Saturday, December 21, 2013

Shared by Miss Heba

I was 19 years old when I got pregnant by the father of my daughter. Let's call him Ryan, nung una ok pa naman hanggang sa nagsama kami sa bahay namin. My family was living abroad by that time and naiwan lang yung sister ko who is college student that time and our yaya so kami lang nasa bahay. Dun ko lalong nakilala si Ryan. Tamad, walang pagsisikap, barumbado, literal na hari na talagang pagsisilbihan mo. Away bati kami dahil sa patuloy nyang pambababae pero ang hindi ko talaga inaasahan yung pananakit nya. Buntis pa lang ako tinatamaan na nya ako. Madaling mag-init ang ulo at walang pasensya. Konting mali, my masabi ka lang ng hindi maganda nakapanakit na agad. dahil sa kagustuhan kong magkaroon ng buong pamilya ang anak ko, nagtiis ako. Naging denial ako sa pananakit nya. Bawat sapak, sipa at sampal nya sakin after naman kasi nun sinusuyo nya ako kaya naging denial ako, sabi ko magbabago pa sya o kaya baka nabubugnot na or dala ng pressure dahil sa malaking responsibilidad.

Hanggang sa makapanganak ako ganun pa din, walang pagbabago. Hanggang dumating ang panahon na makakabalik ako ng saudi para this time magkatrabaho naman. Salamat sa pamilya ko ng sinuportahan akong makabalik ng Saudi. Kinailangan pa namin magpakasal upang makapag-apply ng visa para sa anak namen pagsunod ni Ryan sa Saudi. Nabuo ang pamilya ko sa bansang silangan. Akala ko magiging ok na ang lahat at magbabago na ang asawa ko. Sabi ko bagong buhay, pareho na kaming may trabaho at buo pa rin ang pamilya. Akala ko ok na, hindi pala, lalong lumala ang pananakit ni Ryan sakin. This time sa harap na ng anak ko na nagkakaisip na at nandito pa ang buong angkan ko. Pinilit ko pa rin itago baka sakaling magbago kako kaso dumating na yung point sa sobrang bugbog sa akin nagising ang anak ko tumayo at niyakap ako habang umiiyak. Kinuha sya ni Ryan agad sa akin, sa takot ko akala ko sasaktan nya anak ko, kumuha ako ng pamalo sa kanya habang sinasabing ibaba nya ang bata. Laking gulat ko nung hinarang nya sa sarili nya yung anak ko nung akmang hahambalusin ko sya ng gitara. Laking gulat ko at takot. Dun ako natauhan. Hindi tao ang pinakasalanan ko kundi halimaw. Demonyo.

Nanlaban na ako, sa sobrang grabe ng away ng gabing yun, kinabukasan hindi ko na naitago sa opisina ang sarili ko. Putok ang labi, may pasa sa baba ng mata, may mga galos at kalmot sa mukha, maga ang pisngi, pasa sa katawan at sprained ang binti pati ang ulo ko na puno ng bukol at masakit dahil sa sabunot at kaladkad. Inuntog pa ang ulo ko ng makailang ulit sa sahig. Buti na lang at uso ang carpet dito kungdi baka namatay na ako. Hindi na kinaya ng make up ang mga pasa ko e. Mahirap nang itago hanggang sa nakarating sa magulang ko. Nagkaroon ng komprontahan, nagdeny pa ang asawa ko. Hindi raw sya ang may gawa at wala raw syang alam.

Ang sagot ng mommy ko, ano? Ginulpi nya sarili nya? At the end of the day, yun ang simula ng paghihiwalay namin dalawa. Umalis sya. Lumayas. Sa kabila ng yun, pinili kong mamuhay manatili sa sarili kong bahay, manahimik at manirahan kasama lamang ng anak ko. Gusto kong manahimik at ayaw ko pag-usapan ang aking nakaraan. Sa sobrang grabe ng trauma at depression ko humantong sa nagkaroon ako ng mental disorder na salamat sa Panginoon at sa tulong ng mga gamot at pati na rin ng anak ko ay nalagpasan ko naman. Nalulong ako sa trabaho ng mga panahon na yun. ang focus ko is trabaho at ang anak ko para maitaguyod ko sya mag-isa. Hindi nga pala nagresign ang asawa ko. Nanatili pa rin sa company nya. Sa kabila ng chismis at bali-balita nanatili akong tahimik, bahala na ang Diyos. Natanggap na rin ng lahat ng tao sa paligid namin na hiwalay na kaming mag-asawa. Maraming nanghinayang, yun yung walang alam ng totoong storya. Lumipas ang panahon na puro trabaho at anak ko lang ang inaatupag ko hanggang sa unti-unti na akong nakakabangon. Nag-excel din ako sa trabaho ko. Ang sipag ko daw, papasok ako ng 8am at madalas uuwi ng 8pm, hindi nila alam na pinapagod ko ang sarili ko para sa oras ng pagtulog at mahimbing akong makakapagpahinga.

Sa lahat ng yan meron palang taong pinagmamasdan lahat ng kilos ko, si Naif. Isa sa mga Sauding supervisor namin. Matagal ko na syang kaibigan, asawa ko pa ang asawa ko katrabaho ko na sya. Alam din siguro nya ang nangyari sa aking buhay. Nuong una, hindi ko binigyang pansin ang pagsuporta nya sa akin pagdating sa trabaho, ang pagdalaw -dalaw nya sa kwarto ko sa opisina at kwentuhan ng konti. Saudi kasi sya at never akong nagka-interest sa hindi natin kalahi at lalo na't saudi sya. Hanggang sa napansin ko na lang nahuhulog na ang loob ko sa kanya at tuluyan na talaga syang nanligaw. Nung una hindi ako sigurado dahil katutubo sya sa bansang ito baka kako gusto lang ng experience. Pero kilala ko sya nuon pa man at nakita ko kung papaano sya makitungo sa ibang babae dahil sa tiwala ko sa kanya sinagot ko sya. Ako na yata ang pinakamasayang babae sa mundo simula nung naging kami. Hatid sundo, everyday is special day, kabaliktaran ng buhay ko sa asawa ko. Para akong reyna na ubod ng ganda at kataas-taasan. Inalagay ako ni Naif sa pedestal. Binigay nya sa akin yung respeto na dapat para sa akin. At last, naramdaman kong may nagmahal sakin ng totoo pagkatapos ng mahabang panahon. Napakasarap pa lang magmahal ng Arabo. Tinanong ko sya "Bakit ako? Sa lahat ng babae sa paligid mo bakit ako? Bakit hindi nurse or bakit hindi ang kalahi mo? Hindi ako birhen na maipagmamalaki mo at hindi lang yun hiwalay ako sa asawa at may anak pa." Ang sagot nya sakin, hindi mahalaga sakin kung anong nakaraan mo, nakita ko kung gaano ka kabuting tao, hindi lang maganda ang iyong mukha, napakaganda rin ng puso mo at hinahangaan ko ang pagsisikap mong makabangon. 

Photo credit: Media webs
First time after ng matagal na panahon may nagpahalaga sakin. Nirespeto ako at minahal ng buo. Akala ko nuon wala na ako karapatan magmahal ulit dahil may anak na ako at hiwalay pa baka wala na kakong sumeryoso sakin. Salamat sa Diyos at may isang taong pinatunayan sakin na hindi lahat ng lalake ay sex lang habol. Sad to say, kung sino pa ang kalahi natin dito sa saudi yun pa ang sira ulo. Pinili namin ni Naif na itago ang relasyon namin sa kumpanya para sa ikabubuti namin dalawa. Maraming pagsubok, nandyan yung naglaban kami sa custody ng anak ko dito sa saudi, humantong kami sa korte at naipanalo ko naman pero isang araw sinugod ako ng ex ko sa opisina ko. Pilit nya akong kinaladkad upang magusap daw kami. Narinig ni Naif ang pagtatalo namin ng ex ko, ayaw na sana nyang makielam pero narinig nya akong umiyak at kasunod nun hatak-hatak na akong palabas ng asawa ko. Wala syang kaalam-alam na sisitahin pala sya ni Naif na ako'y bitawan dahil nasasaktan ako or kung hindi tatawag daw sya ng police. Haram dito sa saudi ang ganung gawain sa babae. Nagkabangayan sila at nagkahamunan ng pagkalalaki. In the end, tiklop ang ex ko. Sabihan ka ba naman ng saudi na, "bansa ko ito at ikaw ang mali, kayang kaya kong gawin ano man ang ginagawa mo kay heba!" sa laki ni Naif at sa galit nya umalis na lang si Ryan. After that never na nya akong ginulo. Akala ko ok tuloy tuloy na ang saya namin ng bago kong pagibig. hindi pa pala.
 
Simula nung sinimulan namin ang relasyon namin, meron akong concern na isinangtabi na lang muna namin dalawa yun yung pano kapag dumating ang panahon na pilitin na syang mag-asawa ng magulang nya? Pano na ako? Pano na kami? Hindi kayang tanggapin ng magulang nya na ako pinay, hiwalay sa asawa at may anak ay makakasal sa kanilang anak na binata. Sa kabila ng yun tinuloy pa rin namin ang relasyon namin sa kabila ng pagtutol nila sa relasyon namin, sikreto nga lang. Pero di bale na, ang mahalaga alam ko tunay nya akong mahal. Napakaswerte ko yun ang pakiramdam ko. Hanggang sa dumating ang araw na naramdaman ko na lang my bumabagabag na kay Naif. Tinanong ko sya kung ano yun ang sabi nya sa akin pinipilit na daw syang magpakasal ng magulang nya dahil sabik ng magka-apo. Meron na daw babaeng nag-aantay sa kanya. Naiyak ako nun. Nag-iyakan kami at nagmakaawa ako sa kanyang wag nya ako iiwan. Ang sakit Sis Jane. Perpekto na, he's my one true love. Hindi ko inaasahang magmamahal ako ng isang lahi nya. Tinatanong ko sarili ko nun, ano ba ito? Tikim lang? Tapos babawiiin ulit? Perpekto na e. Kasal na lang ang kulang. Magkasundo sa lahat ng bagay, support each other pati nga financial status alam ng isa't isa e. Magkatampuhan man hindi naman nagtatagal. Nagmamahalan kami ng totoo higit pa sa pagmamahal ko sa asawa ko. Nakatagpo ako ng soulmate ko sa puso ko si Naif yun.
    
Pero bakit ganun? Unti-unti kaming nagtatalo dahil naging praning ako sa bawat araw na umuuwi sya sa bahay nila nandun yung takot ko na baka my surprise engagement party na pala na hindi na makatanggi pa si Naif at mapasubo na lang sya. Kung anu-ano na naiimagine ko. Takot. Anxiety. Sakit tuwing naiisip ko ang bagay na yun.  Ayokong papiliin si Naif ako o ang mga magulang nya dahil alam ko ang aral sa Quran, walang kapatawaran ang pagtalikod sa magulang. Dumating din sa punto na inalok nya akong maging pangalawang asawa at syempre tumanggi ako! Kung ang saudi magpapakasal sa non saudi regardless kung arab or asian pa yan, kinekelangan pang mag-apply sa hari at kelangan ma-aproba ng hari, yan ang malupit na batas dito sa bansang ito at karaniwan, kapag ang lalake nag-asawa na ng babaeng pinili ng magulang, may karapatan na silang mamili o magdecide kung mag-aasawa ba sila ulit. 

Hindi ako pumayag na maging pangalawang asawa. Hindi naman yun ang kinagisnan nating mga pinoy. Ang sabi ko sa kanya "Bakit ako ang 2nd, ako ang mahal mo hindi sya, kaya dapat ako muna ang pakasalan mo. Ang 2nd wife daw ang importante kasi hindi na daw mag-aasawa ng pangalawa kung mahal ang una. May katwiran nga naman pero hindi ko pa rin kaya pero hindi ako bumitaw. Kapit lang ng mahigpit yun nga lang unti-unti na palang rumurupok yung pinanghahawakan ko. Tuluyan nang nawalan ng lakas ng loob si Naif. Ayaw raw nya akong masaktan pagdating ng panahon na mag-aasawa sya. Tanggap na raw nya ang kapalaran nya na isang araw kelangan nyang magpakasal sa kalahi nya. Alam mo kung ano matindi? Sabi ni Naif, walang kwenta kung sya ang mamimili kahit saudi din hindi pa rin papayag ang pamilya nya dahil ang gusto ang nanay lang ang mamimili para sa kanya. ganyan kalupit at katindi.
 
