Wednesday, October 23, 2013

Shared by Miss JC

Naalala ko, last time na nagsend ako ng message sayo, na mention ko na wala akong problema talaga, at gusto ko lang mag thank you kasi sobrang natutuwa ako kung paano ka mag extend ng tulong sa mga followers mo, mapa personal man na problema o love life man nila.

Anyway po, kaya po ako napa sulat ulit, gusto ko lang po ishare yung odd and weird pero unique relationship namin ng boyfriend ko. I'm 23, and he's 25 po, at more than 3 years na po kami, pero putol-putol lang (as dubbed by my mom). Kasi, naghiwalay na kami minsan, pero ikino-consider pa rin namin yung 7 months na yun as part ng 3 years namin.

We actually started as friends. Sabi nga minsan sa Church, "friendship is the foundation of all relationships". Kaya aside sa pinaniniwalaan ko yun, pinanghahawakan ko rin iyon sa relasyon namin. Marami po ang nagsasabi, sobrang kakaiba daw yung relasyon namin. Aside sa fact na, madalas ang argumento at away-bati namin, first bf/gf din namin ang isa't-isa. At pareho din kaming virgin. Marami siguro ang magtataas ng kilay at magsasabi ng "ows???", "weh?", "di nga?!", "mukha mo!", 'sinungaling!", "Lokohin mo sarili mo". O kaya, paano ko naman nalaman?! Marahil, kung mag rereact na naman ang bf ko, sasabihin na naman niya ang paborito niyang linyang; "Anong akala mo sa akin? Di na ako virgin? Excuse me, nakakawala man ng pagkalalaki pakinggan, virgin pa ako no!" -and I admit, kinikilig ako pag nakikita ko sa kanya kung paano niya pahalagahan ang purity at marriage. Yun kasi yung simplest way niya para iparamdam niya sa akin kung gaano niya ako nirerespeto.

Pero Ms Jane, pasensya na, introduction pa lang yun. Ang isha-share ko po kasi talaga, ay yung madalas naming (actually ako lang talaga) paghahamon sa isa't isa ng pakikipaghiwalay.
Kung iiscore-an lang naman kaming dalawa, ako na ang panalo, champion pa! Pero, sa dinami-dami ng beses na naghamon ako, wala dun ang nagkatotoo. Pero siya, 2 beses lang siya naghamon, tinotoo niya. First yung naghiwalay kami, second, recently lang. Ang nakakainis, nag-away kami dahil sa design niya na sinabihan kong pangit - opo alam ko, mali po ako. Kasi natapakan ko yung ego niya, tsaka most of the time na-a-under ko siya. Nung sinabi niya na napapagod na siya sa relasyon namin, YUNG TOTOO? Sabi ko, "EDI SIGE! AKO RIN PAGOD NA!" Sabi ko kung dun siya masaya, EDI GO!

Pero sa text lang yun. Ang tapang ko noh? Pagka-enter ko ng send button, humagulgol ako sa iyak. Alam mo yung iyak ni Ryzza sa dingding? Exaggerated masyado yun, hindi naman po masyadong ganun. Wala namang kamay sa taas ng ulo, pero ganun na rin, kuhang kuha. Parang tanga lang po ba ako? Sumagot siya na hindi pa naman daw siya ready. Ang sa kanya lang, napapagod na daw siya kasi lagi kaming nag-aaway. Baka daw gusto ko ng space o cool off. Sabi ko, e dun din papunta yun!
After a while, nagtext ako ulit, medyo pinipigilan ko siya pero not in an obvious way. Nilalabas ko lahat ng sama ng loob ko sa kaibigan kong nasa abroad. Ayokong magshare sa mga kaibigan ko dito, kasi dumating ako sa point na mas pinili ko si bf kesa sa kanila. In short, hindi pa po official na wala na kami.
Ma-pride ako noh? Tanga na ma-pride pa.

Dumating kami sa point na nag-uusap pa rin thru text, as friends, kalmado, pero ramdam na may gap sa amin. (Huwag kayong atat, 3rd day lang ito after nung huling usapan namin). Tinanong niya ako kung alam na ba ng parents ko. Tsaka kung galit ba sa kanya ang mga kapatid ko. Ako naman po, naisipang mag ala "trial and error", ang sagot ko, "alin, na hindi na tayo?". Kasi diba di pa official na wala na kami dahil di pa daw siya ready, sabay nagtanong siya ng ganoon, kaya po yun ang sagot ko.
Sabay ang sagot niya, "Oo... Gusto ko ngang magkita tayo para magusap." For closure ba ito?! Grabe.
Nakakaiyak po pala mag trial and error! Akala ko nakakasakit lang ng utak yun pag ina-apply sa math! Masakit din pala yun sa puso pag sa pag ibig inapply!

Ayun, humagulgol na naman ako. Di ko na po natiis yung emosyon ko. Sumabog po yung galit ko. Sabi ko, nandun na rin lang kami, isusumbat ko na sa kanya lahat. Hanggang sa sinabi ko, ang sama sama niya! Gusto ko siyang patayin! Napakasama niya! Kasi nung ako yung nakipaghiwalay, di siya pumayag. Tapos ngayon, FOR THE SECOND TIME AROUND, siya na naman ang nagwagi! Siya na naman ang nakipaghiwalay. Talunan na naman ako. Sabay sabi niya, wag na daw muna kami magkita (natakot ang lolo mo?!?). Pagka kalmado na daw ako. Dun na lang.

