to the point na hindi ko na madistinguish yung emotions ko. Hindi ko na alam kung saan nanggagaling yung lungkot ko at kung saan ako mas nalulungkot. Nasambit ko na lang sa sarili ko, I am being unfair to my mother moreso with my father, na syang kasama ko dito sa bahay pero di nya ako makausap or makasalamuha dahil parati akong nagkukulong sa room ko.
Hindi niya ako tinigilan kakatawag kahit nakabalik na sya ng US, asking for another chance. Sa muling pagkakataon, oo napatawad ko na naman sya. In my willingness to get even with him at sukatin kung talaga bang mahal nya ako, binuhay ko ulit yung alaala ng naging first bf ko sa mga usapan namin. Na kunwari dadating dito yung Ex ko para bisitahin ako and was trying to have me back again kuno. Actually, sinadya ko yung kuwento na yun to make him realize yung pambabalewala nya sa akin. That here is a man, willing to spare me a little of his time which at JB's end, hindi nya nagawa. Naging effective naman so far, mas napadalas yung tawag nya. He was always checking on me kung magkasama ba kami or kung nasa bahay na ba ako. Minsan nga nasambit ko pa sa kanya kung ano ang pinagkaiba sa sitwasyon naming dalawa at that point: siya, kasama yung Ex nya sa iisang bahay, at ako kasama at kakuwentuhan yung bakasyonista kong Ex dito sa amin (again, emphasize ko lang po na gawa-gawa ko lang po yung kuwento bout my Ex sa kanya). Sagot naman nya sa akin, "malaki" daw. Sila daw ng Ex nya wala ng planong magkabalikan at kailanman di na magkakabalikan pero sa amin daw ng Ex ko, may mga suyuan pang nagaganap. I must admit natuwa naman ako sa sagot nya. Ibig sabihin tumalab ang drama ko. At patuloy pa syang naging maalalahanin at sa loob ng mahigit isang taon na magkakilala kami, noon lang sya naging open sa akin sa mga iba pang bagay. He was able to share with me some of his deepest secrets.
Until, something happened. Nagpaalam ako sa kanya na mawawala ako ng mga ilang araw. Pumayag naman sya. Dinalaw ko lang tita ko. Pag-uwi ko ng bahay noon lang pumasok yung mga messages na pinadala nya sa akin thru viber. Wala kasing internet dun sa pinuntahan ko. Sweet pa sya sa mga messages nya nun. Sa bahay ko na lang din nakita mga missed calls nya. Sa sobrang pagod ko sa biyahe, itinulog ko na lang at di ko na nagawang magreply pa sa kanya. The following day, nagulat na lang ako sa offline message nya sa akin sa YM. Sana daw, sinabihan ko sya! I was so puzzled and I must admit, nagpantig din ang tenga ko. Hinala ko, iniisip nya na kasama ko yung kunwa-kunwariang Ex ko. I replied by asking him kung ano ang ibig nyang sabihin dun sa sinabi nya kasi sa ganang akin, wala naman akong maikukuwento sa kanya that would seem to interest him at baka kako siya itong may gustong sabihin sa akin. Nagawa ko pang i-greet sya for our monthsary. Yun lang, at hindi na sya nagreply at nagparamdam sa loob ng mahigit tatlong linggo.
Grabe, sobrang sakit nun. That three weeks of silence seemed eternity to me. There are times na gusto kong ako na ang mag-initiate ng move, pero sobrang naaawa na din ako sa sarili ko na sa ganung kababaw na dahilan, agad nya akong binitawan. Samantalang ako, I endured all the pain that he caused me and never left his side. I was so affected. Minabuti kong kaibiganin yung kapatid ng Ex nya dito sa Pinas. Pero di ako nagpakilala na gf ako ni JB, sabi ko lang kilala ko yung present gf ng Ex ng kapatid nila. At mas nagulat pa ako sa aking nalaman. Nasabi ng isang kapatid nung Ex na kung malalaman daw ng kapatid nila na may bago ng gf si JB, maglululundag pa daw yun sa tuwa. Di daw kasi maka-move on si JB sa kapatid nila at kahit wala na sila, nangungulit pa rin. Mas lalo pa akong nasaktan nung nagtanong sila kung ilang buwan or taon na ba daw si JB at ng bagong gf nya. Nung sinabi kong "more than a year na ata", they blurted out saying "naku, tumatawag-tawag pa rin daw yung si JB sa kapatid nila nitong huli nilang uwi sa Pinas, to think na may gf na pala sya nun!" Hearing this, hindi ko na talaga kinaya. Galit na galit at muhing-muhi ako kay JB. I wanted to get even. I wanted revenge.
I had sleepless nights. I got so consumed plotting my revenge. I promised myself, wala akong ititira sa kanya. Sisirain ko sya, sa trabaho nya, sa pamilya nya, sa mga kasamahan nya sa bahay at sa mga taong nakapaligid sa kanya doon. Wala akong ititira! ANGER was an understatement to describe what I was feeling at that point in time. I won't go into details kung ano ang ginawa ko, but yeah... I succeed! Sa loob ng mahigit tatlong linggong hindi nya ako kinibo at kinausap, nagawa nya akong tawagan. Nakikiusap at nagmamakaawa na ihinto ko na ang paninira at pang-iinsulto sa kanya, at huwag ko na daw idamay ang ibang tao sa galit ko sa kanya. Nagtagumpay na daw ako in making his life miserable. He can't concentrate on his work and everyone else was asking him what the hell has happened to him. Pero huli na...
"I may be cordial today, but hell has no fury like a woman scorned!" Noon ko naintindihan sa sarili ko ang mga katagang yun. Malimit ko tong sinasabi, but I didn't thought na I'll come face to face with it. Now if you may ask me, Kuntento at masaya na ba ako sa nagawa ko? Hindi. I must admit, revenge wasn't really for me. Nakonsensya ako sa ginawa ko sa kanya. We don't repay evil with evil. Kahit kailan, hindi sagot ang paghihiganti at hindi ito kailanman ikakagaan ng ating kalooban. And most importantly, we don't hurt the one's we love kahit anong laki pa ng kasalanan nila sa atin. Siguro nga, hindi talaga ako ganun kasamang tao. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit may sinasabing "crime of passion" ; kung bakit may pumapatay at nagpapakamatay dahil lang sa pag-ibig at pasalamat ako na I'm still in safe keeping with my sanity para di ako umabot sa ganun. God forbid.
Sa ngayon, I'm nursing my wounded heart. There's never a day na ipinagdadasal ko na mawala na sa isip ko ang paghihiganti at tuluyan ko na sanang makalimutan yung pain, yung hurt at lahat ng sama ng loob na naramdaman ko. Ipinagdarasal ko rin na sana mapatawad ko na ang sarili ko for feeling hurt at tuluyan ko na sanang mapatawad si JB sa lahat ng ginawa nya sa akin at higit sa lahat, mapatawad nya sana ako sa mga nagawa ko sa kanya. For it is only when we learn to forget the hurt love has left us with, can we learn to move on.
Kung meron man akong natutunan sa naging experience ko, it's when to say ENOUGH. If we don't set a baseline standard for what we'll accept in our life, we'll find that it's easy to slip into behaviors and attitudes or a quality of life that's far below what we deserve.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
wow....
ReplyDeleteGood girl exist
ReplyDelete