Unti-unti nararamdaman ko bumibitaw na si Naif. Tinanong ko sya, ang sagot nya sa akin mas mabuti pa daw na wag na namin ituloy yung relasyon namin para sa ikabubuti at para hindi ako lalo masaktan. Ang sakit, hindi ako pumayag. Lumaban ako kasi alam ko mahal nya ako. Ang sabi ko sabihin mo in my face yung salitang hiwalay na tayo saka kita pakakawalan pero hindi nya kaya. It means mahal nya ako di ba? Araw-araw ko syang kinakausap dinadasalan na isang araw magiging ok ang lahat. Sinusubukan kong patibayin ang loob nya at wag sumuko pero wala talaga e. Kahit araw araw kaming umiiyak pareho, wala na. Unti-unti hindi na nya masyadong sinasagot ang text at tawag ko. Ayaw na nya makipagkita sakin kahit nagmamakaawa ako. Nataon pa na lumipat na sya ng kumpanya kung saan manager na ang bago nyang position. Ang sakit sobra. Nagdesisyon akong lumayo. I deactivated my fb and changed my number. Gusto ko makalimot, nawalan ako ng pag-asa. In the 2nd time around, heto na naman ako, lugmok na lugmok mas lugmok pa kesa sa una. Talagang dinamdam ko yung paghihiwalay namin. Napilitan akong lumipat sa magulang ko dahil bumagsak ang katawan ko. Ok ako sa buong araw pero pagdating ng gabi kung kelan nag-iisa ako nandyan yung humahagulgol, sumisigaw ako sa sakit ng nararamdaman ko. Walang katumbas na sakit para akong namatayan ng mahal sa buhay na alam ko kahit kelan hindi na babalik. Nawalan ako ng ganang mabuhay. kung hindi dahil sa anak ko hindi na muli ako ngingiti hanggang sa nagpadestino ako sa ibang lugar sa kabilang city. Ilang buwan nang nakakalipas pero sariwa parin. Kung ano ang iyak ko nung mga unang araw ganun pa rin ang iyak ko tuwing naaalala ko. Wasak na wasak ang puso ko. 

Dumaan ang higit kalahating taon. Sabi ko, ok na ako, kaya ko na syang harapin ulit. Mas matatag na heto na yung pinakahihintay kong sandali. Tinawagan ko sya hindi nya alam ang numero ko kaya tinanong nya kung sino ako. Hindi ko binanggit ang pangalan ko bagkus tinawag ko sya sa tawagan namin. Napa-ha pa nga sya sa pagkabigla kaya inulit ko. Sa wakas, nabosesan din nya ako. Magiliw nyang binanggit ang pangalan ko at kinamusta. Nabigla rin ako. Nagkamustahan kami sabi nya miss na miss na nya ako at ang tagal kong nawal na alalang-alala sya sa akin ni hindi daw nya alam san ako hahanapin ang tangi lang daw nyang nagawa is abangan ako sa tapat ng bahay ko. Nagulat ako, naiyak ako ulit bigla ko naramdaman yung sakit ng pag-iwan nya sakin at the same time yung saya dahil nag-kausap kami. nagpaliwanagan kaming dalawa, nagsabi ng pagkasabik sa isa't isa. tinanong ko sya kung naikasal na ba sya or na engage na ba nuon kasi tuwing tinatanong ko kung naengage sya ng hindi ko alam hindi nya ako sinasagot. Hindi na raw importante yun, kaya ganun kasakit sa akin dahil tumatak sa isip ko na naengage sya at nakasal pero this time nung tinanong ko sya direcho ang sagot nya na hindi. Never.

Wednesday, December 4, 2013

Shared by Miss Anony Mous

Mayroon akong gustong ibahagi na kuwentong puso pero masaya. Ah sa umpisa masaya, tapos malungkot, tapos masaya na ulit. Baka makapagbigay ng pagasa sa mga sawi at manumbalik ang tiwala at paniniwala nila na mayroon naman talagang "...and they lived happily ever after". May twist nga lang.

Bata pa ako nang magasawa. Nobyo ko siya noong 18 years old pa lang ako. Hindi sa pagmamayabang pero sa dinami dami ng manliligaw ko noon, siya talaga ang nagustuhan ko. Lalakeng napaka-gentleman, 'yung tipong kapag nakatayo ka ay hihila ng upuan para paupuin ka, kapag tatawid sa kalye nakaakay sa siko, hindi lang pinto ang kaya niyang buksan para sa'yo, pati bote ng Coke, lumilipad ang "po" at "opo" kapag may matandang kausap, at madami pang katangiang makalaglag panty sa pagkagentleman. At napakabango pa - Hindi amoy pabango ha, amoy natural na amoy baby.

Tatlong taon kaming magkasintahan bago kami nagdesisyon magpakasal sa huwes. Nagbuntis ako sa panganay ko noong 21 years old ako. Sa umpisa parang napakasuwerte ko. Malaki ang bahay na tinirhan ko, may pera ang pamilya ng asawa ko at maayos ang mga biyenan ko. Pero ang problema ay unti-unti kong nakita habang nagsasama na kami. Napakaseloso pala niya. Madami siyang ipinagbawal. Sa ganda ng legs ko, hindi pwedeng makita ito ng kahit sino. Bawal makita ang tuhod, siko at batok ko dahil "akin lang lahat 'yan" sabi niya. At kapag sumuway ako, mananakit siya. Isipin mo sa gitna ng tag-init kailangan nakaMaong at naka Turtle Neck ako! Sa beach ha! Ang pinakamalala ay kapag nakainom na siya, para bang nakakalimutan na niya kung sino ako, na babae ako, na wala akong laban sa mga pananakit niya. Madaming beses na nakakulong lang ako sa kwarto sa hiyang makita ng ibang tao ang black, blue at violet kong mga mata. Kulang na lang kumpletuhin ang mga kulay sa bahaghari para masabi kong "there's a rainbow in my eyes." Buti din sana kung contact lens ang nagbigay ng kulay sa mga mata ko pero hindi, kamao niya ang dahilan. Kahit pa ano ang kalagayan ko, kahit pa buntis ako, nabubugbog ako, nakukulong, nasasampal sa mga kaunting pagkakamali gaya ng nakalimutan kong magabot ng tuwalya sa kanya noong naliligo siya. 
Araw-araw din siyang lasing. Alcoholic. So halos araw-araw, ganoon ang buhay ko. May magsosorry sa akin sa umaga - okay kami maghapon - bugbugan sa gabi. Pakitang-tao lang pala ang pagiging gentleman niya. Mabango lang pala sa labas pero umaalingasaw sa baho ang ugali. Pero mahal ko eh, nabuntis pa nga ako ulit sa pangalawa kong anak noong sumunod na taon.
Totoo pala ang sinasabi nila na kahit gaano katalino ang isang babae, mas madalas kaysa hindi, ang pagmamahal ay nakakabobo. Achiever kasi ako noong bata pa. Laman ako ng stage para tumanggap ng mga medalya sa academics at sports. Nakapagtapos din ako sa isa sa mga kilalang Unibersidad sa Maynila. Kaya madaming hindi makaintindi kung paano kong hinayaan ang sarili kong maltratuhin ng taong dapat sana ay siya ang magprotekta sa akin sa sakit na dulot ng mundo. Pero siya ang naging mundo ko, at siya ang nagdulot ng sakit sa akin.

Isang gabi na may parehas na routine, sa gitna ng paguntog ng asawa ko sa ilong ko sa dingding, nagising ang panganay
Photo credit: Charles J. Orlando
kong dalawang taong gulang na noon. Nakita niya na dumudugo ang ilong ko at pumutok na noo ko. Matalino ang anak ko at sigurado akong kahit musmos pa siya may ideya na siya kung ano ang dapat at hindi. Tumakbo ang bata at niyakap ang binti ng asawa ko sabay sinusuntok niya "Don't hurt my mommy!" Dito ako natauhan. Siguro malakas din masyado pag kakauntog sa akin kaya natauhan ako. Pero ang naisip ko lang noon, ayaw kong lumaki ang mga anak ko na para bang normal na makita nilang pinapapangit sa bukol ng tatay nila ang nanay nila. Hindi ko alam kung paano pero nang marealize ko na sobra na ang dinadanas ko bigla akong lumakas at parang nagka-Superpowers ako. Sa kaunaunahang pagkakataon, lumaban ako. Ang ending ng gabing 'yon? Dumugo din ang ilong ng asawa ko at siyempre pa pumutok din ang noo niya. Madami din siyang tinamong pasa at bugbog sa katawan. Totoo pala na "your children will give you strength" pwede palang physical strength 'yon.


Lumayas kaming magiina ng gabing 'yon. Kinailangan ko pang antayin makatulog ang asawa ko. Ang nabitbit ko: Dalawang bata at isang bag. Nakitira muna kami sa isang kaibigan na binigyan din ako ng pamasahe para umuwi muna sa probinsiya. Sa dose oras na biyahe sa barko pauwing probinsiya, hindi ko na makuha pang umiyak, Abala na ang isip ko sa pagpaplano ng buhay namin mag-iina. 'Pag dating doon, iniwan ko ang mga bata sa nanay at tatay ko kasabay ang pangakong babalik ako matapos ang isang taon. Kung anong sakit ang nadanasan ko sa asawa ko, lahat ng 'yon ay balewala pala sa sakit na naramdaman ko nang kailangan kong iwan ang mga anak ko sa mga magulang ko para lang makapagumpisa ulit. Kailangan ko bumalik sa Maynila para maghanap ng trabaho. Dala ang ticket sa barko, 500 piso at balde baldeng luha, lumuwas ulit ako pabalik ng Maynila.
'Pag dating sa Maynila, wala akong matirhan. Takot akong makitira sa kamaganak dahil alam kong madami akong maririnig. Isa pa, kilala ko sila, madalas kaysa hindi, mas pinakikisamahan nila ang pera kesa sa tao. Mabuti pa sa Luneta na lang matulog, walang nakakakilala sa'yo, walang manghuhusga sa mga naging desisyon mo. Kapag naiisip ko ngayon na natulog ako sa Luneta ng tatlong araw, nagpapasalamat ako na walang nangyaring masama sa akin doon. Natuto din akong maging malungkot kapag umuulan. Madaming tao ang natutulog lang sa karton at kapag bumuhos ang ulan, halos hindi makatulog ang mga tao doon dahil kailangan nilang tumayo para sumilong.

Madami akong naging trabaho, mula sa pagiging checker kung saan babantayan at bibilangin kung ilang kahon ang naikarga sa truck; tagatimpla ng kape at tagatiis sa mabahong hininga ng boss kong hindi kilala si Colgate; sekretarya sa isang Lending company; alila ng isang abogado at kung ano ano pa. Dahil lahat ng pera ko ay ipinapadala ko sa mga anak ko, kulang talaga.
Hanggang sa narinig ko sa isang kaibigan na nagsabing subukan ko mag-apply sa isang call center. Noong mga panahong 'yon, hindi pa masyadong alam ng iba kung ano ang call center. Kaya nang matanggap ako sa isa, pinagusapan ako ng mga housemates ko na ang duda nila ay isa akong pokpok. Nagtatrabaho sa gabi, umuuwi sa umaga. Pero wala akong pakialam, basta ang alam ko, mula sa 500/week na sahod ko sa mga maliliit na kumpanyang pinasukan ko, naging 12K/month++ ang sweldo ko sa call center. Pakiramdam ko biglang yaman ako!