Pinakalma ko yung sarili ko. Tinext ko si mama na hiwalay na kami tsaka na makikipagkita ako sa kanya. Ang sagot ni mama, dahil ba sa design niya na sinabihan kong pangit? Kasi yun nga ang huling pinag-awayan namin. Sinabi ko po kay mama yung dahilan. Pag-uwi daw ni mama, mag-uusap kaming dalawa. Nag-ayos ako, habang kachat ko yung kaibigan ko, sinabihan niya akong huwag magdadala ng anything na matulis o nakakasakit na bagay. Baka kasi mabalitaan na lang niya nakakulong na ako. Ang sarap ng pakiramdam pag may kaibigan kang medyo baliw. Napapangiti ka ng wala sa oras, at napapagaan talaga ang loob mo.

Nagkita kami. Nasa malayo pa lang siya, nakita ko sa mukha niya na depressed siya. Nasabi ko na lang sa sarili ko; "Grabe, ito ba yung iniiyakan ko? Wow ha, ang pangit naman nito! Bakit ba ako nagkagusto sa pangit na ito in the first place?!" Hindi naman ako kagandahan, pero siguro another way din yun sa akin para maboost yung confidence level ko. Sobrang atat na ng kamay ko na dumapo sa makakapal na pisngi niya. Pero buti na lang napigilan ko. Wala kaming imikan nung una. Kaka pamedical lang daw niya. Inisip ko kung may sakit ba siya kaya siya nakikipaghiwalay o may offer na trabaho sa kanya, kaya nagpamedical siya. Pinipilit kong huwag umiyak sa harapan niya. Pinilit kong maging composed at kalmado. At magsalita ng mahinahon. Ang tahimik niya. Hanggang sa sinabihan niya ako na hindi niya daw ineexpect na magiging kalmado ako. Ni-remind ko siya na galit ako at gustong-gusto ko siya patayin kasi paasa siya, tinanong pa niya ako dati kung gusto ko ring magpakasal sa kanya. Na hihintayin niya daw ako kung kelan ako ready. Sabay pagod na. Grabe. Nung sinagot-sagot ko siya, tinaas ko at iwinagayway ko ang bandera ng mga babaeng niloko ng mga sinungaling, manloloko, G at T na lalaki sa mundo!

Natahimik siya, sabay tanong kung pagkatapos ba ng pag-uusap namin, magkaibigan pa rin kami, magkikita pa ba kami, pwede pa ba kaming mag-usap? At ang sagot ko, isang malaking HINDI! Paano kako ako makakapag move on? At pagkatapos ng ginawa niya, ang lakas ng loob niya at ang kapal ng mukha niyang mag expect ng ganon! Tinanong pa niya, kung kahit sa facebook man lang, baka pwede kaming maging friends. Sabi ko hindi. Ibablock ko pa siya at icoconsider na spam!
(Nakakaramdam ako ng standing ovation sa mga kababaihang niloko ng mga lalaki).
Pero bandang huli. Sinabi ko na yung lolo at lola ko, more than 50 years na sila. At tabi pa rin sila matulog. At pag natutulog sila, nakadantay yung kamay ng lolo ko sa bewang ng lola ko. Hindi rin perfect ang relationship nila. Mas grabe sila mag-away. Maliit o malaking away, meron sila. Quotang quota nga sila sa away araw araw. May murahan at maaanghang na salita pa. Pero at the end of the day, tatawanan na lang nila yung mga sinabi nila at pinag-awayan nila. Kasi they're used with it. They just accepted the fact na parte na talaga yun ng daily routine nila at walang naiiwang grudges sa bawat isa. Walang wala yun sa mga pinagdaanan nila all through those 50 plus years na magkasama sila. It doesn't matter kung gaano kayo katagal. what matters most, is ready kayong dalawa na harapin yung mga pagsubok sa buhay niyo ng magkasama, na kahit nagtatalo nag aargumento, ang tanging mindset niyong dalawa ay maging magkasama kayo hanggang sa kahuli-hulihan.

Lastly, sinabi ko sa kanya na kaya ako nakipagkita sa kanya, kasi kahit na alam kong wala ng kapaga-pag asa para isave yung relationship namin, nagbaon pa rin ako ng kaunting faith, na sana uuwi ako na okay kami ulit. (Ang mga nagsipalakpakan na nag standing ovation kanina, binabato na ako ng bulok na kamatis). Speaking of spam, sabi ko gutom na ako. Gusto ko na umuwi. Kasi tapos na rin naman yung usapan namin. Nasabi ko na yung dapat kong sabihin. Tinanong niya kung pwede daw kaming sabay kumain. Nakayuko ako at tumango lang. Deep inside, nagdurugo ang puso ko. Sa kabila ng mga sinabi ko, grabe, walang biro, naiiyak ako. Yung feeling na "ayan na, ayan na". Konting kurap na lang mawawala na kami sa buhay ng bawat isa.

