Nais ko po sanang ikwento naman po sa inyo ang malungkot ko rin na karanasan, sa pagbabakasakali naman makita niyo ang sitwasyon mula sa pananaw ng isang katulad ko. First, itago niyo na lang po ako sa pangalang Perry. Ako po ay isang OFW, hiwalay sa asawa’t anak (8 taong gulang) na nasa Pilipinas. Ako'y ay 8 taong nagtatrabaho sa ibayong dagat para kumita ng pera para sa aking pamilya. Lahat ng ito’y ginagawa ko para sa kanila, hanggang sa naisip kong hiwalayan siya at magbagong buhay sa piling ng iba.
Nakilala ko ang aking ex-wife bilang textmate sa cellphone, yung number niya ay ibinigay sa akin ng kaibigan ko, nang bilhin ko ang aking kauna-unahang cellphone. Sa una, masaya ang makatext siya, nakakatuwa at nakaka-aliw siyang magpadala ng mga cute text messages. Napagkwentuhan namin ang maraming bagay, nakakalungkot at masaya, nakakatuwa at yung nakakaasar din. Walang araw akong pinalipas na hindi ko man lang mabati siya sa text, mula umaga, hanggang sa pagtulog, kausap ko siya, kahit sa text man lamang. Pagkaraan ng ilang buwan ng pagpapalitan ng mga messages, napagpasyahan kong tanungin siya kung pwede ko siyang maging girlfriend, sinagot nya ito, at kahit sa munting panahon, naramdaman kong maging masaya. Dahil dito naisip kong puntahan siya sa kanilang lugar, kahit na ito’y malayo sa amin para makilala ko na siya ng personal. Hindi importante sa akin ang itsura niya, basta yung ugali ay maganda, ay masaya na ako. At sa pagpunta ko na iyon, makita ko siya ay napaibig ako, dahil sa maamong pagtingin niya sa akin.
Nakita ko rin ang tuwa sa kanyang mata, itinuloy namin ang aming pag-iibigan ng noo’y GF ko at ipinakilala niya ako sa magulang niya. Mula noon ay nagpabalik-balik ako bumiyahe sa probinsya nila para makasama siya at para makapiling siya. Di tumagal ay nagkabunga ang aming pagsasama, na pinagpasiyahan kong panagutan sa pamamagitan ng pagmamanhikan sa kanyang magulang na kami ay magpakasal alang alang sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Kami’y nagpakasal sa pamamagitan ng sibil na kasalan, nangako kami na itataguyod ang aming pamilya. Ang hindi ko inaasahan, ay ang mga sumunod na pangyayari sa loob ng sumunod na 4 na taon.
Nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko nang ako’y maging isang pamilyadong tao, may asawa, at may responsibilidad na tustusan ang kanilang mga pangangailangan. Para makatulong sa pamilya ng ex-wife ko habang siya’y nagbubuntis, tumutulong ako sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Bumibili ng mga iba’t ibang materyales para sa kanila, tumutulong sa kahit na anong paraan, nagsisipag upang ipakita sa kanila na kahit na nariyan ako at nagbabanat ng buto para sa amin ng ex-wife ko. Pero nun pa lamang ay nararamdaman ko na ang pagiging malayo nila sa akin. Dahil siguro sa ako’y tiga-labas, isang Manilen͂o at hindi sanay sa wika at cultura nila. Naramdaman ko nung unang mga buwan na magkasama kami, ang pagtrato sakin, mula sa kanya, hanggang sa kanyang mga magulang ay nag-iba. Ang simpleng pag-utos ay nasasabayan ng paninigaw sa akin na walang katuturan, ang pagbabalewala nila sa akin sa hapag kainan, na parang isang bata, o ang pagtrato sa akin na para bang hindi ako kasama ng kanilang pamilya ang tiniis ko mula sa araw na pumasok ako sa mundo nila.
At kahit yung ex-wife ko, nag-iba na ang pag-tingin sa akin. Yung dating malambing na ngiti ay napalitan ng mga utos, ang pagiging batugan at makasarili ay aking ikinagulat, ngunit ito’y isinarili ko muna at alam kong wala akong makikitang kakampi sa lugar na kung saan ako ay isang dayuhan. Dahil sa pagtulong ko sa kanilang negosyo, napabayaan ko na ang aking pamilya. Ang aking kapatid at ama na naiwan ko sa maynila, isinakripisyo ko alang alang sa pag-silbi sa ex-wife ko at ang kanyang pamilya. Lumipas ang buwan at nabiyayaan kami ng isang sanggol na babae. Ito ay nagbigay sa akin ng saya at tuwa, ngunit para sa biyenan ko, nakuhaan pa nila magpa haging na “Oh, bayaran mo na yan sa hospital, total kamukha mo naman!!”. Ikinalungkot ko ito dahil sa pananalita nila sa akin.