Sa loob ng kalahating taon na nagtatrabaho ako sa isang call center sa Makati, napromote ako bilang TL. Akala siguro ng boss ko napakasipag ko. Aba 'pag dating niya sa opisina andon na ako, ako din ang huling taong makikita niya kapag uwian na. Ang hindi niya alam, ayaw ko lang talaga umuwi kasi maalala ko ang mga anak ko at iiyak lang ako. So sa opisina na lang ako, nakaAircon na, may libreng Iced Tea pa! Libre na din ang renta kasi nagTNT ako sa opisina at ginawa kong bahay ko ang entertainment room.
Nakaipon ako at nakakuha ng maliit na apartment. Dahil may posisyon na ako, at tama na ang sweldo ko, kinuha ko na ang mga anak ko. Natupad ko ang pangako kong babalikan ko ang mga bata sa loob ng isang taon.

Habang nangyayari lahat ng ito, may masugid akong manliligaw. Dahil patay na patay siya sa akin, araw-araw niya ako sinusundo sa bahay para ihatid sa opisina. Pero kapag uwian na, imbes sa bahay niya ako ihatid, sa simbahan sa Quiapo ako nagpapababa para magmakaawa kay Lord ng lovelife. Simple lang naman ang hinihingi ko: Isang lalakeng patay na patay sa akin. Kapag ganon kasi, sigurado akong hindi ako sasaktan.

Alam ko din na sinagot Niya ang hiling ko. Wala naman sigurong lalakeng titiyagain ako na parang driver ko na at lahat ng sabihin ko susundin pa. At napakabait ni Lord ha! Ang dami kong bonus: Bukod sa patay na patay ang lalakeng 'to sa akin, matalino, nakatapos at may Masters pa, galing sa disenteng pamilya, madaming pangarap sa buhay. Higit sa lahat mahal na mahal niya ang mga anak ko na para bang kanya. At ganoon din ang buong pamilya niya. Siyempre, aarte pa ba ako? Baka mainis si Lord sa akin at pitikin na naman ako eh sawa na ako sa buhay na baha ng luha. Sinagot ko siya.

Kasabay ng pagpromote sa akin, sa pinakamataas na posisyon na kaya ng isang Pinoy sa isang call center, ay ang matiwasay na lovelife. Nakapagtayo na din kami ng asawa ko ngayon ng sarili naming kumpanya at ika-12 taong anibersaryo na naming dalawa sa susunod na linggo. Na-Annul na din ang kasal ko sa una at nakapagpakasal na ako sa pangalawa. Kapag binabalikan ko ang lahat ng hirap na naranasan ko, naiisip kong kailangan pala talaga na dumaan ako sa ganoon para mas mahalin ko ang sarili ko at mas bigyan ko ng halaga lahat ng bagay na mayroon ako, maliit man o malaki.

Minsan habang nagdadrive sa tatlong oras na maulang traffic sa EDSA ang nasambit ko lang: "Lord salamat at may kotse ako, hindi ako nababasa. Bilang kapalit hahabaan ko pa ang pasensiya ko." Dati kasi, dahil laging kulang ang pamasahe ko, nang1-2-3 ako ng mga bus, tulugtulugan o kaya baba na agad ako bago pa lumapit ang konduktor. Nakakatuwa din isipin na dati, kapag lilipat ako ng bahay, lahat ng gamit ko kasya sa isang taxi, ngayon kailangan ko ng limang trak para ilipat lahat ng gamit ko. Malulusog ang mga anak ko at walang stigma ng broken family. Salamat sa lalakeng patay na patay sa akin at iningatan niya at ng pamilya niya ang damdamin at pagpapalaki sa mga anak ko.
Pero alam na alam ko din na lahat ng materyal na bagay ay walang saysay kung hindi ko mas bibigyan ng halaga ang sarili ko at ang mga tunay na mahahalagang tao sa buhay ko. Alam kong kaya lang naman ako naging ganito ay dahil sa hindi ko tinanggap na hanggang doon na lang ang kwento ko. Tumanggi akong magkaroon ng sad ending. Higit sa lahat, alam kong may Dios na nakakaalam kung ano at paano ang nararapat sa ating lahat. Madalas kasi, hindi lang natin nakikita pero may mga kailangang mangyari sa mga buhay natin para din sa ikauunlad natin.
Naniniwala ako sa happy endings. Naniniwala ako na madami pa akong pagdadaanang pagsubok. At naniniwala din ako na dahil praktisado na ako, malalampasan ko din lahat. Sana. 'Di bale, kapag 'di ko na kaya, andiyan naman ang simbahan ng Quiapo. May lalake namang patay na patay sa akin para ihatid ako doon.

Wednesday, October 23, 2013

Shared by Miss JC

Naalala ko, last time na nagsend ako ng message sayo, na mention ko na wala akong problema talaga, at gusto ko lang mag thank you kasi sobrang natutuwa ako kung paano ka mag extend ng tulong sa mga followers mo, mapa personal man na problema o love life man nila.

Anyway po, kaya po ako napa sulat ulit, gusto ko lang po ishare yung odd and weird pero unique relationship namin ng boyfriend ko. I'm 23, and he's 25 po, at more than 3 years na po kami, pero putol-putol lang (as dubbed by my mom). Kasi, naghiwalay na kami minsan, pero ikino-consider pa rin namin yung 7 months na yun as part ng 3 years namin.

We actually started as friends. Sabi nga minsan sa Church, "friendship is the foundation of all relationships". Kaya aside sa pinaniniwalaan ko yun, pinanghahawakan ko rin iyon sa relasyon namin. Marami po ang nagsasabi, sobrang kakaiba daw yung relasyon namin. Aside sa fact na, madalas ang argumento at away-bati namin, first bf/gf din namin ang isa't-isa. At pareho din kaming virgin. Marami siguro ang magtataas ng kilay at magsasabi ng "ows???", "weh?", "di nga?!", "mukha mo!", 'sinungaling!", "Lokohin mo sarili mo". O kaya, paano ko naman nalaman?! Marahil, kung mag rereact na naman ang bf ko, sasabihin na naman niya ang paborito niyang linyang; "Anong akala mo sa akin? Di na ako virgin? Excuse me, nakakawala man ng pagkalalaki pakinggan, virgin pa ako no!" -and I admit, kinikilig ako pag nakikita ko sa kanya kung paano niya pahalagahan ang purity at marriage. Yun kasi yung simplest way niya para iparamdam niya sa akin kung gaano niya ako nirerespeto.

Pero Ms Jane, pasensya na, introduction pa lang yun. Ang isha-share ko po kasi talaga, ay yung madalas naming (actually ako lang talaga) paghahamon sa isa't isa ng pakikipaghiwalay.
Kung iiscore-an lang naman kaming dalawa, ako na ang panalo, champion pa! Pero, sa dinami-dami ng beses na naghamon ako, wala dun ang nagkatotoo. Pero siya, 2 beses lang siya naghamon, tinotoo niya. First yung naghiwalay kami, second, recently lang. Ang nakakainis, nag-away kami dahil sa design niya na sinabihan kong pangit - opo alam ko, mali po ako. Kasi natapakan ko yung ego niya, tsaka most of the time na-a-under ko siya. Nung sinabi niya na napapagod na siya sa relasyon namin, YUNG TOTOO? Sabi ko, "EDI SIGE! AKO RIN PAGOD NA!" Sabi ko kung dun siya masaya, EDI GO!

Pero sa text lang yun. Ang tapang ko noh? Pagka-enter ko ng send button, humagulgol ako sa iyak. Alam mo yung iyak ni Ryzza sa dingding? Exaggerated masyado yun, hindi naman po masyadong ganun. Wala namang kamay sa taas ng ulo, pero ganun na rin, kuhang kuha. Parang tanga lang po ba ako? Sumagot siya na hindi pa naman daw siya ready. Ang sa kanya lang, napapagod na daw siya kasi lagi kaming nag-aaway. Baka daw gusto ko ng space o cool off. Sabi ko, e dun din papunta yun!
After a while, nagtext ako ulit, medyo pinipigilan ko siya pero not in an obvious way. Nilalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaibigan kong nasa abroad. Ayokong magshare sa mga kaibigan ko dito, kasi dumating ako sa point na mas pinili ko si bf kesa sa kanila. In short, hindi pa po official na wala na kami.
Ma-pride ako noh? Tanga na ma-pride pa.

Dumating kami sa point na nag-uusap pa rin thru text, as friends, kalmado, pero ramdam na may gap sa amin. (Huwag kayong atat, 3rd day lang ito after nung huling usapan namin). Tinanong niya ako kung alam na ba ng parents ko. Tsaka kung galit ba sa kanya ang mga kapatid ko. Ako naman po, naisipang mag ala "trial and error", ang sagot ko, "alin, na hindi na tayo?". Kasi diba di pa official na wala na kami dahil di pa daw siya ready, sabay nagtanong siya ng ganoon, kaya po yun ang sagot ko.
Sabay ang sagot niya, "Oo... Gusto ko ngang magkita tayo para magusap." For closure ba ito?! Grabe.
Nakakaiyak po pala mag trial and error! Akala ko nakakasakit lang ng utak yun pag ina-apply sa math! Masakit din pala yun sa puso pag sa pag ibig inapply!

Ayun, humagulgol na naman ako. Di ko na po natiis yung emosyon ko. Sumabog po yung galit ko. Sabi ko, nandun na rin lang kami, isusumbat ko na sa kanya lahat. Hanggang sa sinabi ko, ang sama sama niya! Gusto ko siyang patayin! Napakasama niya! Kasi nung ako yung nakipaghiwalay, di siya pumayag. Tapos ngayon, FOR THE SECOND TIME AROUND, siya na naman ang nagwagi! Siya na naman ang nakipaghiwalay. Talunan na naman ako. Sabay sabi niya, wag na daw muna kami magkita (natakot ang lolo mo?!?). Pagka kalmado na daw ako. Dun na lang.

Pinakalma ko yung sarili ko. Tinext ko si mama na hiwalay na kami tsaka na makikipagkita ako sa kanya. Ang sagot ni mama, dahil ba sa design niya na sinabihan kong pangit? Kasi yun nga ang huling pinag-awayan namin. Sinabi ko po kay mama yung dahilan. Pag-uwi daw ni mama, mag-uusap kaming dalawa. Nag-ayos ako, habang kachat ko yung kaibigan ko, sinabihan niya akong huwag magdadala ng anything na matulis o nakakasakit na bagay. Baka kasi mabalitaan na lang niya nakakulong na ako. Ang sarap ng pakiramdam pag may kaibigan kang medyo baliw. Napapangiti ka ng wala sa oras, at napapagaan talaga ang loob mo.

Nagkita kami. Nasa malayo pa lang siya, nakita ko sa mukha niya na depressed siya. Nasabi ko na lang sa sarili ko; "Grabe, ito ba yung iniiyakan ko? Wow ha, ang pangit naman nito! Bakit ba ako nagkagusto sa pangit na ito in the first place?!" Hindi naman ako kagandahan, pero siguro another way din yun sa akin para maboost yung confidence level ko. Sobrang atat na ng kamay ko na dumapo sa makakapal na pisngi niya. Pero buti na lang napigilan ko. Wala kaming imikan nung una. Kaka pamedical lang daw niya. Inisip ko kung may sakit ba siya kaya siya nakikipaghiwalay o may offer na trabaho sa kanya, kaya nagpamedical siya. Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan niya. Pinilit kong maging composed at kalmado. At magsalita ng mahinahon. Ang tahimik niya. Hanggang sa sinabihan niya ako na hindi niya daw ineexpect na magiging kalmado ako. Ni-remind ko siya na galit ako at gustong-gusto ko siya patayin kasi paasa siya, tinanong pa niya ako dati kung gusto ko ring magpakasal sa kanya. Na hihintayin niya daw ako kung kelan ako ready. Sabay pagod na. Grabe. Nung sinagot-sagot ko siya, tinaas ko at iwinagayway ko ang bandera ng mga babaeng niloko ng mga sinungaling, manloloko, G at T na lalaki sa mundo!