Tumayo ako tapos ako yung naunang maglakad. Tahimik lang siya. Habang naglalakad, tinanong ko siya pero nangingilid yung mga luha ko. Sabi ko, edi ibabalik ko lahat ng binigay niya sa akin, kesa naman ibenta o itapon ko. Lumalapit siya sa akin. Parang may magnet na naghahatak sa kanya papunta sa akin habang naglalakad kami, pero todo iwas ako. Naiiyak na ako. Nung sinabi kong, "Di ba usapan natin, pag maghihiwalay tayo, dun sa Uncle Cheffy sa MOA, kasi maganda ang ambiance dun tska malakas ang hangin." Sabay tawa ako sarcastically.
Bigla niyang kinuha yung dala ko, tapos hinawakan yung kamay ko. Nagingilid yung luha niya, tinanong niya ako kung pwedeng magback out. Ayaw na daw niya ituloy. Gusto niyang maging katulad din kami ng lolo at lola ko.

Emerghed.(<<---ano ibig sabihin nyan -Jane)

Credit: Doblelol.com
Naiiyak ako nun, pero nag-aalanganan ako. Pero honestly, kinikilig din ako.
Tinanong ko siya kung sigurado ba siya? Kasi wala ng bawian yun. Nakakahiya man, pasimple niya lang akong hinug, yung mabilis lang. Di na rin niya binitawan yung kamay ko.
Nung kumakain kami tinitingnan niya lang ako. Sabi niya, maswerte daw siya sa akin, habang ako, malas daw sa kanya. Sabi ko, BUTI ALAM Mo! Sabay bawi. Sinabi niya sa akin na kaya siya nagpamedical, may job offer daw siya sa Clark. Kaya baka every Sunday na lang daw kami magkita.
Dun ko na realize na baka kaya siya ganon. Paranoid o natatakot sa LDR. Ayun. Tapos hinatid niya ako pauwi. Tinatawanan kami ni mama, kasi okay na kami. Pero alam mo Ms. Jane, after nun, mas naging okay kami, tska mas nararamdaman ko kung gaano niya ako ka love.

Sa mga may pinagdadaanan ngayon sa relasyon, isipin niyo na lang yung lolo at lola ko. At samahan niyo ng prayer. Daig pa ng prayer ang kisspirin at yakapsul.

Friday, October 18, 2013

Shared by Miss Mira

One of my friend advised me to search your name, sabi nya hanapin ko daw name mo sa facebook makakarelate daw ako sa mga stories dun and she even told me na baka dyan ko pa daw mahanap Mr. Right ko sabi ko, ngek medyo malabo yata yun. Actually, di ko sya pinansin at natawa lang ako sa sinabi. Ma-emosyon kasi akong tao kaya minsan iniiwasan ko magbasa ng mga story na may kinalaman sa pag ibig hehehe, bumibigat dibdib ko lalo...

Until one day, para akong nakaramdam ng self pity at nakaramdam ng bigat sa dibdib ng di ko talaga alam ang exact reason, bigla na lang akong naiyak. Hindi pa naman siguro ako nababaliw nun noh? Para ma shift ko sa iba yung nararamdaman ko I decided to search your name and then I started to follow you.

Parang bigla kong naisip na mag share din ng kwento ko. Ang sobrang masalimuot kong kwento. Sabi nga ng mga kaibigan ko pang Maala ala mo daw kaya ang buhay ko... bakit di ko daw ipadala since birth hanggang married life ko.

Anyway, here's my story. medyo natagalan bago ako natauhan...sabi nila masyado daw akong mabait sa ginawa ng asawa ko sa akin. Pero kahit naman kasing anong gawin ko, nangyari na eh, alangan naman lalo pa akong magpa kabitter.

I met my Ex husband ( not yet legal na EX) when I was in 4th year college. Actually he is the brother of my college friend, my BFF. Hindi naman love at first sight ang nangyari sa amin, nadevelop na lang ang feelings ko kasi nga close ako sa family nya dahil na rin kapatid sya ng BFF ko at di ko na din pinatagal ang panliligaw nya. After my graduation, he decided to work abroad kaya naging LDR kami for almost a year. After a year, bumalik sya ng Pinas at yun nga nagpropose po sya na magpakasal na kami. Hindi muna ako pumayag magpakasal kasi that time kakalipat ko lang sa new company at medyo to the highest level ang stress at demand sa work ko. At may mga kinakatakutan pa ako sa salitang kasal. Parang di ko pa yata kaya, dami kong tanong sa sarili ko. Tsaka matagal din kaming naging LDR kaya sabi ko need ko muna syang makilala ng husto talaga. But after a while, we've just decided na mag livein na lang muna, and it lasted for a year before we decided to get married.