Ako ang nag-alaga sa bata. Kain, bihis, paligo.. lahat. At ang ex-wife ko ay nagpapagaling sa ceasarian section niya, hindi ko maiwasan isipin na nagtatamaran lang siya para ako gumawa ng lahat ng gawaing bahay. Para na akong boy sa kanila. Habang lumalaki yung bata, ay ako ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan niya sa pamamagitan ng pagtulong sa biyenan ko, kahit na sigaw sigawan nila ako, murahin at ipahiya sa ibang tao, basta’t nabubuhay, kumakain ang anak ko, ok lang sa akin. Pinangakuan yung ex-wife ko ng negosyo, ng magulang niya, na may pangakong magiging kanya kapag lumago na ito. Ang nangyari, ako ang magbabantay, magbebenta at magreremit ng kinita ng negosyo. Samantala, sa bahay naman siya, nag-aasikaso sa bahay at sa bata. Umulan o umaraw, bumagyo o uminit, andun ako, dalawang taon ko ito pinasan sa mga balikat ko.
Kumita naman, at bahagyang guminhawa ang buhay, ngunit sila lang ang nakakatikim ng kaginhawaan na ito. Bagong sasakyan, pera sa bangko, sila ang may hawak ng gastusin. Lahat ng gastos ng pamilya ay kinukuha sa negosyo na ito. Hindi ako makatutol dahil sa hindi naman akin yung pera na ginagamit. Tutal 3 beses naman ako nakakakain sa ilalim ng bubong nila, libre tulog, panood ng TV. Unti unti ko nang nararamdaman ang pagbabago sa anyo ko. Hindi ko maramdaman na ako’y may nagagawa para sa akin, para mapabuti ang estado ng aking anak at noo’y asawa. Ngunit imbes na ako’y kampihan ng ex-wife ko, ay sa magulang niya siya’y kumampi. Naramdaman ko muli ang pagiging mag-isa. Nagiging bugnutin na ako. Magagalitin. Hindi ko gusto itong pagbabago na ito. Pero sa patuloy na pagtrato sa akin, nawawala na respeto ko sa sarili ko. Pagkatapos ng ikalawang taon, dahil sa kalabisan ng kanilang paggastos, para tustusin ang iba’t iba nilang gastusin, nalugi ang negosyo, dahil sa naubos na ang capital na dapat ipambibili na muli ng paninda para sa tindahan, pero sa halip na harapin nila ang katotohanan na sila ang umubos ng capital ng negosyo, ay nakuha pang isisi sa akin ang pagkalugmok nito, at hinanapan ako ng dahilan kung saan ko dinala ang pera para sa tindahan.
Masakit sa loob ko na ako ang pagsisihan, malinis ang konsensiya ko, pinababayaran sa akin ang pera na ito. Napilitan akong maghanap ng paraan na mapalitan ang pera na ito, at dahil dito ay minarapat ko nang pumunta ibayong bansa para humanap ng magandang kinabukasan para sa anak ko at ex-wife ko. Mahirap nung una ang mawala sa kanila, mas lalo sa anak ko na aking mahal. Ngunit kung para sa kinabukasan niya ay, lumalakas ang loob ko para harapin ang pagsubok na ito. Sa mga unang linggo ko sa abroad ay naramdaman ko ang pangungulila sa anak ko. Tinatawagan ko sila sa lahat ng pagkataon na meron ako, ngunit dito ko na naramdaman ang pagsasantabi nila sa akin. Sige pa rin ang pagkayod ko sa kagustuhang makaipon ng pera para makabalik muli, at makapiling sila, ilan taon at pagkalipas ng palipat lipat ng kumpanya, at makaraan ng pagtaas sa aking kinikita, ay masasabi ko nang kayak o natustusan ko ang pangangailangan nila, pero wala naman sila para maging sanganan ko. Matagal na akong namamalimos sa kahit konting atensyon nila ngunit wala.