Natahimik siya, sabay tanong kung pagkatapos ba ng pag-uusap namin, magkaibigan pa rin kami, magkikita pa ba kami, pwede pa ba kaming mag-usap? At ang sagot ko, isang malaking HINDI! Paano kako ako makakapag move on? At pagkatapos ng ginawa niya, ang lakas ng loob niya at ang kapal ng mukha niyang mag expect ng ganon! Tinanong pa niya, kung kahit sa facebook man lang, baka pwede kaming maging friends. Sabi ko hindi. Ibablock ko pa siya at icoconsider na spam!
(Nakakaramdam ako ng standing ovation sa mga kababaihang niloko ng mga lalaki).
Pero bandang huli. Sinabi ko na yung lolo at lola ko, more than 50 years na sila. At tabi pa rin sila matulog. At pag natutulog sila, nakadantay yung kamay ng lolo ko sa bewang ng lola ko. Hindi rin perfect ang relationship nila. Mas grabe sila mag-away. Maliit o malaking away, meron sila. Quotang quota nga sila sa away araw araw. May murahan at maaanghang na salita pa. Pero at the end of the day, tatawanan na lang nila yung mga sinabi nila at pinag-awayan nila. Kasi they're used with it. They just accepted the fact na parte na talaga yun ng daily routine nila at walang naiiwang grudges sa bawat isa. Walang wala yun sa mga pinagdaanan nila all through those 50 plus years na magkasama sila. It doesn't matter kung gaano kayo katagal. what matters most, is ready kayong dalawa na harapin yung mga pagsubok sa buhay niyo ng magkasama, na kahit nagtatalo nag aargumento, ang tanging mindset niyong dalawa ay maging magkasama kayo hanggang sa kahuli-hulihan.

Lastly, sinabi ko sa kanya na kaya ako nakipagkita sa kanya, kasi kahit na alam kong wala ng kapaga-pag asa para isave yung relationship namin, nagbaon pa rin ako ng kaunting faith, na sana uuwi ako na okay kami ulit. (Ang mga nagsipalakpakan na nag standing ovation kanina, binabato na ako ng bulok na kamatis). Speaking of spam, sabi ko gutom na ako. Gusto ko na umuwi. Kasi tapos na rin naman yung usapan namin. Nasabi ko na yung dapat kong sabihin. Tinanong niya kung pwede daw kaming sabay kumain. Nakayuko ako at tumango lang. Deep inside, nagdurugo ang puso ko. Sa kabila ng mga sinabi ko, grabe, walang biro, naiiyak ako. Yung feeling na "ayan na, ayan na". Konting kurap na lang mawawala na kami sa buhay ng bawat isa.

Tumayo ako tapos ako yung naunang maglakad. Tahimik lang siya. Habang naglalakad, tinanong ko siya pero nangingilid yung mga luha ko. Sabi ko, edi ibabalik ko lahat ng binigay niya sa akin, kesa naman ibenta o itapon ko. Lumalapit siya sa akin. Parang may magnet na naghahatak sa kanya papunta sa akin habang naglalakad kami, pero todo iwas ako. Naiiyak na ako. Nung sinabi kong, "Di ba usapan natin, pag maghihiwalay tayo, dun sa Uncle Cheffy sa MOA, kasi maganda ang ambiance dun tska malakas ang hangin." Sabay tawa ako sarcastically.
Bigla niyang kinuha yung dala ko, tapos hinawakan yung kamay ko. Nagingilid yung luha niya, tinanong niya ako kung pwedeng magback out. Ayaw na daw niya ituloy. Gusto niyang maging katulad din kami ng lolo at lola ko.

Emerghed.(<<---ano ibig sabihin nyan -Jane)

Credit: Doblelol.com
Naiiyak ako nun, pero nag-aalanganan ako. Pero honestly, kinikilig din ako.
Tinanong ko siya kung sigurado ba siya? Kasi wala ng bawian yun. Nakakahiya man, pasimple niya lang akong hinug, yung mabilis lang. Di na rin niya binitawan yung kamay ko.
Nung kumakain kami tinitingnan niya lang ako. Sabi niya, maswerte daw siya sa akin, habang ako, malas daw sa kanya. Sabi ko, BUTI ALAM Mo! Sabay bawi. Sinabi niya sa akin na kaya siya nagpamedical, may job offer daw siya sa Clark. Kaya baka every Sunday na lang daw kami magkita.
Dun ko na realize na baka kaya siya ganon. Paranoid o natatakot sa LDR. Ayun. Tapos hinatid niya ako pauwi. Tinatawanan kami ni mama, kasi okay na kami. Pero alam mo Ms. Jane, after nun, mas naging okay kami, tska mas nararamdaman ko kung gaano niya ako ka love.

Sa mga may pinagdadaanan ngayon sa relasyon, isipin niyo na lang yung lolo at lola ko. At samahan niyo ng prayer. Daig pa ng prayer ang kisspirin at yakapsul.

Friday, October 18, 2013

Shared by Miss Mira

One of my friend advised me to search your name, sabi nya hanapin ko daw name mo sa facebook makakarelate daw ako sa mga stories dun and she even told me na baka dyan ko pa daw mahanap Mr. Right ko sabi ko, ngek medyo malabo yata yun. Actually, di ko sya pinansin at natawa lang ako sa sinabi. Ma-emosyon kasi akong tao kaya minsan iniiwasan ko magbasa ng mga story na may kinalaman sa pag ibig hehehe, bumibigat dibdib ko lalo...

Until one day, para akong nakaramdam ng self pity at nakaramdam ng bigat sa dibdib ng di ko talaga alam ang exact reason, bigla na lang akong naiyak. Hindi pa naman siguro ako nababaliw nun noh? Para ma shift ko sa iba yung nararamdaman ko I decided to search your name and then I started to follow you.

Parang bigla kong naisip na mag share din ng kwento ko. Ang sobrang masalimuot kong kwento. Sabi nga ng mga kaibigan ko pang Maala ala mo daw kaya ang buhay ko... bakit di ko daw ipadala since birth hanggang married life ko.

Anyway, here's my story. medyo natagalan bago ako natauhan...sabi nila masyado daw akong mabait sa ginawa ng asawa ko sa akin. Pero kahit naman kasing anong gawin ko, nangyari na eh, alangan naman lalo pa akong magpa kabitter.

I met my Ex husband ( not yet legal na EX) when I was in 4th year college. Actually he is the brother of my college friend, my BFF. Hindi naman love at first sight ang nangyari sa amin, nadevelop na lang ang feelings ko kasi nga close ako sa family nya dahil na rin kapatid sya ng BFF ko at di ko na din pinatagal ang panliligaw nya. After my graduation, he decided to work abroad kaya naging LDR kami for almost a year. After a year, bumalik sya ng Pinas at yun nga nagpropose po sya na magpakasal na kami. Hindi muna ako pumayag magpakasal kasi that time kakalipat ko lang sa new company at medyo to the highest level ang stress at demand sa work ko. At may mga kinakatakutan pa ako sa salitang kasal. Parang di ko pa yata kaya, dami kong tanong sa sarili ko. Tsaka matagal din kaming naging LDR kaya sabi ko need ko muna syang makilala ng husto talaga. But after a while, we've just decided na mag livein na lang muna, and it lasted for a year before we decided to get married.

A short background muna about my life... I belong to a broken family and never felt to belong... I mean di ko talaga alam kung ano ang pakiramdam ng may masayang pamilya. Ang mama at papa ko, may kanya-kanya na silang pamilya pareho. Lumaki ako sa lola ko, at nakitira at nakisama sa hindi kamag anak para makapag aral, kaya sobrang pinagbuti ko ang pag-aaral ko, consistent honor student ako, kung sinu sino hinihila ko para lang may magkabit ng medal sa bawat parangal na ginagawad sa akin. Mabait naman yung nagpaaral sa akin pero syempre need kong makisama at tumulong sa mga gawaing bahay ( teary eyes... those were the days...) Nung mag college ako, nagmigrate na sa America yung nagpapaaral sa akin. Kaya sabi ng lola ko, pumunta ka sa mama mo para makapag aral ka ng college. Wala akong choice kundi pumunta ng Maynila at iwanan ang lola ko, kailangang kong makatapos kasi dami akong pangarap. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Pagdating sa Maynila, I never felt that I belong, I live my own. Pero ok lang basta aral lang akong mabuti. Pero kailangan ko pa ding makisama at tumulong sa mga gawaing bahay. May times pa na pinalayas ako ng step father ko, kung kani kaninong friend ako nakatira at nagworking student ako para lang makapag aral.

In short, sobra akong nag struggle sa buhay, sa buhay na walang pamilya na nagmamahal sa akin. I really tried hard na kayanin ang buhay mag isa, ng walang pamilya na nakapaligid sa akin. Lalo kong naramdaman ang mag isa nung mamatay ang lola ko. Kasi sya ang inspirasyon ko eh. Nag aral akong mabuti, naghanap ng magandang trabaho kasi gusto kong makaramdam ng ginhawa, kasi sya ang buhay ko eh. At sa awa naman ng Diyos, nakapasok ako sa magandang company pero nakakalungkot lang kasi di na yun nakita ng Inang ko. Naku kung narrate ko ang buhay ko, baka bumaha ng luha sa sobrang dami kong pinagdaanan bago ako nakarating sa kung san man ako ngayon.

So, I'm really longing for love... for a family...! Kaya nga di ako nagpakasal agad kasi I want to make sure muna na sya na ba talaga kasi ayaw kong matulad ako sa parents ko. Sabi ko, pag nag asawa ako sisiguraduhin ko na di ako magiging broken family. At pag nagkaanak ako, hindi nya mararanasan ang naging buhay ko. Ang lahat ng hirap at pasakit na pinagdaanan ko. But sad to say, kahit anak wala ako. Sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko at naramdam ko naman na ganun din sya sa akin. Sa kanya ko naramdaman na kumpleto ako. Na deserve kong mahalin at magkarun ng pamilya. Kaya nung maging kami ng asawa ko, sya ang naging sentro ng buhay ko, ang pamilya ko. Naramdaman ko na di ko kayang mawala sya sa buhay ko kaya after a year na live in kami, we have decided na magpakasal na. I can say na our married life was so perfect. Umikot ang mundo namin sa isa't isa. " Sabi nga ng mga malapit sa amin, " MAY SARILI KAMING MUNDO". Kasi masaya kami kahit kaming dalawa lang. Masaya ang buhay namin mag asawa syempre may kaunting misunderstandings din but mostly, pity quarrels lang.

Almost 2 years kaming nagkasama bilang mag asawa nang dumanas kami ng financial crisis pero sa totoo lang wala naman kaming dapat sisihin kundi kami lang din. Pareho kaming may trabaho. Sa isang malaki at kilalang company dyan sa pinas ako dati nagtatrabaho with good salary and benefits. Kaya wala kaming problema sa pera, kasi may trabaho din naman sya though mejo mas ok talaga ang work at kita ko, never naman naging issue sa amin yun. Dahil nga masasabi ko na ok ang buhay namin... Hanggang sa nawalan sya ng trabaho sa pinas. More than half a year din syang naging tambay, nag try naman talaga syang maghanap ng work pero nahirapan sya kasi under graduate din sya. Sobrang nahihiya na daw sya sa akin. Wala naman kaso sa akin but he still insisted to work abroad. Until, nakahanap syang work sa KSA, dami naman syang kamag anak dun kaya hindi ako nag worry.

Nasanay ako sa buhay na sya ang kasama ko, sa kanya umikot ang mundo ko kaya para akong mababaliw na malayo sya sa akin. Kaya nagdecide kami na sumunod ako sa KSA kaya nakiusap sya sa boss nia na baguhin ng family status ang visa nya para makakuha sya ng visa for me. Until one day, nakausap ko ang kaibigan ko na working sa UAE. Ask nya ako if want ko mag visit visa dun. Kinausap ko asawa ko sabi ko magvisit visa na muna ako sa UAE, kung aling visa ang mauna. So in short, I sacrificed my work in the Philippines para lang magkasama kami agad. Nagvisit visa ako sa UAE, ang usapan namin kung makakuha ako ng magandang work sya ang lilipat sa UAE pero kung mauna ang visa ko sa KSA, susundan ko sya dun. Ginawa ko yun para magkasama kami, sacrifice to leave my job for him. Kahit mahirap, basta magkasama kami. Sabi ko nga dito na lang kami sa pinas, ayaw nya naman. Try daw namin kung kaya ba namin ang buhay abroad dalawa.