A short background muna about my life... I belong to a broken family and never felt to belong... I mean di ko talaga alam kung ano ang pakiramdam ng may masayang pamilya. Ang mama at papa ko, may kanya-kanya na silang pamilya pareho. Lumaki ako sa lola ko, at nakitira at nakisama sa hindi kamag anak para makapag aral, kaya sobrang pinagbuti ko ang pag-aaral ko, consistent honor student ako, kung sinu sino hinihila ko para lang may magkabit ng medal sa bawat parangal na ginagawad sa akin. Mabait naman yung nagpaaral sa akin pero syempre need kong makisama at tumulong sa mga gawaing bahay ( teary eyes... those were the days...) Nung mag college ako, nagmigrate na sa America yung nagpapaaral sa akin. Kaya sabi ng lola ko, pumunta ka sa mama mo para makapag aral ka ng college. Wala akong choice kundi pumunta ng Maynila at iwanan ang lola ko, kailangang kong makatapos kasi dami akong pangarap. Wala akong ibang aasahan kundi ang sarili ko lang. Pagdating sa Maynila, I never felt that I belong, I live my own. Pero ok lang basta aral lang akong mabuti. Pero kailangan ko pa ding makisama at tumulong sa mga gawaing bahay. May times pa na pinalayas ako ng step father ko, kung kani kaninong friend ako nakatira at nagworking student ako para lang makapag aral.

In short, sobra akong nag struggle sa buhay, sa buhay na walang pamilya na nagmamahal sa akin. I really tried hard na kayanin ang buhay mag isa, ng walang pamilya na nakapaligid sa akin. Lalo kong naramdaman ang mag isa nung mamatay ang lola ko. Kasi sya ang inspirasyon ko eh. Nag aral akong mabuti, naghanap ng magandang trabaho kasi gusto kong makaramdam ng ginhawa, kasi sya ang buhay ko eh. At sa awa naman ng Diyos, nakapasok ako sa magandang company pero nakakalungkot lang kasi di na yun nakita ng Inang ko. Naku kung narrate ko ang buhay ko, baka bumaha ng luha sa sobrang dami kong pinagdaanan bago ako nakarating sa kung san man ako ngayon.

So, I'm really longing for love... for a family...! Kaya nga di ako nagpakasal agad kasi I want to make sure muna na sya na ba talaga kasi ayaw kong matulad ako sa parents ko. Sabi ko, pag nag asawa ako sisiguraduhin ko na di ako magiging broken family. At pag nagkaanak ako, hindi nya mararanasan ang naging buhay ko. Ang lahat ng hirap at pasakit na pinagdaanan ko. But sad to say, kahit anak wala ako. Sobrang mahal na mahal ko ang asawa ko at naramdam ko naman na ganun din sya sa akin. Sa kanya ko naramdaman na kumpleto ako. Na deserve kong mahalin at magkarun ng pamilya. Kaya nung maging kami ng asawa ko, sya ang naging sentro ng buhay ko, ang pamilya ko. Naramdaman ko na di ko kayang mawala sya sa buhay ko kaya after a year na live in kami, we have decided na magpakasal na. I can say na our married life was so perfect. Umikot ang mundo namin sa isa't isa. " Sabi nga ng mga malapit sa amin, " MAY SARILI KAMING MUNDO". Kasi masaya kami kahit kaming dalawa lang. Masaya ang buhay namin mag asawa syempre may kaunting misunderstandings din but mostly, pity quarrels lang.

Almost 2 years kaming nagkasama bilang mag asawa nang dumanas kami ng financial crisis pero sa totoo lang wala naman kaming dapat sisihin kundi kami lang din. Pareho kaming may trabaho. Sa isang malaki at kilalang company dyan sa pinas ako dati nagtatrabaho with good salary and benefits. Kaya wala kaming problema sa pera, kasi may trabaho din naman sya though mejo mas ok talaga ang work at kita ko, never naman naging issue sa amin yun. Dahil nga masasabi ko na ok ang buhay namin... Hanggang sa nawalan sya ng trabaho sa pinas. More than half a year din syang naging tambay, nag try naman talaga syang maghanap ng work pero nahirapan sya kasi under graduate din sya. Sobrang nahihiya na daw sya sa akin. Wala naman kaso sa akin but he still insisted to work abroad. Until, nakahanap syang work sa KSA, dami naman syang kamag anak dun kaya hindi ako nag worry.

Nasanay ako sa buhay na sya ang kasama ko, sa kanya umikot ang mundo ko kaya para akong mababaliw na malayo sya sa akin. Kaya nagdecide kami na sumunod ako sa KSA kaya nakiusap sya sa boss nia na baguhin ng family status ang visa nya para makakuha sya ng visa for me. Until one day, nakausap ko ang kaibigan ko na working sa UAE. Ask nya ako if want ko mag visit visa dun. Kinausap ko asawa ko sabi ko magvisit visa na muna ako sa UAE, kung aling visa ang mauna. So in short, I sacrificed my work in the Philippines para lang magkasama kami agad. Nagvisit visa ako sa UAE, ang usapan namin kung makakuha ako ng magandang work sya ang lilipat sa UAE pero kung mauna ang visa ko sa KSA, susundan ko sya dun. Ginawa ko yun para magkasama kami, sacrifice to leave my job for him. Kahit mahirap, basta magkasama kami. Sabi ko nga dito na lang kami sa pinas, ayaw nya naman. Try daw namin kung kaya ba namin ang buhay abroad dalawa.