Tulad ng ibang OFW, pinatikim ko sa kanila ang konting sarap ng buhay by sending boxes of imported items, and although na-appreciate nila, hindi pa rin nila naiisip ang sinasakripisyo ko para lang makatikim sila ng ginhawa. Dahil nung ako ang nagkaroon ng problema, sa pagbayad ng credit card, kinailangan kong magstop muna ng pagpadala ng pera para makabayad sa bangko na kanilang ikinagalit at hindi nila ito inintindi at instead of understanding, mas lalo lang sila naging demanding. Minumura ako at binabantaan ako, isang bagay na hindi ko na matanggap. Pagkaraan ng mainit na usapan naming iyon, ay nagpasya ako na sumulong na lang sa buhay. Na baka hindi na ito nakakatulong sakin at nakapagpapasaya sa akin, sa halip ay umaalipin sakin at tumatali sa pagiging malungkot ko at miserable. Isang araw, sa hindi sinasadyang pangyayari, natuklasan ko na ang aking ex-wife ay nakikipagkita sa ibang lalake, Malinaw ang mga larawan, at ang mga pagbati ng pagmamahal sa kanya, na aking ikinagalit. Kinumpronta ko siya tungkol rito. Kanya itong pinabulaanan at sinabing hindi ito totoo. Ngunit nahuli ko naman muli at sa pagkakataong ito, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, nawalan na ako ng gana, sawa na sa pagpapabaya niya, at ang kawalan ng respeto sa isa’t isa ang maituturing kong “final strand” until I call it quits.
Noong una, nalungkot ako sa pagkawala o hinayang sa nasayang na panahon. Pero ngayon, mas minabuti ko na lang na isipin na pagipunan ko para sa akin. Sa aking kalungkutan at pag-iisa, nakilala ko si Christy na mutual friend ng nakatrabaho ko rito sa abroad. Nakakausap ko lang siya sa gabi kapag tapos na ang trabaho, at sa harap ng isang computer, salamat sa teknolohiya ng makabagong panahon. Masarap siya kausap, kabiruan at kakwentuhan. Hindi ko namamalayan ang oras kapag kausap ko siya. Masayahin kapag masaya ako, dinadamayan ako kapag malungkot ako, iniintindi ako kapag nagkukwento ako ng pinagdaanan ko sa buhay. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng katulad niya, nag-aalala, umaalalay, handang makinig at umintindi, lahat siya ng mga bagay na hinahanap ko sa isang mamahalin. Naging malapit kami sa isat isa, kahit na may konting takot ako na mangyari muli sa akin ang nakaraan. Kinilala ko siya ng mabuti, at nakita ko sa kanya ang kasiyahan ko, peace of mind and contentment sa isang tao. At noong ikwento ko na ang mapait na nakaraan ko, at kung bakit hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya, dahil sa sitwasyon ko, ipinakita niya sa akin, na ang mas importante ay ang pagmamahalan naming dalawa.
Naging masaya siya dahil sa palagay na loob niya sa akin. Na ang nakaraan ko, ay tanggap niya na parte ng buhay ko. Nagpapadala pa rin ako sa aking ex-wife, na tumatawag lang tuwing katapusan ng buwan para itanong yung sustento para sa bata. Yung anak ko naman ay nahihiya nang kausapin ako, di hamak siguro sa mga bagay na sinasabi ng pamilya niya tungkol sa akin. Sana, balang araw, sa paglaki niya ay maintindihan niya ang lahat. Kasalukuyan kong ina-apply ang annulment case, para mapasawalang bisa ang aming kasal, at kahit na nagkausap na kami a few years back, alam kong ito na rin ang mas mabuti, para matahimik kaming dalawa, have a chance to find the one person who will make each of us happy. I know she found it. And I'm happy for her. Nagagawa niya ang mga gusto niya ng walang kumokontra. At ganun na din ako. I’m moving on. Nagsisimula muli. Picking up the pieces of this broken heart. Trying to find my way back into love. And I did. Because of Christy.
Masaya ako sa kanya. At gusto ko nang magsimula na kami ng aming buhay. Sana kapulutan ito ng aral, na hindi sa lahat ng pagkataon, ang pagsasama ng dalawang tao, ay hindi para sa convenience lamang. It has to be nurtured and planted with love from both sides on the onset. If not, not only were we lying to ourselves, but like two opposites, at war with each other, we are better off finding the other half we thought we had, who would ultimately appreciate us for our flaws and love us just the same or even more, for what we are. Just another guy, looking for love, and happy to have finally found it.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Meganun?.....joke....goodluck kuya....
ReplyDelete