Nung dito na ako sa UAE, 2 months, wala akong work, grabeh din ang naranasan ko dito. One month ako sa Oman para sa exit, isa ako dun sa mga taong stranded dati sa Oman at nahihirapang makabalik sa UAE. Nagsisisi ako that time, pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Naalala ko pa, pag may mga dumarating na reporter, need kong magtago baka mahagip ako ng camera at makita ako sa dating work ko... nakakahiya di ba? I'm on my second exit in Oman when I received a call from him, it's our 3rd Wedding anniversary kaya binati nya ako. Sobrang saya ko kasi binati nya ako exactly 12:00am. Naiyak ako kasi mix emotions na eh. Yung pagkamiss ko sa kanya, yung takot ko na di na kami makabalik sa UAE kasi wala pang visa at pauwiin na kami sa Pinas. Yung financially broke ka na din pero ayaw kong paalam sa asawa ko lahat ng takot na nararamdaman ko. Pero ang sobrang nagpaiyak talaga sa akin... after our conversation he used different endearment na hindi naman yun ang tawagan namin. Naloka ako, I asked him anong sabi nya, sabi nya wala lang daw yun, nagkamali daw... may ganun? For how many years yun ang tawagan nyo since magboyfriend pa lang kami tapos magkakamali. From then, sobra ang kabog ng dibdib ko, naghinala na ako kasi napapansin ko din na di na kami masyado nakakapagchat pero di ko masyado binigyan pansin that time kasi sabi ko dahil na din sa pag exit ko.

Imagine yung pakiramdam na mababaliw ka na kasi 2 months ka nang walang work, nasa exit ako for another one month na walang kasiguraduhan sa visa ko, wala na akong pera. Nahihiya akong magsabi sa mama ko... alam mo yung ang dami dami mo nang iniisip tapos dagdag mo yung kutob ko sa asawa ko. Minsan kahit malaki na problema mo sa financial, mas nadadaig ng emotion ang sakit na nararamdaman ko. Kaya nung makabalik ako sa UAE. I did my own investigation. Alam mo na tayong mga babae, pag kinutuban iba eh, madalas totoo talaga. At masama talaga ang kutob ko.

That was year 2008, friendster pa lang ang uso nun. May nagview sa profile namin ng asawa ko, picture ng asawa ko may kaakap na ibang babae. I was so shock, nanginig buong katawan ko. I called him, hindi na sya nagdeny. Umamin na nga sya at humingi ng sorry. Makikipaghiwalay daw sya sa babae kaya nag makaawa na patawarin ko sya. Nagmessage sa akin yung babae, nagsorry di nya daw alam na ok pa kami ng asawa ko kasi sabi daw ng asawa ko, wala na daw kami. Kaya daw sinadya nyang ipakita profile nila para malaman daw nya ang totoo. Kaya sabi now alam nya na ang totoo, dapat alam nya na din kung ano ang dapat gawin. Ms. Jane, babae lang ako na nagmamahal ng sobra. Kaya pinatawad ko ang asawa ko. In short naging ok uli kami kasi naniwala ako sa kanya na mahal na mahal nya ako at hihiwalayan nya yung babae. So tinanggal na namin yung options na ako ang pupunta ng KSA kundi sya na ang susunod sa akin dito. So lahat ginawa ko. Lumipat ako ng room yung pede ang mag asawa. Kahit wala pa sya, doble na ang bayad ko, hinihintay ko na lang yung amo ko para magawan ng visa ang asawa ko under our company's name kasi nakiusap ako. Pero parang nakakaramdam uli ako ng kakaiba. Nagtry uli akong maginvestigate. Tinulungan din ako ng BFF ko ( sister nya) pinahiram nya sa akin FS nya para makita ko mga post nung babae kasi naguguluhan din daw sya sa nangyayari pati mga pamilya nya ako pa ang tinatanong, dahil nga close ako sa family nya. Kung anu ano ang nakapost dun sa profile ng babae, mga pictures nila, mga sweet moments. Para akong mamamatay habang tinitingnan ko ang profile nung babae. At ang sobrang nakapagtrigger ng galit ko nung may mabasa akong post na, finally magiging Mrs. A na din daw sya. At may date pa ng announcement na kasal nila. By the way, ang husband ko converted to Muslim. At nagpaconvert din ang babae para sila makasal.

Tinanong ko asawa ko paano nangyari yun? Kung totoo ba? Paano yung mga plano namin? Sorry na naman sya, ang bilis daw kasi ng pangyayari. Kailangan daw nilang magpakasal kasi may nakakita daw sa kanila na pulis na magkasama. Ni reason out nila, pinag uusapan daw nila ang kasal nila. Kundi makukulong daw silang dalawa at madedeport. Parang gumuho ang mundo ko, para akong mababaliw. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Wala akong makausap. Wala akong mapagsabihan ng lahat lahat ng sama ng loob ko. Pero nagpakatatag ako kasi nasa ibang bansa ako. Alam mo yung mga panahon na awang awa ako sa sarili ko. Ako pa ang lumalabas na other woman na daw. Kasi muslim na daw sila, tinatakot pa ako ng babae na ipapahuli daw ako sa mga muslim brother nila dito sa UAE once na manggulo pa daw ako. And daming ginawa sa akin ng babae, ni-hack nya account namin sa FS, inerase nya lahat pati mga albums namin. Nagpanggap sya na sya ang asawa ko sa YM habang nagchachat kami, kung anu ano ang mga pinagsasabi nya. Pati mga kaibigan nya tinakot ako, my God kung babalikan ko lang lahat ng ginawa nila sa akin, masasabi ko na tanga pala talaga ako pagdating sa pag ibig. Ni hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Iyak ako ng iyak, hanggang sa work ko. Madalas akong mahuli ng boss ko na umiiyak. Nagtry naman akong magmove on, pero nahirapan talaga ako.

After a year, I heard na magbabakasyon daw sila ng Pinas. Hindi pa din ako nawalan ng pag-asa na maayos kami ng asawa ko Ms. Jane, gumawa ako ng paraan. Nagpaalam ako sa amo ko, sabi ko magreresign na ako, uwi na lang ako sa Pinas kasi sobra talaga akong affected sa nangyari sa life ko. Hindi naman naapektuhan ang work ko talaga kasi nagagawa ko pa din naman ng maayos ang work ko. Pero may time nahuhuli pa din ako ng boss ko na umiiyak at tulala. walang araw at gabi na umiiyak ako. Pati mga room mates ko gumagawa ng paraan para maaliw ako pero di talaga ako makapag move on. Pinayagan ako ng amo ko, binigyan nya ako ng FREE ticket sabi nya pag ok na daw ako bumalik ako. Ni-try kong magkita at magkausap kami ng asawa ko pero sya ang umiiwas. Hindi sya nagpakita sa akin, walang kasing sakit yung alam mong andyan lang sya, ang lapit lapit nyo sa isat isa pero di mo maabot.

Syanga pala, walang nakakaalam sa pamilya ko sa nangyari sa amin ng asawa ko kundi mama ko lang. Ayaw ko kasing masira sya sa family at relatives ko dahil maganda ang pagkakakilala nila sa asawa ko at ayaw kong masira yun. Naging close kami ng mama ko mula nung mag asawa ako at lalo kaming naging close nung malaman nya yung nangyari sa amin ng asawa ko. Kasi that time, wala akong ibang alam na mapagsabihan kundi mama ko. Sabi ng mama ko, uwi muna ako ng probinsya. Lahat ng kamag anak ko hinahanap nila asawa ko. Hanggang sa nagulat ako sinabi na ng mama ko dun sa auntie ko na close ko, galit na galit sila sa ginawa nya. Dumating pa sa point na gusto nilang ipa-hold sa immigration para di na sya makabalik sa KSA kasi may kakilala kami na taong pwedeng lapitan sa immig para ip hold sila. Pero ako na yung nakiusap sabi ko hayaan na lang. After more than a month ko pag stay sa Pinas, nagdecide akong bumalik sa UAE. Sabi ko ayusin ko buhay ko, try kong kalimutan na lang at magmove.

After 3 years, nagkaroon uli kami ng communication. Actually, wala man kaming communication sa isa't isa. Hindi naman ako nawalan ng balita about him kasi until now, close pa din ako sa family nya, hindi naman naapektuhan yun at umaasa pa din silang maging kami bandang huli.
But for that 3 years, I won't deny the fact that I had multiple dates. Madaming sumubok pero nahirapan akong kumbinsihin yung sarili ko na single na ako at pwede na akong makipag relasyon. Pero sabi kasi ng friend ko, kung lalaki daw ang dahilan yun din daw ang solusyon. Hanggang sa may naging kaibigan ako na talaga naman napakatyaga at napakabait, pero di naman nya dineny na gusto nya ako. Alam nya lahat ng story ko after almost a year natutunan ko naman syang mahalin kasi sobrang bait nya. He supported me in all aspects of my life until he proposed for marriage and he requested na try ko daw mag-aral ng muslim baka daw magustuhan ko. Hindi naman nya ako pinilit, I refused his offer kasi ayaw kong maconvert sa muslim dahil lang gusto kong magpakasal, gusto ko pag nagpaconvert ako yun ay dahil sa kagustuhan ko. At narealize ko parang hindi pa pala talaga ako naka move on sa asawa ko. Kaya nakipaghiwalay ako, naintindihan naman niya and we're still good friends up to now.

At yun nga, nagkaroon kami uli ng communication ng asawa ko. He again asked for forgiveness at  tanggapin ko daw uli sya. Gagawa daw sya ng paraan na maayos kami. Hihiwalayan nya daw yung isa. Mahal ko pa din pala sya. Dahil asawa ko pa din sya, tinanggap ko uli sya. Sabi ko, sige magsisimula uli kami. Kakalimutan namin ang lahat, pero makipaghiwalay sya ng maayos sa babae. Kausapin nya ng maayos at wag yung basta nya na lang iwanan. Kahit masakit, tinanggap ko na dalawa kami sa buhay nya. Kahit sila yung magkasama dun, umasa ako maayos uli kami at babalik kami sa dati.

Siguro nakaramdam din ng kakaiba yung babae, inaway-away uli ako ng babae. Kung anu ano ang masasakit na salita na sinabi nya pero tinanggap ko, di ako nagpaapekto, di ko sya pinatulan parang lumalabas na ako ang kerida. Ang sakit-sakit pero wala akong magawa kasi ginusto ko yun. Lahat ng kaibigan ko, sinabihan akong tanga, nagalit sa akin, ayaw na nilang bumalik ako sa kanya. Maski yung BFF ko sabi magmove on na daw ako, humanap na daw ako ng iba, wag ko na daw balikan kuya nya, pero wala eh, mahal ko sya. At nangingibabaw yung takot ko baka wala nang tumanggap sa akin uli. Natatakot ako na mamuhay mag-isa. Ang dami kong takot kaya siguro tinanggap ko uli ang asawa ko.

Last year, may usapan kami na magkikita kami sa Pinas, mag-uusap at aayusin ang lahat. Ayun, naniwala na naman ako. Umasa at naghintay. Pati pamilya nya sobrang saya kasi nalaman nila na ok na kami uli. Pero walang nangyari. Naghintay ako sa wala, panibagong sakit pero di ako nagpahalata sa pamilya nya na nasaktan ako sa nangyari,  hindi sya umuwi para magkausap kami. Nagsorry na naman sya kasi di daw sya makauwi. Di daw sya pinayagan magbakasyon. Ang tagal namin pinagplanuhan yun tapos sorry lang?
Pero sinulit ko na lang yun bakasyon ko. Di na lang ako nagpaapekto. Pagbalik ko dito sa UAE, pinangako ko sa sarili ko na wala na talaga. Ayun, nakipaghiwalay na talaga ako sa asawa ko, kasi patuloy ko lang sasaktan ang sarili ko. Sabi nga ng mama ko, bata pa ako enjoy ko na lang buhay ko. Darating din ang araw na magiging masaya ako at makikita ko ang lalaking karapat dapat para sa akin.