Nung dito na ako sa UAE, 2 months, wala akong work, grabeh din ang naranasan ko dito. One month ako sa Oman para sa exit, isa ako dun sa mga taong stranded dati sa Oman at nahihirapang makabalik sa UAE. Nagsisisi ako that time, pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko. Naalala ko pa, pag may mga dumarating na reporter, need kong magtago baka mahagip ako ng camera at makita ako sa dating work ko... nakakahiya di ba? I'm on my second exit in Oman when I received a call from him, it's our 3rd Wedding anniversary kaya binati nya ako. Sobrang saya ko kasi binati nya ako exactly 12:00am. Naiyak ako kasi mix emotions na eh. Yung pagkamiss ko sa kanya, yung takot ko na di na kami makabalik sa UAE kasi wala pang visa at pauwiin na kami sa Pinas. Yung financially broke ka na din pero ayaw kong paalam sa asawa ko lahat ng takot na nararamdaman ko. Pero ang sobrang nagpaiyak talaga sa akin... after our conversation he used different endearment na hindi naman yun ang tawagan namin. Naloka ako, I asked him anong sabi nya, sabi nya wala lang daw yun, nagkamali daw... may ganun? For how many years yun ang tawagan nyo since magboyfriend pa lang kami tapos magkakamali. From then, sobra ang kabog ng dibdib ko, naghinala na ako kasi napapansin ko din na di na kami masyado nakakapagchat pero di ko masyado binigyan pansin that time kasi sabi ko dahil na din sa pag exit ko.

Imagine yung pakiramdam na mababaliw ka na kasi 2 months ka nang walang work, nasa exit ako for another one month na walang kasiguraduhan sa visa ko, wala na akong pera. Nahihiya akong magsabi sa mama ko... alam mo yung ang dami dami mo nang iniisip tapos dagdag mo yung kutob ko sa asawa ko. Minsan kahit malaki na problema mo sa financial, mas nadadaig ng emotion ang sakit na nararamdaman ko. Kaya nung makabalik ako sa UAE. I did my own investigation. Alam mo na tayong mga babae, pag kinutuban iba eh, madalas totoo talaga. At masama talaga ang kutob ko.

That was year 2008, friendster pa lang ang uso nun. May nagview sa profile namin ng asawa ko, picture ng asawa ko may kaakap na ibang babae. I was so shock, nanginig buong katawan ko. I called him, hindi na sya nagdeny. Umamin na nga sya at humingi ng sorry. Makikipaghiwalay daw sya sa babae kaya nag makaawa na patawarin ko sya. Nagmessage sa akin yung babae, nagsorry di nya daw alam na ok pa kami ng asawa ko kasi sabi daw ng asawa ko, wala na daw kami. Kaya daw sinadya nyang ipakita profile nila para malaman daw nya ang totoo. Kaya sabi now alam nya na ang totoo, dapat alam nya na din kung ano ang dapat gawin. Ms. Jane, babae lang ako na nagmamahal ng sobra. Kaya pinatawad ko ang asawa ko. In short naging ok uli kami kasi naniwala ako sa kanya na mahal na mahal nya ako at hihiwalayan nya yung babae. So tinanggal na namin yung options na ako ang pupunta ng KSA kundi sya na ang susunod sa akin dito. So lahat ginawa ko. Lumipat ako ng room yung pede ang mag asawa. Kahit wala pa sya, doble na ang bayad ko, hinihintay ko na lang yung amo ko para magawan ng visa ang asawa ko under our company's name kasi nakiusap ako. Pero parang nakakaramdam uli ako ng kakaiba. Nagtry uli akong maginvestigate. Tinulungan din ako ng BFF ko ( sister nya) pinahiram nya sa akin FS nya para makita ko mga post nung babae kasi naguguluhan din daw sya sa nangyayari pati mga pamilya nya ako pa ang tinatanong, dahil nga close ako sa family nya. Kung anu ano ang nakapost dun sa profile ng babae, mga pictures nila, mga sweet moments. Para akong mamamatay habang tinitingnan ko ang profile nung babae. At ang sobrang nakapagtrigger ng galit ko nung may mabasa akong post na, finally magiging Mrs. A na din daw sya. At may date pa ng announcement na kasal nila. By the way, ang husband ko converted to Muslim. At nagpaconvert din ang babae para sila makasal.

Tinanong ko asawa ko paano nangyari yun? Kung totoo ba? Paano yung mga plano namin? Sorry na naman sya, ang bilis daw kasi ng pangyayari. Kailangan daw nilang magpakasal kasi may nakakita daw sa kanila na pulis na magkasama. Ni reason out nila, pinag uusapan daw nila ang kasal nila. Kundi makukulong daw silang dalawa at madedeport. Parang gumuho ang mundo ko, para akong mababaliw. Wala akong ginawa kundi umiyak ng umiyak. Wala akong makausap. Wala akong mapagsabihan ng lahat lahat ng sama ng loob ko. Pero nagpakatatag ako kasi nasa ibang bansa ako. Alam mo yung mga panahon na awang awa ako sa sarili ko. Ako pa ang lumalabas na other woman na daw. Kasi muslim na daw sila, tinatakot pa ako ng babae na ipapahuli daw ako sa mga muslim brother nila dito sa UAE once na manggulo pa daw ako. And daming ginawa sa akin ng babae, ni-hack nya account namin sa FS, inerase nya lahat pati mga albums namin. Nagpanggap sya na sya ang asawa ko sa YM habang nagchachat kami, kung anu ano ang mga pinagsasabi nya. Pati mga kaibigan nya tinakot ako, my God kung babalikan ko lang lahat ng ginawa nila sa akin, masasabi ko na tanga pala talaga ako pagdating sa pag ibig. Ni hindi ko naipagtanggol ang sarili ko. Iyak ako ng iyak, hanggang sa work ko. Madalas akong mahuli ng boss ko na umiiyak. Nagtry naman akong magmove on, pero nahirapan talaga ako.

After a year, I heard na magbabakasyon daw sila ng Pinas. Hindi pa din ako nawalan ng pag-asa na maayos kami ng asawa ko Ms. Jane, gumawa ako ng paraan. Nagpaalam ako sa amo ko, sabi ko magreresign na ako, uwi na lang ako sa Pinas kasi sobra talaga akong affected sa nangyari sa life ko. Hindi naman naapektuhan ang work ko talaga kasi nagagawa ko pa din naman ng maayos ang work ko. Pero may time nahuhuli pa din ako ng boss ko na umiiyak at tulala. walang araw at gabi na umiiyak ako. Pati mga room mates ko gumagawa ng paraan para maaliw ako pero di talaga ako makapag move on. Pinayagan ako ng amo ko, binigyan nya ako ng FREE ticket sabi nya pag ok na daw ako bumalik ako. Ni-try kong magkita at magkausap kami ng asawa ko pero sya ang umiiwas. Hindi sya nagpakita sa akin, walang kasing sakit yung alam mong andyan lang sya, ang lapit lapit nyo sa isat isa pero di mo maabot.

Syanga pala, walang nakakaalam sa pamilya ko sa nangyari sa amin ng asawa ko kundi mama ko lang. Ayaw ko kasing masira sya sa family at relatives ko dahil maganda ang pagkakakilala nila sa asawa ko at ayaw kong masira yun. Naging close kami ng mama ko mula nung mag asawa ako at lalo kaming naging close nung malaman nya yung nangyari sa amin ng asawa ko. Kasi that time, wala akong ibang alam na mapagsabihan kundi mama ko. Sabi ng mama ko, uwi muna ako ng probinsya. Lahat ng kamag anak ko hinahanap nila asawa ko. Hanggang sa nagulat ako sinabi na ng mama ko dun sa auntie ko na close ko, galit na galit sila sa ginawa nya. Dumating pa sa point na gusto nilang ipa-hold sa immigration para di na sya makabalik sa KSA kasi may kakilala kami na taong pwedeng lapitan sa immig para ip hold sila. Pero ako na yung nakiusap sabi ko hayaan na lang. After more than a month ko pag stay sa Pinas, nagdecide akong bumalik sa UAE. Sabi ko ayusin ko buhay ko, try kong kalimutan na lang at magmove.

After 3 years, nagkaroon uli kami ng communication. Actually, wala man kaming communication sa isa't isa. Hindi naman ako nawalan ng balita about him kasi until now, close pa din ako sa family nya, hindi naman naapektuhan yun at umaasa pa din silang maging kami bandang huli.
But for that 3 years, I won't deny the fact that I had multiple dates. Madaming sumubok pero nahirapan akong kumbinsihin yung sarili ko na single na ako at pwede na akong makipag relasyon. Pero sabi kasi ng friend ko, kung lalaki daw ang dahilan yun din daw ang solusyon. Hanggang sa may naging kaibigan ako na talaga naman napakatyaga at napakabait, pero di naman nya dineny na gusto nya ako. Alam nya lahat ng story ko after almost a year natutunan ko naman syang mahalin kasi sobrang bait nya. He supported me in all aspects of my life until he proposed for marriage and he requested na try ko daw mag-aral ng muslim baka daw magustuhan ko. Hindi naman nya ako pinilit, I refused his offer kasi ayaw kong maconvert sa muslim dahil lang gusto kong magpakasal, gusto ko pag nagpaconvert ako yun ay dahil sa kagustuhan ko. At narealize ko parang hindi pa pala talaga ako naka move on sa asawa ko. Kaya nakipaghiwalay ako, naintindihan naman niya and we're still good friends up to now.

At yun nga, nagkaroon kami uli ng communication ng asawa ko. He again asked for forgiveness at  tanggapin ko daw uli sya. Gagawa daw sya ng paraan na maayos kami. Hihiwalayan nya daw yung isa. Mahal ko pa din pala sya. Dahil asawa ko pa din sya, tinanggap ko uli sya. Sabi ko, sige magsisimula uli kami. Kakalimutan namin ang lahat, pero makipaghiwalay sya ng maayos sa babae. Kausapin nya ng maayos at wag yung basta nya na lang iwanan. Kahit masakit, tinanggap ko na dalawa kami sa buhay nya. Kahit sila yung magkasama dun, umasa ako maayos uli kami at babalik kami sa dati.