The last thing I heard, buntis na daw yung babae. Yun yung hiningi kong sign kay Lord para tuluyan kong alisin ang kahit kaunting pag-asa na kami pa din bandang huli, pero ito na binigay na ni Lord yung sign. Grabe ang sakit, pero kailangan ko na talagang tanggapin. It's been 5 years na sobra na akong nagpakatanga at umasa sa wala so I think I deserve to be happy also. It's really time to move on and forget the past and planning for annulment.

I know someday, somehow I will overcome the heartache and will forget the reason why I cried and of course the person who caused the pain. So I will try my best to let go of the past and set myself free of hatred. And one thing I should and will never let go is HOPE... hope that I will get through all of these. After all, what matters most is not the first but the final chapter of our life. I'm still hoping that good things will transpire in my life even everything doesn't turn out exactly the way I had anticipated.
Photo credit: Lifeandself.com

Tuesday, October 8, 2013

Shared by Miss Lea

I'm 27 yrs old at isa akong nurse pero sa edad ko na ito hindi pa ako nakaranas na magkaroon ng matinong boyfriend at hanggang ngayon naniniwala ako na malas ako pagdating sa bagay na yan kaya napagod nako. Kung may darating darating bahala na. Tatlo ang naging ex boyfriend ko pero lahat sila ay nagbigay sakin ng sama ng loob. May first boyfriend is JM super sweet nya. Noon kase parang gusto ko perfect lahat at gusto ko yung first ay sya na rin ang last. Pero nag work ako sa province namin as nurse, nahirapan kase ako maghanap ng work dito sa lugar namin kaya doon ako nagwork.

Okay naman ang BF ko tiwala ako sa kanya kahit magkalayo kami ay super sweet pa rin nya. Pero isang araw nakareceive ako ng text galing sa isang GF din daw sya ng BF ko inaway ko yung girl pero grabe pinagmalaki pa nya sakin na may milagro na silang ginagawa ng BF ko. After nang message na yun ay hindi na ako nagparamdam sa BF ko at pati sa babae sabi ko magsama na sila. Pero grabe yung babae 2 months palang sila ng BF ko meaning ako ang nauna at sya nang agaw, ako pa ang inaway at nilait-lait na hindi maganda at pinagtitiyagaan lang daw ako ng BF ko kase maganda akong pangdisplay may pinag- aralan pero bukod dun wala na yun ang mga message nya sakin. Galit na galit ako kase ang sabi lang ng BF ko wag ko pansinin yung girl ako daw mahal nya. Dahil hindi ko kilala yung girl nagsearch ako, gumawa ako ng ibang account para makilala sya dun ko nalaman na may 2 na syang anak at nasa ibang bansa lang ang asawa nya. Grabe ang sama ng loob ko ipagpapalit lang ako sa may asawa at anak pa.

At grabe pa manglait ang babae na yun, yun pala ay isang bonggang pagtataksil at kasalanan ang ginagawa nya sa pamilya nya. Sobrang nagalit ako nun at hindi nakapagpigil sinabi ko lahat ng natuklasan ko at sinabihan ko sya ng malandi at kabit lahat na para lang gumaan ang loob ko. Ang hindi ko lang expect ay ang asawa nya sa ibang bansa ang nakabasa ng lahat kaya nagalit ang asawa nya at d na sila sinuportahan ng anak nya at lalo ako inaway nang babae. Nakikipagkita sya sakin ng personal pero hindi na ko nagpakita pati sa BF ko. Isang taon mahigit bago ako naka move on as in hindi ako nagpaligaw kase natrauma ako. After more than a year nakilala ko ang second BF ko. Nagkareunion kase kami ng elementary after nun nagka text, tawagan at yun date batchmate ko sya pero di ko sya masyadong nakaclose nung elementary kaya halos getting to know each other ulit kami. Hangang dumalas ang mga gathering namin nung elementary kaya lalo kami naging close hanggang naging BF ko na sya. Pero tulad ng dati may nanggulo ulet samin may nagmessage ulit sakin GF daw sya ng BF ko at four years na daw sila nagulat ako para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang nasa isip ko nun iyun na naman ganun na naman. Hindi nako nakipaglaban at lumayo nako pero hindi ako tinigilan halos pati mga friend ko sa FB add ng girl at siniraan ako. grabe hindi ako makapaniwala na may ganong babae na sobrang baliw magmahal pero hindi pa yun ang pinakamasakit na nalaman ko. Ang pinakamasakit na nalaman ko ay hindi pala babae ang kaagaw ko kundi bading. sobrang sakit.

Umamin sakin ang BF ko at umiiyak kinailangan daw nya gawin yun noon kase malaki ang naitulong sa kanya ng bading lalo sa pag- aaral nya. Grabe hindi ko talaga kinaya. Mula nun hindi nako nagparamdam sa BF ko na yun at hanggang ngayon wala nako balita. Ang huli lang na usapan namin ay nagsorry sya at hindi pa nya kaya makipaghiwalay sa bading dahil natatakot sya malaman ng pamilya nya na pumatol sya sa bading at yun din ang panakot sa kanya ng bading. Hindi ko talaga kinaya halos mabaliw ako noon so I decided na magwork sa malayo para maka move on. After ng lahat ng nangyare na meet ko sa ibang bansa ang high school friend ko. Sya yung lagi kong kasama noon halos weekly may foodtrip kami at weekly din kami nagsisimba noon. Hatid sundo nya ako noon sa bahay at ang buong akala ng Family ko noon ay boyfriend ko na sya. Pero hindi naging kami. Pero alam ko noon dahil sobrang close kami ay nagustuhan ko na sya at umamin din sya na nagugustuhan nadin nya ako pero nawalan kami ng communication dahil naging busy na rin sa kanya kanyang buhay.

At sa pangalawang pagkakataon na nagkita ulet kami ay naging kami na. Ang saya ko feeling ko sya yung taong malabo ako saktan kase kilala ko na sya. Pero umuwi sya ng pinas at nawalan ulet kami ng communication. Nalaman ko nalang sa FB nya na may GF na sya. Ang sakit sobra. Nasaktan ako ng sobra noon pero mas nasaktan ako nung nalaman ko na kahit sa mga tropa namin ay itinanggi nya na naging kami. Nalaman ko pa na sinabi nya na malabo daw mangyare yun. Sobrang sakit lalo na ngayon ikakasal na sya ang sakit talaga. Ang pinakamasakit dun parang wala daw sa tipo ko ang papatulan nya. Pati yung closeness namin noon na hatid sundo nya ako nung magkaibigan pa kami at nung nagsisimba kami itinanggi nya lahat yun sa maraming tao. Ang sakit sobra. Pero 1 month bago ako umuwi ng Pinas naka-receive ako nag message galing sa kanya as in todo sorry sya. Pumunta pa sya sa bahay namin nung unang linggo ko sa Pinas pero ang masakit dahil kasama nya mga kaibigan namin sa bahay namin kung makipag usap sya parang wala lang. Yung kaswal na tropa yung parang hindi nya ako sinaktan. Sobrang sakit talaga nasa loob sya ng bahay namin pero hindi ko sya kinikibo at kahit tingnan di ko ginawa basta pinaghainan ko sila at nakipagkwentuhan lng ako sa mga friend ko. Ilan beses sya nag try makipag usap ng kaswal yung parang wala syang nagawa at nakukuha pang magbiro yung tipong parang noon nung barkada pa kami. Gusto ko sya murahin.

Ilan beses sya nag attempt na kausapin ako mag 1 pero umiwas ako ayoko na kase. At nararamdaman ko din na gusto nya ilihim sa ibang kaibigan naman na nakikipag ayos ulet sya sakin. Ayoko na! Tulad na naman noon. Pero itatanggi nya sa mga friends namin. Ayoko na. Now, I choose to focus sa career ko nagreview ako para hindi maisip ang mga kamalasang dumaan sakin. Sa ngayon career na lang talaga, nakakapagod na din kase umasa. Sa lahat ng mga nangyare yung huli ang mas nasaktan ako dahil kaibigan ko sya. at dahil din dun nagkaroon na din ng gap sa amin ng mga tropa ko. Para kasing ako pa ang na judge na masyado akong umasa at nag feeling na GF eh, tinanggi na nga ako. Nakakaloka talaga pero ayoko sirain ang buhay ko sa kanila. Tama na siguro ang katangahan ko. Sa ngayon ang batas ko ay bawal muna ako magmahal para matutunan ko ng maayos na mahalin ang sarili ko.

Sunday, September 15, 2013

Shared by Miss Fram

Itago mo na lang ako sa pangalang Fram, bilang isang babae marami din akong naging kasintahan mula highschool hanggang magcollege, naloko na din ako, napaiyak ng lalake pero aaminin ko  mas marami akong nasaktang lalake dahil siguro nga bata pa ako nun.
     
Nung 2007 habang nag rereview ako para sa board exams may bf ako na naiwan sa province pinupunthan nya ako sa Manila every weekend para bisitahin, may pagka-obsessive sya at demanding yun ang mga bagay na inayawan ko at dahilan kung bakit naghanap ako ng iba at nakipaghiwalay sa kanya alam ko masakit sa kanya yun pero nakapagdesisyon na ako ayaw ko kasi na sinasakal nya ako na halos bawal na lahat may nakilala ako na classmate ko sa review tagaManila yung guy  at naging kami ni guy kaya ok naman kami nung una laging masaya nag-i-stay pa sya sa unit ko kasi mag isa ko lang nakatira sa condo kasi ang mga parents ko sa province sila dinadalaw lang ako paminsan minsan.

Kaya malaya kaming gawin mga bagay na gusto namin gabi-gabing pagbabar kasama tropa nya at ako ang nagbabayad pag may hiningi sya binibigay ko lahat dahil napamahal ako ng husto masyado kasi syang sweet at malambing, hanggang sa isang araw nalaman ko na may gf  pala sya at hiniwalayan nya ito agad agad para sa akin, pero mula noon di na ako at ease lage na ako balisa iniisip kong pinaglalaruan lang ako. Hanggang sa isang araw may nabasa ako na text galing sa kapatid ng exgf nya "kuya, hindi mo na ba mahal si ate pano ang magiging anak nyo?" nung nabasa ko yun nagulat ako, totoong hiniwalayan nga nya yung gf nya pero buntis pala yung babae kaya bilang babae kinausap ko sya, sinabi ko na kung ako pinili nya dahil masaya sya nagagawa nya gusto nya tulad ng pagbabar gabi-gabi sabi ko wag ganon may pananagutan pala sya, balikan nya yung exgf nya alam kong mahal nya pa sya naguguluhan lang sya at sabi ko hindi na sya pwedeng pumunta sa unit, kaya yun tinext nya yung exgf nya nagsorry sya inamin nya kasalanan nya. Nag-uusap sila sa phone na nandun lang ako sa tabi nya masakit para sakin pero sa tingin ko yun ang tama nagkaayos sila, pinaluwas nya ung exgf  ng Manila para magpacheck up sila since wala syang pera, nagbigay ako ng konting halaga para magamit nila sa pagpapacheck up.

Sobrang sakit ng moment na yun kahit 6 na buwan palang kami minahal ko syang totoo. Masakit  pero nagpapakatatag ako kasi alam kong yun ang tama. Nung mga panahong yun naiwan na ko mag-isa sa unit umalis na sya dala-dala gamit nya. Iyak ako ng iyak pagalis nya. Kaya dali-dali din akong nag impake at hinabol ang last trip pauwi ng probinsya namin dahil sa tingin ko kelangan ko nang masasandalan na kapamilya.  Paguwi ko sa probinsya namin, nakipagkita ako sa mga kaibigan namin at sinabi ko ang mga nangyari para mabawasan ang sama ng loob ko, ngunit unang araw ko palang sa probinsya nagkita kami ng isang schoolmate ko na nung highschool palang kami tinatawagan na ako at umaastang nanliligaw pero di ko pinapansin kasi may kayabangan sa school palibhasa anak mayaman, pero sa pagkakataong ito hindi na kami highschool. Graduate na kami ng college, pinakuha nya number ko sa isa sa mga friends nya at tinext nya ako, nung una hindi ko  pinapansin kasi alam kong brat sya. Pero mapursige sya magtext, text tawag sya palage. Bilang brokenhearted pinansin ko na din sya, akala ko noon panakip butas lang kasi nasaktan ako sa past ko, pero habang nagtagal seryoso pala kami sa isat isa, naging kami ni FM,  itago nalang natin sa pangalang FM, nasa Manila na ako nung naging kami, since wala naman akong ginagawa sa Manila kasi lumabas na result ng boards nun at masaya ako na nakapasa ako bilang nurse, minabuti ko na pong umuwi sa probinsya namin para dun na ulit manirahan.

Pag-uwi ko nagkita kami bilang magkasintahan, nung una nagkakahiyaan pa kami kasi may mga common friends kami na hindi inaakalang magiging kami kasi napaka-opposite namin sa isa't isa may mga nagsabi ding di kami magtatagal. Dumaan ang mga araw at lalong tumatatag pagsasama namin, lage kami magkasama, sinasamahan nya ako at tinutulungan sa business ko hindi kasi ako nag nurse, mas ginusto ko magnegosyo. Hanggang sa dumating ang araw na ikinasal kami year 2008. Masayang-masaya kami bigla po syang nagbago mula sa pagiging brat nya naging responsable sya, nagulat din mga magulang nya at mga kapatid sa transformation nya, nagtulungan kami mag-asawa sa negosyo itinigil ko muna ang boutique ko dahil di kami makabyahe dahil nagbuntis ako, kaya nag karinderia muna kami sa amin, hanggang sa makapanganak ako at biniyayaan kami ng isang supling na lalake na nagdulot ng higit na kasiyahan, nagpursige kaming ipagpatuloy ang mga pangarap namin binuksan ko ulit ang boutique ko nung 2009 at tinake charge ko na furniture shop na minana ko sa mga magulang ko habang sya naman ang nagmamanage ng family business nila. Responsable syang ama at asawa hanggang ngayon 5 taon na kaming kasal at masaya kami sa isa't isa pag may problema mas mabuting pagusapan ng mabuti, masasabi kong sa lahat ng pinagdadanan natin sa buhay pag ibig may natutunan tayo, dumadating ang taong para sa atin sa di inaasahang panahon, akala mo hindi sya pero yun pala sya ang nakatakda sayo. 






Monday, September 9, 2013

Shared by Miss VM

I am 27 years old, married. I just want to share my life story. It is not yet a happy ending but the end has just begun. I hope everyone will find their true and genuine love in God. Kindly call me as VM. This is too long but just be patient while reading it. Thanks alot for sharing my story. May God wrap us with so much love so that we could not feel that pain anymore. Prayers and faith in God will truly move mountains!

Anyway, two years ago,my husband who works abroad met this slut/bitch, let's call her Bruhita. She is working in that same country and is three years older than me and a year older than my cheating husband. She came at the time when my husband and I were in great trouble because we had that great fight regarding responsibilities. I needed space. And that space was filled in by that slut. She was a flatmate and they always see each other. Bruhita said she did not know that my husband was married but the time my husband told her about being married, she chose not to let him go and just went on with their affair. She is single by the way, how can a single woman at the age of 31 been able to be in that forbidden relationship? Wala na ba talagang ibang single na lalaki para patulan nya? Instead of pushing my husband away and just tell him to go back to his family and settle things out. Well, what could a slut do but to contain that need to sustain her earthly desire. I never did confront her, no plan to step down to her level. She even called me several times, take note its a long distance call (an hour or more I guess) everyday just to ask and beg me to let go of my husband, for me to stop calling and texting my husband, and for me to step out of our house and leave my son because she deserves to be in my family, she deserves to be the mom of my son instead of me. 


Hello? What happened to this bitch? She forgot that she is not the legal wife. And first time in my life, I encountered a mistress who confronts a legal wife for flirting my own husband. Just because my husband was not spending time with her anymore! Just because she found out from my husband's account that he often spent time chatting with me even during work hours. And she found out from his phone how many times he calls home, that's where she got my number. She is the best model for obsession. She told me that I am so poor because unlike her, she always have money to buy shoes for him and they will go out with her expense because my husband's salary is always delayed. Much more to that she spent for my husband's visa and ticket back and forth just for him to go with her to the neighboring country for a 3-day vacation. Poor me? Or poor Bruhita who uses her money to pamper my husband. 

Every time she calls me, I often talk to her with calmness,making her feel that I am not terrified with her presence in our marriage. I always make sure I always have that huge laugh while hearing her cry and beg over the phone. I always ignore her posts over google plus and instagram. I act as if I am not afraid. But deep inside, I'm in great torment. I want them deported and patanggalan nang license si husband. I am super hurt and jealous/insecure. In reality, my heart has been broken into several pieces. In my mind, how can this kind of persons existed? How can they be able to hurt an innocent woman like me who had been so loyal and faithful to my marriage? Who even play as a working mom. Who even takes care of his sickly parents. Who even so submissive and kind to him. I dont nag and I dont talk about money nor ask money from him for my personal necessities. What he gives is all up to him. And I save his money and give it to his parents. How can they be able to do that to me?

During the darkest part of my life, I knew someone even more and I got so close to Him. He is God. He became my refuge,my crying on shoulder, the listener, the lover and the healer. Instead of grieving too much, I read Bo Sanchez' blogs about relationship and self worth. I always pray every time, I talk to God most of the time especially while driving home. I cried along the way most of the time and I shout for hatred. I shout out my hatred towards those f*cking bitches! But then, I got so tired being like that. I got so tired of allowing hatred to live in my heart. I got so tired of crying every now and then. I got so tired of being pissed off by that scenario. Just then Focolare came in, my bosses introduced that to me. We talked about what happened to me and they were shocked because despite what Ive been through, I still do my work very well and I got even promoted. I thank God for that. 

Anyway, they invited me to attend Mariapolis and I did. It was a 3- day gathering, gathering for the love of God. After that, I went home feeling so light, and I was amazed. In that gathering, they introduced how God's love creates miracles. They made me realized that God is the only person that we should cling on most especially during the time when all else fails, time of impossibilities. Indeed, I let go of my husband, I let go of that Bruhita, I let go my hatred and pains, I let it all go and let GOD. That was hard, everyday was a struggle but I kept on going. I offer prayers for their enlightenment. I pray for them all the time that they will be able to realize that what they were doing is terribly wrong. I prayed that God will touch their hearts and mind and lead them the way. I prayed that God will forgive them for they do not know what they are doing. I prayed to God to change my heart and accept my husband despite what he had done wrong to me. I entrust everything to God more than 100 percent. I hated love songs, so I listen to christian songs. I watched Fireproof. I sent him a scrapbook that contains our pictures together with my son. I did everything to please him. But I had this constant fight with myself, that it is so unfair to be good to the person whom I hate the most. Then, I read the word of life, I learned to see Jesus in every person. I learned to love your enemies. I learned to forgive but not totally. I just do all of these things not to please my husband anymore  but to please God and this is the only way I could thank HIM for never leaving me and for loving me like no one else does. I am trying to love and be good to my husband not because of martyrdom but out of love for God.

Two months ago,my husband called me that finally he is cutting any connections between her and him. He diverts her calls to my phone and even text messages from that slut. He moved on to another flat with his cousin away from her. He gave away all the stuff that she bought for him. And she was texting me that my husband left her because of our son, not because of me. I told her, I don't care, that does not really matter to me anymore! And I told her, the moment she tries to penetrate again, I will not think twice to send soft copies of her calls which I all recorded. I saved copies of their pictures and her posts/emails on me. I told her that if she will not stop chasing my husband and destroying my family, I will make it even with her. I prepared drafts in my email that contains all her files/evidences that may lead to her deportation or imprisonment in middle east. I saved copies ready for sending to her workplace, to the country's embassy, to the Philippine Embassy and to be sent to her parents here in Pinas because they did not know what their daughter had been doing. She said, "hawak ko daw sila sa leeg". I responded,its not me who holds you, it was you who made that trap for yourself! Sabi pa niya parehas daw sa mga palay merong mga manok na lumalapit. And I said, "tama ka,ikaw yong pesteng manok na lumalapit sa palay na hindi naman ikaw ang nagtanim! She freaked out in anger! She added pa na dapat daw akong lumapit sa Diyos kasi lahat nang hiling binibigay. And I replied, siguro oras na mag iba ka nang Diyos kasi ang Diyos leads us to good deeds, di yata Diyos ang sinasamba mo! Since then,she stopped calling me and she deleted her google account and viber account and changed her number.

A month ago,my husband went home, he asked for forgiveness. I don't want to forgive him really but I don't know, God changed my heart that I could not feel that hate anymore towards him. The night before his arrival, I prayed to God that whatever His will to our family, then let it be done! I asked Him to just handle everything for me including me. Because myself would insist to act as if nothing happened bad in front of him. God does the rest for me during his entire vacation. We did not fight or argue. We enjoyed dating together, he always invite me to have a date with him alone. He had changed from bad to good. Its like too good to be true thing! We enjoyed the beach with our son. I did not talk about the incident until he opened up and ask for forgiveness. I defeated evil with good deeds.
Now, my visa had been granted,my husband wanted me to live and work with him abroad. And we are going to settle down there with our son soon. Next month I will be there. My husband said, from now on, he will not let anyone comes in between our marriage. Because the only way to restore our love for each other is to be together. I told him I don't love him anymore because I can't forget. He said, we will move on together and he will be good to me this time. Well, of course I did not believe but I have great faith towards God's words and promises! I can still feel the pain every now and then but its minimal now. I can sleep well and seldom wakes up just to cry. Most of the time,I am thankful. Most of the time, I feel so blessed to have God with me. I am still blessed and I am sure we will move on. The pains are still here in my system but I just have to look at the brighter side of life. I am about to unfold the gift of family again and I will be taking care of it and will fight for it! Let us always remember that being in the dark is not always forever, we can still get out and enjoy life to the fullest.  I always pray that all the lost people will be found and they will realize their mistakes and make up for it. If those sluts are so cruel then we have a powerful God who will fight for all of us.God is never sleeping!God sees and God hears!

Wednesday, September 4, 2013

Shared by Mr. Perry

Nais ko po sanang ikwento naman po sa inyo ang malungkot ko rin na karanasan, sa pagbabakasakali naman makita niyo ang sitwasyon mula sa pananaw ng isang katulad ko. First, itago niyo na lang po ako sa pangalang Perry. Ako po ay isang OFW, hiwalay sa asawa’t anak (8 taong gulang) na nasa Pilipinas. Ako'y ay 8 taong nagtatrabaho sa ibayong dagat para kumita ng pera para sa aking pamilya. Lahat ng ito’y ginagawa ko para sa kanila, hanggang sa naisip kong hiwalayan siya at magbagong buhay sa piling ng iba.