Siguro nakaramdam din ng kakaiba yung babae, inaway-away uli ako ng babae. Kung anu ano ang masasakit na salita na sinabi nya pero tinanggap ko, di ako nagpaapekto, di ko sya pinatulan parang lumalabas na ako ang kerida. Ang sakit-sakit pero wala akong magawa kasi ginusto ko yun. Lahat ng kaibigan ko, sinabihan akong tanga, nagalit sa akin, ayaw na nilang bumalik ako sa kanya. Maski yung BFF ko sabi magmove on na daw ako, humanap na daw ako ng iba, wag ko na daw balikan kuya nya, pero wala eh, mahal ko sya. At nangingibabaw yung takot ko baka wala nang tumanggap sa akin uli. Natatakot ako na mamuhay mag-isa. Ang dami kong takot kaya siguro tinanggap ko uli ang asawa ko.

Last year, may usapan kami na magkikita kami sa Pinas, mag-uusap at aayusin ang lahat. Ayun, naniwala na naman ako. Umasa at naghintay. Pati pamilya nya sobrang saya kasi nalaman nila na ok na kami uli. Pero walang nangyari. Naghintay ako sa wala, panibagong sakit pero di ako nagpahalata sa pamilya nya na nasaktan ako sa nangyari,  hindi sya umuwi para magkausap kami. Nagsorry na naman sya kasi di daw sya makauwi. Di daw sya pinayagan magbakasyon. Ang tagal namin pinagplanuhan yun tapos sorry lang?
Pero sinulit ko na lang yun bakasyon ko. Di na lang ako nagpaapekto. Pagbalik ko dito sa UAE, pinangako ko sa sarili ko na wala na talaga. Ayun, nakipaghiwalay na talaga ako sa asawa ko, kasi patuloy ko lang sasaktan ang sarili ko. Sabi nga ng mama ko, bata pa ako enjoy ko na lang buhay ko. Darating din ang araw na magiging masaya ako at makikita ko ang lalaking karapat dapat para sa akin.

The last thing I heard, buntis na daw yung babae. Yun yung hiningi kong sign kay Lord para tuluyan kong alisin ang kahit kaunting pag-asa na kami pa din bandang huli, pero ito na binigay na ni Lord yung sign. Grabe ang sakit, pero kailangan ko na talagang tanggapin. It's been 5 years na sobra na akong nagpakatanga at umasa sa wala so I think I deserve to be happy also. It's really time to move on and forget the past and planning for annulment.

I know someday, somehow I will overcome the heartache and will forget the reason why I cried and of course the person who caused the pain. So I will try my best to let go of the past and set myself free of hatred. And one thing I should and will never let go is HOPE... hope that I will get through all of these. After all, what matters most is not the first but the final chapter of our life. I'm still hoping that good things will transpire in my life even everything doesn't turn out exactly the way I had anticipated.
Photo credit: Lifeandself.com

Tuesday, October 8, 2013

Shared by Miss Lea

I'm 27 yrs old at isa akong nurse pero sa edad ko na ito hindi pa ako nakaranas na magkaroon ng matinong boyfriend at hanggang ngayon naniniwala ako na malas ako pagdating sa bagay na yan kaya napagod nako. Kung may darating darating bahala na. Tatlo ang naging ex boyfriend ko pero lahat sila ay nagbigay sakin ng sama ng loob. May first boyfriend is JM super sweet nya. Noon kase parang gusto ko perfect lahat at gusto ko yung first ay sya na rin ang last. Pero nag work ako sa province namin as nurse, nahirapan kase ako maghanap ng work dito sa lugar namin kaya doon ako nagwork.

Okay naman ang BF ko tiwala ako sa kanya kahit magkalayo kami ay super sweet pa rin nya. Pero isang araw nakareceive ako ng text galing sa isang GF din daw sya ng BF ko inaway ko yung girl pero grabe pinagmalaki pa nya sakin na may milagro na silang ginagawa ng BF ko. After nang message na yun ay hindi na ako nagparamdam sa BF ko at pati sa babae sabi ko magsama na sila. Pero grabe yung babae 2 months palang sila ng BF ko meaning ako ang nauna at sya nang agaw, ako pa ang inaway at nilait-lait na hindi maganda at pinagtitiyagaan lang daw ako ng BF ko kase maganda akong pangdisplay may pinag- aralan pero bukod dun wala na yun ang mga message nya sakin. Galit na galit ako kase ang sabi lang ng BF ko wag ko pansinin yung girl ako daw mahal nya. Dahil hindi ko kilala yung girl nagsearch ako, gumawa ako ng ibang account para makilala sya dun ko nalaman na may 2 na syang anak at nasa ibang bansa lang ang asawa nya. Grabe ang sama ng loob ko ipagpapalit lang ako sa may asawa at anak pa.