Nakilala ko ang aking ex-wife bilang textmate sa cellphone, yung number niya ay ibinigay sa akin ng kaibigan ko, nang bilhin ko ang aking kauna-unahang cellphone. Sa una, masaya ang makatext siya, nakakatuwa at nakaka-aliw siyang magpadala ng mga cute text messages. Napagkwentuhan namin ang maraming bagay, nakakalungkot at masaya, nakakatuwa at yung nakakaasar din. Walang araw akong pinalipas na hindi ko man lang mabati siya sa text, mula umaga, hanggang sa pagtulog, kausap ko siya, kahit sa text man lamang. Pagkaraan ng ilang buwan ng pagpapalitan ng mga messages, napagpasyahan kong tanungin siya kung pwede ko siyang maging girlfriend, sinagot nya ito, at kahit sa munting panahon, naramdaman kong maging masaya. Dahil dito naisip kong puntahan siya sa kanilang lugar, kahit na ito’y malayo sa amin para makilala ko na siya ng personal. Hindi importante sa akin ang itsura niya, basta yung ugali ay maganda, ay masaya na ako. At sa pagpunta ko na iyon, makita ko siya ay napaibig ako, dahil sa maamong pagtingin niya sa akin.

Nakita ko rin ang tuwa sa kanyang mata, itinuloy namin ang aming pag-iibigan ng noo’y GF ko at ipinakilala niya ako sa magulang niya. Mula noon ay nagpabalik-balik ako bumiyahe sa probinsya nila para makasama siya at para makapiling siya. Di tumagal ay nagkabunga ang aming pagsasama, na pinagpasiyahan kong panagutan sa pamamagitan ng pagmamanhikan sa kanyang magulang na kami ay magpakasal alang alang sa sanggol na nasa sinapupunan niya. Kami’y nagpakasal sa pamamagitan ng sibil na kasalan, nangako kami na itataguyod ang aming pamilya. Ang hindi ko inaasahan, ay ang mga sumunod na pangyayari sa loob ng sumunod na 4 na taon.

Nagsimula ang kalbaryo sa buhay ko nang ako’y maging isang pamilyadong tao, may asawa, at may responsibilidad na tustusan ang kanilang mga pangangailangan. Para makatulong sa pamilya ng ex-wife ko habang siya’y nagbubuntis, tumutulong ako sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Bumibili ng mga iba’t ibang materyales para sa kanila, tumutulong sa kahit na anong paraan, nagsisipag upang ipakita sa kanila na kahit na nariyan ako at nagbabanat ng buto para sa amin ng ex-wife ko. Pero nun pa lamang ay nararamdaman ko na ang pagiging malayo nila sa akin. Dahil siguro sa ako’y tiga-labas, isang Manilen͂o at hindi sanay sa wika at cultura nila. Naramdaman ko nung unang mga buwan na magkasama kami, ang pagtrato sakin, mula sa kanya, hanggang sa kanyang mga magulang ay nag-iba. Ang simpleng pag-utos ay nasasabayan ng paninigaw sa akin na walang katuturan, ang pagbabalewala nila sa akin sa hapag kainan, na parang isang bata, o ang pagtrato sa akin na para bang hindi ako kasama ng kanilang pamilya ang tiniis ko mula sa araw na pumasok ako sa mundo nila.

At kahit yung ex-wife ko, nag-iba na ang pag-tingin sa akin. Yung dating malambing na ngiti ay napalitan ng mga utos, ang pagiging batugan at makasarili ay aking ikinagulat, ngunit ito’y isinarili ko muna at alam kong wala akong makikitang kakampi sa lugar na kung saan ako ay isang dayuhan. Dahil sa pagtulong ko sa kanilang negosyo, napabayaan ko na ang aking pamilya. Ang aking kapatid at ama na naiwan ko sa maynila, isinakripisyo ko alang alang sa pag-silbi sa ex-wife ko at ang kanyang pamilya. Lumipas ang buwan at nabiyayaan kami ng isang sanggol na babae. Ito ay nagbigay sa akin ng saya at tuwa, ngunit para sa biyenan ko, nakuhaan pa nila magpa haging na “Oh, bayaran mo na yan sa hospital, total kamukha mo naman!!”. Ikinalungkot ko ito dahil sa pananalita nila sa akin.

Ako ang nag-alaga sa bata. Kain, bihis, paligo.. lahat. At ang ex-wife ko ay nagpapagaling sa ceasarian section niya, hindi ko maiwasan isipin na nagtatamaran lang siya para ako gumawa ng lahat ng gawaing bahay. Para na akong boy sa kanila. Habang lumalaki yung bata, ay ako ang tumutustos sa lahat ng pangangailangan niya sa pamamagitan ng pagtulong sa biyenan ko, kahit na sigaw sigawan nila ako, murahin at ipahiya sa ibang tao, basta’t nabubuhay, kumakain ang anak ko, ok lang sa akin. Pinangakuan yung ex-wife ko ng negosyo, ng magulang niya, na may pangakong magiging kanya kapag lumago na ito. Ang nangyari, ako ang magbabantay, magbebenta at magreremit ng kinita ng negosyo. Samantala, sa bahay naman siya, nag-aasikaso sa bahay at sa bata. Umulan o umaraw, bumagyo o uminit, andun ako, dalawang taon ko ito pinasan sa mga balikat ko.

Kumita naman, at bahagyang guminhawa ang buhay, ngunit sila lang ang nakakatikim ng kaginhawaan na ito. Bagong sasakyan, pera sa bangko, sila ang may hawak ng gastusin. Lahat ng gastos ng pamilya ay kinukuha sa negosyo na ito. Hindi ako makatutol dahil sa hindi naman akin yung pera na ginagamit. Tutal 3 beses naman ako nakakakain sa ilalim ng bubong nila, libre tulog, panood ng TV. Unti unti ko nang nararamdaman ang pagbabago sa anyo ko. Hindi ko maramdaman na ako’y may nagagawa para sa akin, para mapabuti ang estado ng aking anak at noo’y asawa. Ngunit imbes na ako’y kampihan ng ex-wife ko, ay sa magulang niya siya’y kumampi. Naramdaman ko muli ang pagiging mag-isa. Nagiging bugnutin na ako. Magagalitin. Hindi ko gusto itong pagbabago na ito. Pero sa patuloy na pagtrato sa akin, nawawala na respeto ko sa sarili ko. Pagkatapos ng ikalawang taon, dahil sa kalabisan ng kanilang paggastos, para tustusin ang iba’t iba nilang gastusin, nalugi ang negosyo, dahil sa naubos na ang capital na dapat ipambibili na muli ng paninda para sa tindahan, pero sa halip na harapin nila ang katotohanan na sila ang umubos ng capital ng negosyo, ay nakuha pang isisi sa akin ang pagkalugmok nito, at hinanapan ako ng dahilan kung saan ko dinala ang pera para sa tindahan.

Masakit sa loob ko na ako ang pagsisihan, malinis ang konsensiya ko, pinababayaran sa akin ang pera na ito. Napilitan akong maghanap ng paraan na mapalitan ang pera na ito, at dahil dito ay minarapat ko nang pumunta ibayong bansa para humanap ng magandang kinabukasan para sa anak ko at ex-wife ko. Mahirap nung una ang mawala sa kanila, mas lalo sa anak ko na aking mahal. Ngunit kung para sa kinabukasan niya ay, lumalakas ang loob ko para harapin ang pagsubok na ito. Sa mga unang linggo ko sa abroad ay naramdaman ko ang pangungulila sa anak ko. Tinatawagan ko sila sa lahat ng pagkataon na meron ako, ngunit dito ko na naramdaman ang pagsasantabi nila sa akin. Sige pa rin ang pagkayod ko sa kagustuhang makaipon ng pera para makabalik muli, at makapiling sila, ilan taon at pagkalipas ng palipat lipat ng kumpanya, at makaraan ng pagtaas sa aking kinikita, ay masasabi ko nang kayak o natustusan ko ang pangangailangan nila, pero wala naman sila para maging sanganan ko. Matagal na akong namamalimos sa kahit konting atensyon nila ngunit wala.

Tulad ng ibang OFW, pinatikim ko sa kanila ang konting sarap ng buhay by sending boxes of imported items, and although na-appreciate nila, hindi pa rin nila naiisip ang sinasakripisyo ko para lang makatikim sila ng ginhawa. Dahil nung ako ang nagkaroon ng problema, sa pagbayad ng credit card, kinailangan kong magstop muna ng pagpadala ng pera para makabayad sa bangko na kanilang ikinagalit at hindi nila ito inintindi at instead of understanding, mas lalo lang sila naging demanding. Minumura ako at binabantaan ako, isang bagay na hindi ko na matanggap. Pagkaraan ng mainit na usapan naming iyon, ay nagpasya ako na sumulong na lang sa buhay. Na baka hindi na ito nakakatulong sakin at nakapagpapasaya sa akin, sa halip ay umaalipin sakin at tumatali sa pagiging malungkot ko at miserable. Isang araw, sa hindi sinasadyang pangyayari, natuklasan ko na ang aking ex-wife ay nakikipagkita sa ibang lalake, Malinaw ang mga larawan, at ang mga pagbati ng pagmamahal sa kanya, na aking ikinagalit. Kinumpronta ko siya tungkol rito. Kanya itong pinabulaanan at sinabing hindi ito totoo. Ngunit nahuli ko naman muli at sa pagkakataong ito, hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, nawalan na ako ng gana, sawa na sa pagpapabaya niya, at ang kawalan ng respeto sa isa’t isa ang maituturing kong “final strand” until I call it quits.

Noong una, nalungkot ako sa pagkawala o hinayang sa nasayang na panahon. Pero ngayon, mas minabuti ko na lang na isipin na pagipunan ko para sa akin. Sa aking kalungkutan at pag-iisa, nakilala ko si Christy na mutual friend ng nakatrabaho ko rito sa abroad. Nakakausap ko lang siya sa gabi kapag tapos na ang trabaho, at sa harap ng isang computer, salamat sa teknolohiya ng makabagong panahon. Masarap siya kausap, kabiruan at kakwentuhan. Hindi ko namamalayan ang oras kapag kausap ko siya. Masayahin kapag masaya ako, dinadamayan ako kapag malungkot ako, iniintindi ako kapag nagkukwento ako ng pinagdaanan ko sa buhay. Hindi ko akalain na makakakilala ako ng katulad niya, nag-aalala, umaalalay, handang makinig at umintindi, lahat siya ng mga bagay na hinahanap ko sa isang mamahalin. Naging malapit kami sa isat isa, kahit na may konting takot ako na mangyari muli sa akin ang nakaraan. Kinilala ko siya ng mabuti, at nakita ko sa kanya ang kasiyahan ko, peace of mind and contentment sa isang tao. At noong ikwento ko na ang mapait na nakaraan ko, at kung bakit hindi ko ipipilit ang sarili ko sa kanya, dahil sa sitwasyon ko, ipinakita niya sa akin, na ang mas importante ay ang pagmamahalan naming dalawa.

Naging masaya siya dahil sa palagay na loob niya sa akin. Na ang nakaraan ko, ay tanggap niya na parte ng buhay ko. Nagpapadala pa rin ako sa aking ex-wife, na tumatawag lang tuwing katapusan ng buwan para itanong yung sustento para sa bata. Yung anak ko naman ay nahihiya nang kausapin ako, di hamak siguro sa mga bagay na sinasabi ng pamilya niya tungkol sa akin. Sana, balang araw, sa paglaki niya ay maintindihan niya ang lahat. Kasalukuyan kong ina-apply ang annulment case, para mapasawalang bisa ang aming kasal, at kahit na nagkausap na kami a few years back, alam kong ito na rin ang mas mabuti, para matahimik kaming dalawa, have a chance to find the one person who will make each of us happy. I know she found it. And I'm happy for her. Nagagawa niya ang mga gusto niya ng walang kumokontra. At ganun na din ako. I’m moving on. Nagsisimula muli. Picking up the pieces of this broken heart. Trying to find my way back into love. And I did. Because of Christy.

Masaya ako sa kanya. At gusto ko nang magsimula na kami ng aming buhay. Sana kapulutan ito ng aral, na hindi sa lahat ng pagkataon, ang pagsasama ng dalawang tao, ay hindi para sa convenience lamang. It has to be nurtured and planted with love from both sides on the onset. If not, not only were we lying to ourselves, but like two opposites, at war with each other, we are better off finding the other half we thought we had, who would ultimately appreciate us for our flaws and love us just the same or even more, for what we are. Just another guy, looking for love, and happy to have finally found it.

 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.