At grabe pa manglait ang babae na yun, yun pala ay isang bonggang pagtataksil at kasalanan ang ginagawa nya sa pamilya nya. Sobrang nagalit ako nun at hindi nakapagpigil sinabi ko lahat ng natuklasan ko at sinabihan ko sya ng malandi at kabit lahat na para lang gumaan ang loob ko. Ang hindi ko lang expect ay ang asawa nya sa ibang bansa ang nakabasa ng lahat kaya nagalit ang asawa nya at d na sila sinuportahan ng anak nya at lalo ako inaway nang babae. Nakikipagkita sya sakin ng personal pero hindi na ko nagpakita pati sa BF ko. Isang taon mahigit bago ako naka move on as in hindi ako nagpaligaw kase natrauma ako. After more than a year nakilala ko ang second BF ko. Nagkareunion kase kami ng elementary after nun nagka text, tawagan at yun date batchmate ko sya pero di ko sya masyadong nakaclose nung elementary kaya halos getting to know each other ulit kami. Hangang dumalas ang mga gathering namin nung elementary kaya lalo kami naging close hanggang naging BF ko na sya. Pero tulad ng dati may nanggulo ulet samin may nagmessage ulit sakin GF daw sya ng BF ko at four years na daw sila nagulat ako para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Ang nasa isip ko nun iyun na naman ganun na naman. Hindi nako nakipaglaban at lumayo nako pero hindi ako tinigilan halos pati mga friend ko sa FB add ng girl at siniraan ako. grabe hindi ako makapaniwala na may ganong babae na sobrang baliw magmahal pero hindi pa yun ang pinakamasakit na nalaman ko. Ang pinakamasakit na nalaman ko ay hindi pala babae ang kaagaw ko kundi bading. sobrang sakit.

Umamin sakin ang BF ko at umiiyak kinailangan daw nya gawin yun noon kase malaki ang naitulong sa kanya ng bading lalo sa pag- aaral nya. Grabe hindi ko talaga kinaya. Mula nun hindi nako nagparamdam sa BF ko na yun at hanggang ngayon wala nako balita. Ang huli lang na usapan namin ay nagsorry sya at hindi pa nya kaya makipaghiwalay sa bading dahil natatakot sya malaman ng pamilya nya na pumatol sya sa bading at yun din ang panakot sa kanya ng bading. Hindi ko talaga kinaya halos mabaliw ako noon so I decided na magwork sa malayo para maka move on. After ng lahat ng nangyare na meet ko sa ibang bansa ang high school friend ko. Sya yung lagi kong kasama noon halos weekly may foodtrip kami at weekly din kami nagsisimba noon. Hatid sundo nya ako noon sa bahay at ang buong akala ng Family ko noon ay boyfriend ko na sya. Pero hindi naging kami. Pero alam ko noon dahil sobrang close kami ay nagustuhan ko na sya at umamin din sya na nagugustuhan nadin nya ako pero nawalan kami ng communication dahil naging busy na rin sa kanya kanyang buhay.

At sa pangalawang pagkakataon na nagkita ulet kami ay naging kami na. Ang saya ko feeling ko sya yung taong malabo ako saktan kase kilala ko na sya. Pero umuwi sya ng pinas at nawalan ulet kami ng communication. Nalaman ko nalang sa FB nya na may GF na sya. Ang sakit sobra. Nasaktan ako ng sobra noon pero mas nasaktan ako nung nalaman ko na kahit sa mga tropa namin ay itinanggi nya na naging kami. Nalaman ko pa na sinabi nya na malabo daw mangyare yun. Sobrang sakit lalo na ngayon ikakasal na sya ang sakit talaga. Ang pinakamasakit dun parang wala daw sa tipo ko ang papatulan nya. Pati yung closeness namin noon na hatid sundo nya ako nung magkaibigan pa kami at nung nagsisimba kami itinanggi nya lahat yun sa maraming tao. Ang sakit sobra. Pero 1 month bago ako umuwi ng Pinas naka-receive ako nag message galing sa kanya as in todo sorry sya. Pumunta pa sya sa bahay namin nung unang linggo ko sa Pinas pero ang masakit dahil kasama nya mga kaibigan namin sa bahay namin kung makipag usap sya parang wala lang. Yung kaswal na tropa yung parang hindi nya ako sinaktan. Sobrang sakit talaga nasa loob sya ng bahay namin pero hindi ko sya kinikibo at kahit tingnan di ko ginawa basta pinaghainan ko sila at nakipagkwentuhan lng ako sa mga friend ko. Ilan beses sya nag try makipag usap ng kaswal yung parang wala syang nagawa at nakukuha pang magbiro yung tipong parang noon nung barkada pa kami. Gusto ko sya murahin.

Ilan beses sya nag attempt na kausapin ako mag 1 pero umiwas ako ayoko na kase. At nararamdaman ko din na gusto nya ilihim sa ibang kaibigan naman na nakikipag ayos ulet sya sakin. Ayoko na! Tulad na naman noon. Pero itatanggi nya sa mga friends namin. Ayoko na. Now, I choose to focus sa career ko nagreview ako para hindi maisip ang mga kamalasang dumaan sakin. Sa ngayon career na lang talaga, nakakapagod na din kase umasa. Sa lahat ng mga nangyare yung huli ang mas nasaktan ako dahil kaibigan ko sya. at dahil din dun nagkaroon na din ng gap sa amin ng mga tropa ko. Para kasing ako pa ang na judge na masyado akong umasa at nag feeling na GF eh, tinanggi na nga ako. Nakakaloka talaga pero ayoko sirain ang buhay ko sa kanila. Tama na siguro ang katangahan ko. Sa ngayon ang batas ko ay bawal muna ako magmahal para matutunan ko ng maayos na mahalin ang sarili ko.
 
© 2013 Imsharing. All rights reserved. The material on this site may not be reproduced, distributed, transmitted, cached or otherwise used.